KABANATA 5

43 7 4
                                    


Linggo ng gabi kami nakauwi ni Nicca, ayaw pa nga niyang umuwi dahil may naging boyfriend agad siya doon. Nandito ako ngayon sa hallway papasok sa room namin. Nautusan kase ako ng professor namin na kunin ang libro sa ofiice. Mabagal ang lakad ko dahil medyo masakit ang aking puson. Sana ay hindi ko pa araw ngayon dahil shit wala akong pads na dala. 


"So our topic for to-" naputol ang sasabihin ni prof ng makita ako. Agad ko naman itong binigay sa kanya at pinaupo na ako. Pag-upo ko ay namilipit ako sa sakit ng puson ko. Hell, ano bang nakain ko? Hindi na rin ako nakakasabay sa lesson ni prof dahil impit akong napapasigaw at pinipigilang huwag gumawa ng ingay. "May masakit ba sa'yo?" tanong ng katabi ko. Umiling naman ako kahit ang totoo ay oo.


Break time at naisipan kong pumunta sa banyo at tingnan ko meron nga ba ako. Pero parang meron nga dahil kanina napapansin kong may tumutulo sa ibaba ko. Lord, please lang noo. Habang nasa hallway panay ang lingon saakin ng mga estudyante. Ang iba naman ay tumatawa at bumubulong. Shit, sana ay hindi naman ako iyon diba?


"Eww, naamoy ninyo iyon?" isang matangkad at mestisang babae ang nagsalita. Nagsipagtawanan naman ang mga kasama nito. "HAHAH, ang langsa" 


Mas binilisan ko ang lakad ko. Nasa hagdan na ako pababa ng makasalubong ko ang grupo nina Chara. May bitbit itong supot na may laman ng pagkain at iyong isa ay maysubo ng lollipop. Huminto naman sila at ngumisi. Naglakad na lang ako pababa at hindi sila pinansin. Akala ko ay makakaalis ako ng matiwasay ngunit ng kamali ako. "Saan ang punta natin?" sambit ni Chara sabay harang ng kanyang kamay sa pader.


"May gagawin pa ako Chara pwede ba paaalis ng kamay mo" pinilit kong huwag sumigaw dahil mas lalo lang lala ang mangyayari kaya sana ay effective. Tumawa naman siya at pumalakpak. Sumabay rin ang kanyang kasama. "Ayaw ko nga" mataray niyang saad. Buti na lang at hindi na ito nakaharang kaya nakaalis ako roon. Lakad-takbo ako pababa ng hagdan. Kahit masakit na ang puson ko ay mas binilisan ko pa. Narinig ko ang pababa ring yabag nina Chara kaya nag-panic ako. Dahil sa bilis ko ay hindi ko napansing mali na ang natapakan ko. Shit! I was really to acknowledge the cement when someone grabs my waist immediately. Nasa point na ako na okay lang masugatan wag lang mahuli ng Chara na iyon pero hindi... 


Ang mahaba niyang kamay ay naging kumot ko. Ang init at ang bango. Parang huminto ang lahat ng bagay pati na rin ang tibok ng puso ko. Slow motion, tama ba? 


"Ayos ka lang ba?" His voice echo to my ears. Parang naluunod ako na hindi ko malaman na dahilan. "Ayos ka lang ba" pag-uulit niya. Hindi ako makapagsalita, nakatingin lang ako sa gwapo niyang mukha. Para siyang diyos ng kapogian. Ang kulay kayumanggi nitong mga mata ay puno ng pag-aalala. May biglang tumapik ng ulo ko kaya nabalik ako sa ulirat. Shit! Tumingin ako sa paligid at ganun na lang ang gulat ko ng makitang halos saamin nakatingin ang lahat. 


"Pota" agad akong kumalas at dali-daling umalis sa gawi niya. 


Ang swerte ko talaga sa malas!!! Okay lord di mo na ko love? Bakit ngayon pa?? *crying emoji. Bakit kase hindi ko tinandaan iyong araw na meron ako. SHIT! SHIT! Nandito ako ngayon sa cubicle, nakaupo at nagiisip ng pwedeng dahilan. Hindi naman ako makauwi ng ganito. Napasabunot at pinagmumura ang sarili. Gaga kase bkit di ako nagdala ng pads. Nakatingin ako sa taas ng may bigla na lang may kumatok. Nataranta ako kaya binuksan ko ang gripo at nag-acting na naiihi. 


"May tao" sigaw ko. Patuloy parin ito sa pagkatok kaya inis ko itong pinagbuksan. Halos malaglag ang panga ko ng makita kung sino iyon. 


"Sky? A-Anong ginagawa mo rito?" hindi ito nagsalita bagkus may binigay itong paperbag saakin. Tiningnan ko naman iyon at biglang uminit ang pisngi ko. School skirt, dalawang balot ng sanitary pads at underwear


"I don't know kung anong ginagamit mo kung with wings or no. Go get change" mabilisang sambit niya at iniwan ako. Napaupo ako sa bowl at tiningnan muli ang dala niya. Shit!!!! Pagbukas ko ng pinto at naroon siya sa dulo naghihintay saakin. Nang mapansin niyang lumabas na ako ay lumapit ito saakin. Para akong naiihi or ano habang papalapit siya. Nakakahiya shit!!


"Nagpalit ka na ba?" tumango ako. "That's good, sinabi ko na rin sa teacher mo na nasa clinic ka ngayon"


"T-Thank you"


Nagkatinginan kaming dalawa. Ang mata niya ay seryoso ngunit may bahid parin ng pag-aalala. Bumuga siya ng malalim na hininga at inabot ang kanyang kamay. "Tara, sa clinic" hindi na niya ako hinintay pang magsalita at agad niyang hinawakan ang pulsunan ko.


"A little fever" usal niya sa nurse na parang kinikilig. Nang magtama ang mata namin ay nagiwas ako. Umupo ako sa kama at hinintay siya. Nakita ko itong lumabas ng clinic kaya kaming dalawa ng nurse lang ang naroon. Maya-maya pa ay bumukas muli ang pinto at pumasok doon ang pawisang mukha ni Sky habang may bitbit na hot compress. Lumapit ito saakin at binigay iyon.


"Lagay mo sa puson mo" utos niya na ginawa ko rin. Tumayo muli ito at kinausap ang nurse. May ibinigay ito sa kanya at isang bottled water. "Here, drink this pain reliever" kinuha ko naman iyon at ininom. Kinuha niya muli ang bottled water na wala ng laman at tinapon sa basurahan. Tiningnan ko lang siya habang kung ano ang mga pinaggagawa niya sa sarli niya.


"Wala ka bang klase?" He stopped for a moment. Lumingon naman ito saakin at umiling. Nasa may gilid ito ng kama ko at binabalatan ang orange na dala niya. Seryoso? Mukha ba akong may sakit? Akmang kukuha ako ng tapikin niya ang kamay ko. "Bawal at hindi sa'yo yan" bigla akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya. Yan, sige beh assume pa.


"At kahit sa'yo yan bawal parin dahil maasim ito" wika niya at tinapon ang balat sa basurahan. Napanguso ako. Nakita niya siguro iyon kaya natawa ito. "Ang cute," he said. Ramdam ko ang pagpula ng pisngi ko kaya naman ay umiwas ako. Tanginang lalaking ito. Buong hapon ay nandoon kaming dalawa at nagkwentuhan. Mabait pala ang mukong iyon at palabiro. Mag-aala singko nang hapon kaya naman ay nagayos na kami. Sabi niya ay siya na raw kukuha ng bag ko at hintayin niya na lang ako sa labas.


Hindi naman ako nagpaawat pa dahil naglakad na ito palayo saakin. Medyo masakit parin ang puson ko pero hindi na gaanong kalala. Umupo ako sa bench ng makita malapit na si Sky. Nakapamulsa ito at nakangiti ng makita ako. "Tara na" aya niya. Ang akala ko ay iiwan niya na ako sa gate ngunit nagkamali ako.


"Jusko, nakahihiya naman sumakay dyan Sky! Mag-cocommute na lang ako" pinapasakay niya kase ako sa motor niya eh hindi naman sa walang tiwala sa kanya pero first time ko ang sumakay roon.


"Sakay o sasakay?" tanong niya. Wala ana akong nagawa ng lagyan niya ako ng helmet at pinaangkas ako. Habang nasa byahe ay bigla ako nakaramdam ng saya, parang ngayon ko lang naramdaman ang ganitong kasiyahan. 

Touching the dangerous Sky (De Luna Series 1)| ON-GOINGWhere stories live. Discover now