KABANATA 6

32 4 0
                                    


Ganun na lang ang lungkot sa mukha ko ng matanaw ang gate ng bahay nina tita Marie. Huminto ito sa may gate kaya naman ay bumaba na ako. Inalis ko ang helmet at binigay sa kanya. Nakangiti ito habang ako ay hindi maipinta ang mukha.


"Nangyari sa mukha mo?" tanong niya. Tumalikod na lang ako at hindi na nagsalita pa. "Hoy babae walang thank you?" habol na sigaw niya. Ngunit wala ni isang salita ang lumabas sa bibig ko. Pumasok ako sa loob at nagulat pa si tita Marie ng makita ako.


"Susmaryusip namang bata ito, kakauwi mo lang?" tumango ako at nagmano sa kanya. Nandito na rin si Joaquin na nasa sala nanood ng tv. "Anong nangyari sa mukha mo, may umaway ba sa'yo?" 


Teka may umaway nga ba saakin? Hay! Ano bang nangyayari saakin. 


"Wala po tita, medyo masama lang po ang pakiramdam ko" tumango naman siya at hindi na nagsalita pa. Pumasok na rin ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Pasado alas otso ng gabi ng may bigla na lang kumatok sa gate namin. Wala naman kasing doorbell doon. Tumayo naman agad si tita Marie at tingnan iyon. 


"Ate Ely, may sakit ka po ba?" tanong saakin ni Joaquin habang kumakain ng hotdog. Tipid naman akong ngumiti at tumango sa kanya. Pumasok na rin si tita Marie at ganun na lang ang gulat ko ng makita kung sino ang kasama niya. SKYSAFER DE LUNA


Nang magtama ang mata namin ay kumislap ito  kasabay ng matamis niyang ngiti. Nakasuot ito ng white plain shirt at maong na khaki short. Para namang kinikilig si tita Marie at tumingin na parang nagaasar.


"Anong ginagawa mo rito?"tanong ko. May binaba itong paper bag at lumapit saakin. Narinig ko ang maliit na tili ni tita Marie kaya sinamaan ko ng tingin si Sky. "Nagdala ng pagkain ho your highness"


"Sige maiwan ko muna kayong dalawa dyan ah, enjoy tara Joaquin" umalis naman ang dalawa at naiwan kami. Tinitigan ko naman siya at ngumisi ito. "Umalis ka nga nakakairita ka" tumabi ito sa bakanteng upuan at inayos ang dala niyang pagkain. Isa-isa niyang inalis ito sa paperbag at binuksan ang tupperware. 


"Kumain kana Ely" 


"Ano bang ginagawa mo?" sambit ko. Nahinto naman siya at seryosong tumingin saakin. "Act of service, ano pa ba?" sabay kuha ng isang pirasong mansanas at hinarap saakin. "Eat up! say ah" saad niya. Hindi ako kumilos at tiningnan lang siya. Kumunot ang noo nito at binaba ang mansanas sa plato.


"Ano ba kasing kinakagalit mo?" tanong niya. Nakatalikod na siya saakin. Ano nga ba? Huminga ako ng malalim at tumayo. "Wala, tsaka gabi na ah, umuwi kana kaya" humarap ito saakin at kumislap ang maganda niyang mga mata.


"Alam ko na tara," bago pa ako makapagsalita ay kinuha niya ang aking pulsuhan. Lumabas kami ng bahay at hila-hila ang kamay ko. "Ano ba saan mo ba ako dadalhin ah?"


"Stay there," binitawan niya ang pulsuhan ko at sumakay sa motor niya. Taka naman akong tiningnan siya ng abutin niya saakin ang isang helmet. 


"Anong gagawin ko rito?"


"Suotin mo" sagot niya at binuhay ang makina.

Touching the dangerous Sky (De Luna Series 1)| ON-GOINGDonde viven las historias. Descúbrelo ahora