KABANATA 7

29 4 3
                                    


Ilang araw na simula nung huli naming pagkikita ni Sky. Naging sikat rin ang post nito at ang ilang estudyante ay panay tanong kung sino ang moshi na tinatawag niya. Break time ngayon at nandito kami sa canteen ni Nicca. Kumakain ito ng egg sandwich habang ako at umiinom ng C2 dalandan. 


"Sa tingin mo sino kaya iyong babae sa post ni Sky?" tanong niya saakin. Gusto ko man sabihin sa kanya na ako iyon ay hindi pwede, baka kung ano pang isipin niya. I just shurugged my shoulder and finish my snacks.


"Swerte niya, haha ikaw ba naman i-post ng isa sa mayamang tao dito sa lugar natin. Pero alam mo, siguro jowa niya iyon pero lowkey lang sila" nabulunan ako. Agad niya naman akong binigay ng tubig niya at alalang tumingin saakin.


"Ayos ka lang ba?"tanong niya. Tumango naman ako at pumunas ng panyo. Shit! Bakit ba akse niya iyon sinabi eh. Busy ako sa pagsusulat ng may bigla na lang tumabi saakin. Nasinghap ko agad ang pabango nito at hindi nga ako nagkamali. Si Sky ang katabi ko.


"Hey, it's been awhile" ngiting bati niya saakin. Tumango lang ako at pinagpatuloy ang sinusulat ko. Naramdam ko itong may kinuha sa bulsa niya kaya napatingin ako. Candy?


"You want?" I shake my head. "Galit ka pa rin ba?"


"No" tipid na sagot ko.


"Then bakit ganito?"


"Bakit na ano?" pabalik na tanong ko. Narinig ko itong huminga ng malalim bago nagsalita. "Are you avoiding me?" he said in a soft voice. Ang mga mata niya ay nakatingin lamang saakin kaya napaiwas ako. I can't resist his beautiful eyes. " H-Hindi"


"Lying,"


"Hindi nga kas— " Namilog ang mata ko ng bigla na lang siyang lumapit saakin. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga at mabangong aroma nito. Para akong mauubusan ng hininga dahil sa ginawa niya. "Sure ka?" napakurap-kurap ako. Hindi parin siya lumayo at tinitigan pa ako.


"Silly, eyes can't lie" he said. Umayos na ito ng upo at doon lang ako nakahinga ng maluwag. Bigla akong naginit kaya dali-dali akong tumalikod sa kanya.


"Why are you hiding your face to me? Parang hindi ko napansin yan kanina" he chuckled. Mas lalo akong naginit dahil para akong kiniliti sa boses niya. Shit!


"Huwag ka ngang tumawa! Baliw!" inis na sambit ko at mas lalo siyang natawa dahil dito. Argh! Kainis!! Buti na lang at walang tao rito sa library dahil kung nagkataon ay pagchichismisan namin kaming dalawa. 


"Alam mo Ely, ang ganda mo"


"Sus, compliment ba iyan o mang-aasar ka na namn?"


"Tsk, tanga maganda ka nga" ngumisi na lang ako at tinapos ang sinusulat ko. Siya naman ay busy sa pagbabasa ng libro na irereport niya mamaya. Iba ang course niya sa kurso ko. Culinary siya samantalang tourism management ang kinuha ko. 


"Bakit ka ba nag culinary?" asal ko ng hindi man lang tumitingin sa kanya. Naibaba niya ang librong hawak niya at tumingin saakin. Inilagay niya ang siko niya sa lamesa at ginawang unan ito. Nakaharap na siya ngayon saakin bago nagsalita.

Touching the dangerous Sky (De Luna Series 1)| ON-GOINGWhere stories live. Discover now