Entry 30

84 1 1
                                    

Rice
kennedy.rhys · Instagram
312k followers · 84 posts
You've followed this Instagram account since 2020

December 30, 2020 11: 57 pm


"Not a Horror Story, but Speaks Horror"

Pauwi galing eskwelahan si Alaina. Tagatak ang pawis dahil sa tirik ng araw. Dagdag pa rito ang pagbabad niya sa initan kanina habang nag-aantay sa masasakyang dyip. Saglit siyang napahinto nang makarating sa tuktok ng overpass. Mula sa taas ay tinanaw niya ang tila nakaparadang mga kotse sa daan. Bumper to bumper na naman ang sitwasyon.

Ilang taon na rin ganito ang sistema sa siyudad kung saan nagsisitayugan ang mga condominium at iba pang nagsisilakihang establisyemento. Mabilis ang literal na pag-angat ngunit mabagal ang pag-usad. Gumagawa ng mga daanan upang palakarin ang mga mamamayan at pahirapan.

Samantala, tinanaw ni Alaina ang kotse sa ibaba. Parenteng nakaupo ang mga nakasakay sa loob at hindi iniinda ang init ng hangin. Nanuyo ang lalamunan niya't napalunok sa pananabik. Kung sana'y ganoon din siya: hindi na kailangang makipagsiksikan sa kapwa pasahero na pabulong-bulong umaaray sa pagtaas ng pamasahe.

Nagising ang diwa ni Alaina nang gumulong sa kaniyang paanan ang isang lata. Kumalabog pa ito dahil sa laman na centavos.

Tinignan niya kung saan ito galing. Sa isang babaeng tansya niya ay nasa edad singkwenta pa lamang. Kapansin-pansin ang pangangayayat nito sa paglipas ng panahon. Ang mga paa'y nakayapak at marumi. Ang buhok naman ay gulo-gulo dala ng maalikabok na hangin. Ngunit ang mga mata'y buhay at nangangalig. Saglit na nagtama ang mga mata nila. Sa halip na pulutin ang lata ay nagpatuloy siya sa paglalakad.

'Ang mga taong 'to sa limos na lang umaasa. Bakit kaya hindi sila magtrabaho?' Isip-isip ni Alaina habang binabagtas ang tulay.

-

Naunang bumungad sa kaniya pagkapasok niya sa eskinita ang tiyuhin niya kasama ang mga tambay na nag-iinuman.

"Habang may tatsulok
At sila ang nasa tuktok
Di matatapos itong gulo"

Napa-iling na lamang siya. Halos umabot sa kabilang kanto ang videoke nila at ang lakas pa ng loob ng tito niya na kumanta nang wala sa tono.

Nasa pintuan na siya nang matigilan sa pagpasok. Paano ba naman kasi at nagsisigawan na naman ang kaniyang kuya at mama.

Magaan ang mga hakbang niya't dahan-dahan sumilip sa kusina kung saan nanggagaling ang nagsisitaasang mga boses.

"Kaya hindi tayo umaasenso, Ma, e. Binibigay ko na nga lahat ng sweldo ko sa'yo. Tapos malalaman ko kung saan napupunta 'yung pera. Pangbayad sa mga utang mo!" Napahilamos ang kuya niya. Hindi naman nakaimik ang mama niya.

"Kulang na kulang na nga, Ma. Ang taas na ng presyo ng mga bilihin ngayon. Kulang pa sa pang-araw-araw nating gastusin." Pumiyok pa ito sa dulo. Napapikit si Alaina at sumandal sa plywood na nagsisilbing divider ng mga kwarto. Namayani ang hikbi sa kusina. Namalayan niya na lamang na pati siya ay umiiyak na rin.

-

Kahit mainit ang panahon, lugaw pa rin ang nakahain sa hapag nina Alaina. Hindi naman niya magawang mag-inarte dahil alam niyang kapos na sila sa pera.

Ang tito niya ay ganadong kumain habang nanonood ng balita sa selpon. Hindi na ito lasing at mabuti ngang tumigil na sa pag-inom. Marahil ay wala nang pera pambili ng Red Horse.

Pinanood ni Alaina ang kaniyang ina na nakatingin sa kaldero habang nagsasandok ang kaniyang tito. Halos mapuno na ang mangkok nito. Naiwan halos ay puro buto-butong sangkap na manok. Sa isang tingin, alam niya na ang pumasok sa isipan ng ina.

Hindi pa umuuwi ang kaniyang tatay. Sa mga oras na ito, tiyak na naipit na ito sa trapik. Ang tatay niya ay isang jeepney driver. At malamang ay nagpapalipas ito ng gutom dahil sa pagtitipid.

Pagkatapos magsandok ng lugaw ang tito niya ay sumunod naman ang mama niya. Kakapirangot at hindi pa nangalahati ang mangkok. Ganoon din ang ginawa ni Alaina at sinigurong may tira pa para sa kaniyang papa.

Silang tatlo ang nagsalo-salo sa hapunan. Ang kuya niya ay pumasok na kanina sa trabaho. Naabutan niya pa itong nagpupunas ng luha papalabas ng bahay. Mamayang umaga pa ito uuwi. "Hindi na talaga makatarungan itong panggigipit ng gobyerno," Tinig nito.

"Ito talaga 'tong mga 'to. May magagawa ba 'yang pagprotesta niyo? Sumunod na lang kasi kayo sa gobyerno nang maging maayos buhay niyo!" Halos magsitalsikan pa ang lugaw mula sa bibig ni Rody— ang tito ni Alaina. Pinanlisikan ng mga mata nito ang screen animo'y tatagos ito sa kabilang dulo.

Naki-usyoso si Alaina sa balita. Mayroong mga nagpoprotesta sa labas ng building ng gobyerno. May taas-taas na mga placard na nakasaad "Never Again" at "Never Forget". Ang mga mata nila'y puno ng paninindigan. Kahit na mapayapa ang pagtitipon ay napaliligiran sila ng kapulisan. Mayroon pa silang sinisigaw ngunit mas nanaig pa ang boses ni Rody.

"Bakit ba kasi takot na takot 'tong mga 'to? Palibhasa mga komunista! Hindi naman nila nararanasan dati kung gaano kaganda ang panahon ng tatay niya."

Tahimik na sumang-ayon si Alaina. Iyon nga ang kwento sa kaniya dati.

Habang sumusulong ang mga nagpoprotesta, ang mga manonood sa tabi ay tila naglalakad ng paurong. Ang iba'y gumigiit pa, "Wala naman kayong mapapala d'yan." 

-

Nagising si Alaina sa palahaw ng ina. Hatinggabi na at natagpuan niya ang ina sa sala. Kakapasok lang din ng kaniyang tatay, halos maging kuba na sa pagod. Sinalubong ito ng Ina. "Sergio, ang panganay natin..."

Nagising nang tuluyan ang natutulog na diwa ni Alaina. 'Anong nangyari kay Kuya?' Gusto niyang sumabat.

"Nagka-initan ang mga pulis at raliyista kanina. Isa sa n-nabaril nila si Frix."

The End.


-

Tadaaaaaa! Pak na pak ang entry ko 'di ba? Sana palarin at makita kita.

-

Do you think I can be a lawyer someday?


Sent


Murdered by an Idol | Epistolary ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon