Entry 43

71 1 0
                                    

Rice
kennedy.rhys · Instagram
318k followers · 85 posts
You've followed this Instagram account since 2020

January 26, 2021 7: 11 pm


Hindi ko alam kung bakit ang lupit sa'min ni Tita. Hindi naman siya gan'to dati, e.

-

Hindi ko alam bakit nagbago na siya. O gan'to talaga 'yung ugali niya dati, hindi niya lang pinapakita?

-

Napuno na siguro siya sa'min. Baka ayaw niya na kami dito.

-

Alam ko namang nakakasagabal kami dito. But in little ways sinisikap ko rin namang makatulong lalo na sa mga gawaing bahay.

-

Nakakapanibago lang na halos utos-utusan niya si Aya. Mukhang galit pa 'pag nakikitang naglalaro 'yung bata sa tabi kahit na mag-isa lang.

-

Like seriously, what's her deal? Ito na ngang busy ako sa mga performance task, hihirit pa siya. She seems so indifferent. Dati naman halos bigyang laya niya lang kami dito sa bahay.

-

Ni wala naman akong napansin na nasirang gamit naming mag-iina. Kung may nagawa 'man kami, pwede niya naman kami kausapin ng masinsinan, 'di ba?

-

Hay ewan
Nakakainis kasi alam kong wala ako sa lugar para mainis.

-

Si Mama naman, mukhang tuliro. She's getting worse. Ni hindi ko nga malapitan

-

Hindi ko na alam kung saan ako magffocus. 

'Di ko na alam


Sent

Murdered by an Idol | Epistolary ✓Where stories live. Discover now