Entry 104 | Narration

66 3 1
                                    

May 21, 2021
5: 36 pm...

"Malaki ang potensyal na nakikita ko sa anak ko. Gusto nun maging guro, e." Rodney was blinded by the flashing lights. Maraming nakatutok na mikropono at cellphones sa kaniyang mukha. Lahat ay sabik na sabik marinig ang sasabihin niya. Pagkatapos ng lahat, ngayon lang siya haharap sa media.

Napabuntong hininga siya at itinatak ang alaala ni Anne sa kaniyang utak. Taon na rin ang lumipas simula nang nilisan niya ang pamilya at nakipagsapalaran. Nandilim ang paningin niya. Tila nag-flashback sa isipan niya ang pinagdaanan nitong pandemya para lang makapaghanap buhay.

"Kailangan talaga managot kung sino man 'yang sumira sa pamilya namin. Our family has been torn apart. Nananawagan po ako sa ating mga kababayan. A little help means a lot in these trying times."

"Sino po ba ang hinala niyong nasa likod nang lahat ng ito?" Ani ng isang reporter.

"Ipagpapalagay na lang natin 'yan sa mga eksperto. May tiwala ako sa gobyerno natin. Mananagot ang dapat managot," tiim niyang sambit.

Mabuti na lamang at nakilala niya ang dating gobernador Luis Mercado. Doon siya nakapagtrabaho at nagkaroon ng mga koneksyon. Kampante siyang makakamit din nila ang hustisya para sa anak.

Kung hindi dahil kay Luis Mercado, matagal na silang nasa kangkungan. Nagmagandang loob ang dating gobernador at tinanggap siya sa trabaho bilang driver. Nakita niya kung paano gumalaw ang mga politiko sa likod nang mga mamamayan. Noong una ay hindi niya maatim ang nasaksihan. Napakadumi nilang maglaro, nasa kamay nila ang batas at kayang-kaya nila itong baluktutin— iyon ang tumatak sa isipan niya.

Naniniwala siyang kung naging mabuti ka sa kapwa mo, babalik din ang kabutihan sa'yo. Magaan naman ang pakikitungo sa kaniya ng gobernador at nabiyayaan siya nito.

Marahil ay umayon sa kaniya ang sansinukob. Sobra-sobra pa ang kaniyang natanggap mula sa pagtatrabaho rito. Laking pasasalamat niya dahil pakiramdam niya ay nairaos niya rin ang pamilya dahil dito.

"Gusto ko lang po magpasalamat kay Gov Mercado. Malaking tulong po siya sa amin."

Tutulong ito sa kaso ng anak— naniniwala siya sa pangako ng dating gobernador. Heto nga't pinayagan siya nitong magluksa kahit sandali para sa pagkawala ng kaniyang dalaga.

Dumiretso siya sa bahay ng kaniyang kapatid kung saan temporaryong nanunuluyan ang kaniyang mag-iina. Ngayon lang siya muling makakabalik dahil ngayon lang siya pinayagan sa trabaho.

Bago siya makapasok sa kabahayan ay bahagyang nanikip ang kaniyang dibdib. Hindi niya mapigilang umasa na sasalubungin siya ni Anne sa pag-uwi. Tila siya ay nananaginip lamang. O mas mainam kung tatawagin itong bangungot.

Parang kailan lang nang kargahin niya sa kaniyang bisig ang munting Anne noong bagong silang pa lamang ito. The feeling is unimaginable. Pakiramdam niya ay sobra siyang pinagpala ng panginoon.

Hindi pa rin siya makapaniwala. Na ngayon ay biglang pumutok ang balita at patay na ang kaniyang panganay. At ang mas masaklap pa rito, tila binaboy ng kung sino man ang nasa likod ng lahat ang pagkatao ng kaniyang anak.

Napakabigat ng kalooban niya. Demonyo lamang ang makagagawa nito. Dapat itong managot, dapat itong magbayad sa karumaldumal na krimen. It should be a tooth for a tooth, an eye for an eye.

Mamatay na sana ang demonyong iyon— hindi! Hindi lang nararapat dito ang kamatayan. Kailangan nitong magdusa!

Binati siya ng katahimikan pagkapasok niya sa bahay. This wasn't the scenario he had imagined. He thought he'd come home with a smile on his face. He never thought his heart will be filled with so much rage when he returns.

"Aya..." Kaagad niyang binitawan ang bitbit na bag nang nahagip ng mga mata niya ang bulto ng kaniyang bunso. Pumasok ito sa kwarto tila hindi siya napansin. Akmang hahabulin niya ito nang makarinig siya ng kaluskos sa master's bedroom.

"Mylene?" Tawag niya sa kapatid. Kumunot ang kaniyang noo. Akala niya'y pumasok ito sa trabaho?

Naka-awang ang pinto kaya sumilip siya sa loob. Pakiramdam niya ay binuhusan siya ng malamig na tubig sa nakita.

He saw his wife perfectly in view, lying on the bed under another man. They were both naked and in sweat. The man continued to thrust himself forcefully into his wife. They were consumed in their own deed, they didn't notice him.

"Putangina!" He grabbed his baton, ready to hit his brother-in-law. The thought angered him more. His own brother-in-law was having his way to his wife. Kailan pa?!

Wala na siya sa tamang pag-iisip. He was raging mad and it succumbed him. Hinataw niya ang lalaki sa ulo. Hindi niya alintana kung mamatay pa ito on the spot. Nanggangalaiti siya. Akala niya'y mamumuti na ang mga mata niya sa galit.

Natumba ito nang binawian na ng malay. A loud thud echoed inside the house but he couldn't care less. Hinang-hina siyang naupo sa tabi ng asawa na pilit tinago ang katawan sa manipis na kumot. Masagana ang pag-agos ng luha sa mga mata nitong namumula na. Mukhang kanina pa ito walang tigil sa pag-iyak. Pakiramdam niya'y pinunit ang puso niya hanggang sa wala na siyang maramdaman kundi galit at pagkapoot. He couldn't watch his wife suppress her cries tila hindi na bago ang tagpong kaniyang nadatnan.

He tried to reach for her but she flinched in his lightness touch. Hindi niya alam ang gagawin. Ang alam niya lang sa sandaling iyon ay kailangan niya maghiganti. Gusto niyang manakit. He wanted to curse the whole world for every loss of his family.

Ganito na lang ba ang kapalit ng pagtatrabaho niya sa malayo? Akala niya'y ini-angat niya ang pamilya sa pagkalugmok. Ngunit tila siya pa ang nagdala ng malas sa kanilang apat.

Murdered by an Idol | Epistolary ✓Where stories live. Discover now