Rice
kennedy.rhys · Instagram
333k followers · 94 posts
You've followed this Instagram account since 2020April 11, 2021 7: 01 pm
May balak yata sila mama na umalis na kami dito kela Tita
-
Natatakot ako na kapag kami na lang nila Mama, pagbuhatan niya na naman ako ng kamay. Mas nakakatakot kung pagmalupitan niya rin si Aya.
-
I'm torn. Alam mo 'yung kahit saan ako lumugar, wala akong kawala sa sakit
-
Pero ang narinig ko naman, aalis na raw si Papa sa trabaho niya kela Gov Mercado. Nahuli ko pa silang nag-iiyakan sa VC para bang nakagawa siya ng malaking kasalanan. Pinag-iingat pa kami sa labas. Halos normal na nga dito sa mga tao ang Covid ngayon, e.
-
But maybe things aren't bad as I think they are.
Or at least that's what I want to believe
Delivered
YOU ARE READING
Murdered by an Idol | Epistolary ✓
Mystery / Thriller"Online diary who? Alam ko namang hanggang message request mo lang ako. Pero don't get me wrong, ah. I'm a fan of yours. Hahaha maiintindihan mo kaya 'to if ever? 3ih kung magjeje aq d mo na mattranls4t3 hahaha pinoy sakalam" Anne Margaret was a sen...