Eighteen

578 19 8
                                    

Malik


Days passed. Weeks took turns. And now, it has been a month since Tana opened up about her past. I was shocked to know that the composed, and a saint-looking like her had experienced such a cruel past.

Simula noon, parati na kaming magkasalo sa pananghalian. Nagrereklamo na nga ito dahil napipilitan raw siyang magluto ng ulam dahil sa akin. Pero sa tuwing inaabutan ko naman ng pera pambili sa mga babaunin niya, tinatanggihan naman niya.

She also kept all of the tulips and Angel's breath I always send to her cubicle. Nagrereklamo pa nga ito sa mga kalakip na litrato roon dahil daig ko pa raw ang paparazzi.

Of course I just laugh about all the things she kept on complaining about. Na kesyo magulo raw buhok niya noon, na kesyo raw nakanganga siya, na kesyo raw naghihikab siya.

But one thing is consistent among all those candid photos: her undeniable beauty. She is a pretty saint from every angle I could glimpse.

"Any color, basta puti," sabi nito na nakabusangot.

Natawa naman ako sa hiling nito. "Yes, I know Tana. And besides, ikaw ang mamimili," sabi ko naman rito.

Currently, we are in a boutique. I have a dinner party to attend where business thrives. This event is a great opportunity to build relations with other businessmen.

"Kahit mahal?" She asked with a grin.

I smiled and said, "Kahit mahal."

Being open with one another became a reason for us to be close. When I ask about her life in the province, she asks me about my life as a bachelor.

Ang hirap palang maging babaero. Paano ba naman kasi puro mga naging babae ko ang itinatanong niya at wala ng iba. I am eating the dirt of my dirty deeds before. Nakakapangsisi lang talaga.

"Sir, girlfriend niyo po ba? Ang ganda naman," bulong sa akin ng saleslady sa boutique na kinaroroonan namin.

"Ang ganda ano? Hayaan niyo next time, dadalhin ko na siya dito bilang asawa ko," sabi ko naman.

Humagikgik naman ito. Of course the people here knows me. This botique is owned by none other than, Katarina Leroy. Kung kaya't lagi rin ako dito dahil isinasama ako ni mama at Silva kapag nagshoshopping spree sila.

"Ano nanamang kabulaanan iyang sinasabi mo?" Masungit na singit ni Tana sa usapan namin ng mga saleslady.

"Sus, ang baby ko talaga, nagselos nanaman," biro ko dito kung kaya't nakatanggap ako ng pamatay niyang irap.

"Don't mind him ladies. Nakulangan nanaman kasi sa bakuna ang boss ko," she said to the salesladies.

"Boss?" Nagtatakang tanong nila.

"Why? Did he introduced me as his girlfriend? Naku, wag kayo maniwala, hindi ko type ang babaerong pangalan ay Sage Malik," sabi nito kung kaya't nagtawanan na ang mga nakarinig.

I also laughed with her remark. Kung hindi lang ako anak ng mama ko, iisipin kong siya ang anak nito dahil kaugaling-kaugali niya ito.

"Naku Sir Sage, malayo ka pa pala," tukso ng isa sa saleslady which made me smile.

Yes, malayo pa- pero malayo na. Being able to enter her life where she is comfortable with a man like me is an achievement already.

I am so damn willing to wait for her.

"Are there any white gowns here? We are going to attend a business party," I told the ladies.

They immediately left Tana and me in the waiting room.

Blood and Honor (Voiceless Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon