Twenty One

581 24 41
                                    

Sultana


"Shuta kang malandi ka!" Tili ni Carmela na agad ko namang tinakpan ang bibig dahil baka marinig ni Harley ang sinasabi nito.

Minulagatan ko muna ito bilang senyales na ayusin niya ang sasabihin niya bago inalis ang kamay na nakatakip sa bunganga nito.

"Tell me you are just kidding," She said with disbelief.

I sighed. "I hope I am. But I'm not," sagot ko naman dahilan upang tumili ito habang tinatakpan ang sariling bibig.

I glanced at the living room to check Harley. Busy naman ang tabachingching sa paglalaro ng kaniyang jigsaw puzzle na regalo pa noon ng dating boss ko.

And yes, Mr. Kingsley knows that I have a child already since he is the one who fished me from a manager to an instant secretary.

Alam niya, pero hindi pa niya nakikita si Harley kung kaya't kampante ako na hindi pa nila nalalaman na kadugo nila ang anak ko.

"Nakipagtukaan ka?!" She said with disbelief and a great surprise.

Tumango na lamang ako upang sumang-ayon sa kaniya.

Pumalakpak naman ito na akala mo ay may karapat-dapat akong gawaran ng isang parangal.

"Gurl, kahit buong buhay na ni Harley siya matulog sa unit ko basta ba lalandi ka, game ako!" Sabi pa nito.

Umiling ako sa tinuran nito. "No, that would be the last. Mali ito, Carmela."

Matinding irap naman ang natanggap ko mula sa kaniya. "Gurl, walang mali kasi single naman kayo pareho, and besides, may tabachingching kayo," sabi nito.

"Akin lang si Harley. And yes, single kami pareho which means we don't have a relationship," pagtatama ko sa sinabi nito.

She deeply sighed. "Alam mo Tana, naiintindihan naman kita. Pero kapag ba dumating ang panahon na naghanap na ng ama si Harley, available pa ba ang boss mo?" She asked.

A simple question yet it terrifies me.

Paano nga kung maghanap na ng ama si Harley?
Pero sino lang ba ako, at ang anak ko, kumpara sa pamilyang pinaglilingkuran ko?

"Hindi naman kailangang may ama sa isang pamilya, kinaya ko nga eh," sabi ko na lamang.

"At iyon ba ang gusto mo para sa anak mo?" Tanong pabalik ni Carmela na siyang ikinatahimik ko.

"Oo Tana, andoon na tayo sa mahirap magtiwala. But I think he also deserves to know. Lalo na't in the passed months he did nothing wrong to you. Napaka green! Mas maberde pa sa plema ko kapag ber months!" Dagdag pa nito.

Tumingin ako kay Carmela. "How? Paano ko sasabihin? Should I just say, 'hi sir, may anak nga pala tayo', ganoon ba?" I sarcastically said.

Tila makasuko na itong napasabunot sa sarili. "Give him a chance Tana. Entertain him, so you could easily tell him," she said gripping to the last thread of her patience.

"Paano kung magalit?" Tanong ko naman.

"Edi tiisin mo. Bobo mo kasi. Sa hinaba haba ng panahon hindi mo pa sinabi," sabi nito sabay irap.

"But what if it is not necessary?" I asked without thinking.

"Tana, you know how painful it is to live without a father to lean on. You are a great mommy, but Harley deserves to have a daddy as well," Carmela said with a smile.

"Paano kung kuhain sa akin si Harley?" Tanong kong muli.

"May ginawa bang hindi maganda sayo ang boss mo sa tinagal na magkasama kayo sa trabaho?" She asked back.

Blood and Honor (Voiceless Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon