Chapter 20

908 22 14
                                    

Accepted

Hindi rin kami nagtagal sa Quezon. Umuwi kami pagtungtong ng alas singko ng hapon. Ayaw pa nga kaming pauwiin ni Tita Loren. She wants us to stay and just go home the next day para raw sabay-sabay na pabalik pero hindi naman puwede dahil Linggo bukas at may quizzes ako sa Lunes. Kailangan kong mag-review para hindi bumagsak.

"Thank you," I said while unbuckling my seatbelt. "Text me once you're home."

Hinarap ko siya noong maalis na ang seatbelt.

"Alright."

Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto. Kinuha niya sa backseat ang pinadalang pagkain at mga bulaklak ni Tita Loren sa'kin. I took them from him after unlocking the gate.

"Pasok na ko sa loob. Drive safely." Tumingkayad ako at hinalikan ang pisngi niya. His arm is placed at the small of my back. Humagod iyon at hinapit ako noong akmang lalayo na. He bent down and kissed my lips. It was brief and just a peck.

"There... you can go in now," he said.

"Okay." Binasa ko ang labi ko at kinawayan siya. Sinarado ko ang gate at umakyat sa dorm ko.

Nilapag ko ang mga dala ko sa maliit na mesa bago kinuha ang cellphone ko sa bag para mai-text si Tita Loren. Pinasalamatan ko lang siya at pinaalam na naihatid na ako ni Vixen.

The next day, maaga akong naligo at nagsimulang mag-review. Sinimulan ko sa mga modules na may quiz kami bukas. Maliban doon, plano kong mag-aral na rin for final exams. Sa susunod na linggo na kasi ang finals namin kaya kailangan ko na talagang magsimulang mag-aral para naman pumasa.

Paminsan-minsan ay nagcha-chat kami ni Vixen. Tuwing break time ko lang siya nare-replyan dahil pinipigilan ko talaga ang sarili ko na magpa-distract mula sa kaniya.

Cyprus Davidson:

Will you study the whole day?

Me:

Yup, ngayon pa lang pagod na utak ko :(

Five-minute break ko ngayon. I'm using pomodoro technique kapag marami akong inaaral. I spend twenty-five minutes studying and five minutes taking a break from reviewing. Effective naman iyon sa'kin.

Cyprus Davidson:

Do you want to come over? I'll pick you up.

Napatuwid kaagad ako ng upo noong mabasa ang chat niya. Hindi na ako nag-isip pa, kaagad akong pumayag. Gusto ko rin naman siyang makita ngayong araw.

Cyprus Davidson:

I'll be there in fifteen.

Binaba ko ang cellphone ko at nagbihis. Dahil sa condo niya lang naman, nag-maong shorts na lang ako at printed t-shirt. Nilagay ko ang mga reviewers ko, mga libro, at laptop ko sa tote bag ko at hinintay na makarating si Vixen.

Wala pang kinse minutos ay nakatanggap ako ng text mula sa kaniya na nasa baba na raw siya. I texted Brielle first, informing her na aalis ako para kung sakaling madatnan niyang wala ako sa dorm ay hindi siya mag-alala.

"What do you want to eat for lunch?" He asked once we had settled inside his car.

"Bibili ka or magluluto?" tanong ko.

"I'll cook."

Napangiti ako. "Gusto ko ng adobo ngayon. Marunong ka?"

Tumango siya. "Is that all?"

"Yup, tayo lang naman dalawa."

Ten minutes later, nag-park siya sa basement ng isang condo tower. It's a luxury condo tower na sikat talaga dahil madalas ay mga mayayaman at artista ang mga nakatira.

Dazzled by Flames  (Flames Series #3)Where stories live. Discover now