Chapter 36

257 19 3
                                    

Freeing

Binuksan ko ang mga mata ko noong marinig ang pagbukas ng pinto. Sumiklab ang kaba sa dibdib ko noong sumunod sa pandinig ko ang yabag ng mga paa.

That brought me back to the memories I've been trying to forget. The memories seem real to the point that I feel like I'm in that place again.

It's done. I'm safe now. I'm not alone now. I'm safe here.

But those words weren't enough. They didn't even give me a bit of comfort. I still feel like I am back in the hell room.

Naging pigil ang paghinga ko. Natatakot na baka marinig niya. Baka kapag tingin niya ay tulog ako, hahayaan niya ako at hindi sasaktan. Baka ipagpabukas niya o ano. That will give me time to think how I will escape from here.

Ramdam ko ang paglapit niya sa akin. I could hear his footsteps getting louder. Kasabay ng mga ito ang bawat lagabog ng pagtibok ng puso ko.

I felt the bed sink. Humigpit ang hawak ko sa kumot. My heart raced more.

Will he touch me again? Do those disgusting things to me again?

Napaluha ako sa takot.

When will this end?

"It's me, love..."

Napaigtad ako noong maramdaman ang kamay niya sa balikat ko. Mabilis ko 'yong hinawi palayo sa akin. I sat down and looked at him.

Unti-unti ay napagtanto ko na hindi si Lawrence ang nasa harap ko.

It's Vixen.

My mouth parted.

Siya naman ito pero bakit hindi mawala-wala ang kaba sa dibdib ko? Bakit hindi ko pa rin magawang itakas ang sarili ko mula sa silid na iyon?

Pinutol ko ang tingin sa kaniya. Yumuko ako at hindi mapakali ang mga mata.

"I..." napalunok ako. "I want to be alone." Nag-angat ako ng tingin sa kaniya.

It's the safest thing to say. Ayaw kong malaman niya ang totoo. That will hurt him.

He blinked twice. I saw him gulp, too. Sunod ay nagbaba siya ng ulo.

Humiga naman ako at tinalikuran siya. Hinihintay na lang na marinig ang tunog ng pinto, senyales na umalis na siya.

But I didn't hear anything from him. Ang mabigat niya lang na paghinga.

Akala ko ay aalis na siya pero napagtanto kong mali ako noong marinig siya.

"Are you scared of... me?" It was the question I was avoiding.

My grip on the blanket tightened.

His voice was low. Or was it weak? It was as if he had no courage to ask me that question but he needed to.

Napapikit ako noong maramdaman ang nagbabadyang pagtubig ng mga mata ko.

He's hurting and it's because of me.

I'm hurting Vixen...

Simula noong nawala ako ay alam kong hirap na hirap din siya. Because after Lawrence took me, Vixen had lost his girlfriend, too. Hindi niya na ako nabawi pa matapos ako mailigtas.

I may be here physically but he knows I'm not the one he loves anymore. Hindi na ako ang girlfriend niya. I came back with only a tiny piece of myself. And I hate Lawrence more for it. For stealing everything from me.

"I'm Vixen, Tali. I'm... I'm not him."

I turned to him. Our gazes met. Magkatitigan kami ng matagal. Hindi siya umiiwas kaya maging ako ay hindi makaiwas.

Dazzled by Flames  (Flames Series #3)Where stories live. Discover now