Chapter 24

926 21 4
                                    

Warning: This chapter contains sexually explicit scenes.

Evermore

Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko mula sa bulsa ko. I took it out and stopped walking. Napailing ako noong makita na naman kung kanino galing ang text.

Kanina pa siya text nang text! Tatlong oras pa lang mula noong magsabi ako na lalabas ako pero parang hindi na siya mapakali.

From: Love

Can we meet now?

Binitawan ko muna ang hawakan ng push cart para makapagtipa ng reply. Nilingon ako ng nasa gilid ko na namimili rin bago ako nilagpasan.

To: Love

I'm not yet done!

Hindi ko siya sinama sa pamimili ng mga regalo dahil isa siya sa mga bibilhan ko. Ayaw ko naman na makita niya kaagad kung ano man ang bibilhin ko. Hindi na siya masusurpresa kung isinama ko siya.

Ang problema ko naman ngayon ay wala pa akong nabibili para sa kaniya. Nabilhan ko na halos ng gusto kong bigyan ng christmas gift pero siya, wala pa! Naka-ilang ikot na ako sa mga clothing stores kanina at maging dito sa department store pero wala pa rin akong nagugustuhang bilhin.

Mas stressful pala ang namimili ng regalo para sa boyfriend kaysa sa magbasa ng sandamakmak na reviewers.

Nagpatuloy ako sa paghahanap ng ireregalo sa kaniya. Gusto ko ay espesyal ang iregalo sa kaniya pero dahil wala naman akong makitang ganoon sa mall, relo lang ang nabili ko. May nakita rin akong idea online na photo keychain kaya lilipat ako sa bookstore para bumili ng mga kailangang materials.

Binayaran ko sa cashier ang mga pinamili ko bago nagtungo sa bookstore. I bought the materials that I think are needed before going home. Hindi ko muna sinabi kay Vixen na nakauwi na ako at sinimulan nang gawin 'yong photo keychain. Sinundan ko 'yong video tutorial sa YouTube na buti na lang ay sobrang detalyado kaya madaling sundan.

Nagpi-print ako ng mga letrato namin ni Vixen noong tumawag siya.

"What?" tanong ko.

"Are you home now?" siya sa kabilang linya.

"Oo, pero bukas na tayo magkita."

"I thought you'll sleep here?" he asked me.

"Nagbago na isip ko. Let's meet na lang tomorrow."

"Why?"

Napanguso ako. "Anong why?"

"Why did you change your mind?"

Pinatay ko ang printer noong matapos. Kinuha ko 'yong mga letrato namin at bumalik sa kama.

"May gagawin pa ko," sagot ko.

I heard him let out a sigh. "Is that for me?"

"Yes, love," malambing kong sabi.

"But we haven't seen each other for three days."

Niyaya kami ni Niah na magtungo sa Palawan kaya doon kami sa loob ng tatlong araw. Kakauwi lang namin kaninang alas sais ng umaga kaya si Vixen ay atat na atat nang makita ako. Hindi kasi pumayag si Niah na isama ko si Vixen. Gusto niya ay kaming tatlo lang ni Brielle.

I can't blame Vixen dahil ako rin naman ay gusto na siyang makita. We're always together simula noong maging kami. Bilang lang yata sa daliri ko ang mga araw na hindi kami magkasama. No matter how busy we are, we always make sure to spend our time together. Madalas din ako sa condo niya.

Dazzled by Flames  (Flames Series #3)Where stories live. Discover now