Chapter 28

678 15 4
                                    

A love that's true

Tumayo ako mula sa kama at nilapitan si Vixen. He looked at me in the mirror before facing me directly. I fixed his collar and then brushed his hair upward using my fingers. 

Nakasunod lamang ang mga mata niya sa mga ginawa ko. Bahagya ring nakanguso ang labi niya. 

"I'll visit your mom," I said, informing him. 

Inilapat ko ang tingin sa mga mata niya. Umangat ang mga kilay niya. 

"I'll drive you there."

I shook my head. Humakbang ako palayo at sumandal sa glass wardrobe niya. Humalukipkip ako habang nakatingin sa kaniya. Siya ay nakatingin lang din, naghihintay sa sagot ko. 

"It's too early pa. Also, she said she'll ask her driver to pick me up."

Bumaling siya sa mga mamahaling relo niyang naka-display. Mukhang pumipili ng susuotin. 

"What are your plans with her?" he asked curiously.

He took a glance at me. 

Nagkibit-balikat ako. "I'll know when I get there."

Madalas tuwing magkasama kami ni Tita Loren ay sinasama niya ko sa kanila ni Shardee sa salon at spa para mag-pamper. Sa shopping din ay ganoon at tumatanggi ako kapag alam kong iyon ang gagawin dahil nahihiya ako. Paano ay pati ako pinamimili niya. Puro mamahalin pa! Hiyang-hiya ako kapag ganoon dahil hindi niya ko hinahayaang tumanggi.

I watched him wear his watch. He also sprayed his perfume on his neck and wrist. Noong matapos siyang mag-ayos ay nilingon niya ako.

"I have to go now."

"Okay," I said cutely. 

"Okay?" 

Pinindot niya ang dimple ko.

I nodded and said, "Okay," teasing him.

Pinanliitan niya ako ng mata at tinitigan. Nginisian ko lamang siya habang binabalik ang titig niya. Napahalakhak ako noong hindi niya na napigilan ngumiti.

Niyakap niya ako bago hinalikan. Tumagal pa kaya ako na mismo ang huminto bago pa siya ma-late. 

"You're fucking lovely," he said breathily. 

His lips are red and shiny from our long kiss. I'm sure mine are red, too. Maybe redder than his from his sucking and nibbling. Pinanggilan ba naman ako!

I playfully slapped his lips. Pupurihin niya na lang ako ay may kasama pang pagmumura. 

Pag-alis niya, inayos ko sa isang paper bag ang mga pasalubong ko kila Tita Loren. Noong matapos ay saka ako nagsimulang maghanda para sa pag-alis. I took a shower and put on a light makeup on my face. Simpleng dress naman ang isinuot ko kung sakali man na may iba kaming puntahan ni Tita.

Kalahating oras pagkatapos kong mag-ayos ay dumating ang driver ni Tita Loren para sunduin ako. Naabutan ko siya sa harap ng entrance ng lobby pagbaba ko ng condo. 

"Good Morning po, Manong!" bati ko noong matanaw siya.

"Good Morning, Ma'am," he greeted back. Pinagbuksan niya ako ng pinto kahit na hindi naman kailangan.

"Salamat po."

Paminsan-minsan ko siyang kinakausap habang nasa biyahe para naman parehas kaming hindi mainip. Halos isang oras din ang itinagal ng biyahe dahil medyo traffic. Weekdays kasi kaya ganoon.

"Tita!"

Bumeso ako sa kaniya bago siya niyakap.

"How are you?" she asked, smiling widely at me.

Dazzled by Flames  (Flames Series #3)Where stories live. Discover now