Chapter 33

508 13 1
                                    

TW: Mention of rape and death.

Self

I clenched my fist before taking a deep breath. Itinuwid ko ang likod ko at pinagpatuloy ang ginagawa.

Nanginginig ang buong katawan ko at hirap akong huminga dahil pakiramdam ko may sumasakal sa leeg ko. Ipinikit ko ang mga mata ko. I did deep breathing exercises but after a full minute of doing it, my breathing won't stabilize.

I pushed myself up to get the medicine on the drawer but I fell. Sa sobrang panginginig ay nanghihina na ang katawan ko.

Napahawak ako sa dibdib ko noong maramdaman ko ang lalong pagsikip doon. Sumandal ako sa kama, hirap pa rin sa paghinga.

A loud sob escaped my mouth. It just came out suddenly, like lightning during a thunderstorm.

Lawrence's face then began to cloud my mind. Napuno ng imahe niya ang utak ko. I even saw myself in there... begging for him to stop.

I yelled and cried hard.

Fuck... Why won't it stop?

"Tali? What's happening?"

I shut my eyes tightly but regretted it when the scenes from that night became clearer.

His hands are wrapped around my neck, strangling me.

"Putangina mo!" sigaw ko noong pilitin niyang halikan ako.

Sinampal ko siya at itinulak. Napasigaw ako noong ibalik niya sa akin ang sampal.

The slap didn't hurt but I feel a stabbing pain in my chest.

"Tali! Hey, hey... I'm here, your mom. Drink this."

Lumayo ako kay Lawrence para protektahan ang sarili ko. Puno ng galit ang titig ko sa kaniya.

"Please, Tali. Drink this, anak."

I made a sharp gasp. Pagmulat ng mga mata ko, nakita ko si Tita Miranda sa harap ko. She put something in my mouth. Nahirapan akong lunukin iyon dahil sa pag-iyak.

She hugged me tightly.

"You're safe... You're at home. I'm here," panay ang bulong niya sa mga salitang iyon.

Ako naman ay panay ang paghikbi ko. Kumalma na ang paghinga ko at wala na ang panginginig ng katawan ko pero hindi ko pa rin magawang huminto sa pag-iyak. Ang bigat-bigat na ng mga mata ko.

"Ate..."

I lifted my gaze at Kayla. Her eyes are red and she's crying, too. Tears were streaming down her face so I reached out for her face to wipe them off. She bent down and hugged me like her mother.

"Don't be scared na, ate. I will protect you."

Mas umingay ang hikbi ko nang yakapin ko siya. I cried on her like I was the child.

It was so hard. Living with those memories so clear in my mind made living a losing battle.

I hated myself. Every day, I would wish that I should've died that day. Every day, I regret I prayed that day to be saved. Sana hindi na lang. Hindi siguro ako nahihirapan ngayon kung hindi ako naisalba... kung napatay ako ni Lawrence noong araw na iyon.

Inalis ko ang suot kong stethoscope at binalingan ng tingin ang pasyente.

"Do you know where you are?" I asked her.

Nakahiga siya at may nakalagay na nasal cannula sa ilong niya. Naglakad ako patungo sa paanan ng kama at inangat ang ulo ng kama niya gamit ang remote.

Dazzled by Flames  (Flames Series #3)Where stories live. Discover now