Chapter 27

822 17 1
                                    

Missing

"Congratulations," bati ng mga panelists sa amin. Pumalakpak sila at nagsitayuan.

Nagkatinginan kaming magkakagrupo bago nilapitan ang mga panelists. Nakipagkamay kami sa kanila at pinasalamatan sila isa-isa. 

We just finished our title defense. Halos isa at kalahating oras din ang itinagal nito. Nangalay nga ako dahil matagal kaming nakatayo lang sa harapan.

"Ma'am!" tili ko noong lapitan kami ng research instructor namin.

Ngumiti siya ng malapad. "Congrats, you may proceed with your thesis now."

"Ma'am naman! Pahinga muna from thesis!"

"Ano'ng pahinga? You have to edit your manuscript before proceeding dahil kailangan niyo pa ng approval!"

Sumimangot ako. Ang mga kagrupo ko naman ay dumaing.

"Kidding," she smiled. "Mag-celebrate muna kayo for a successful title defense before doing your revisions."

"Iinom kami, Ma'am. Sama ka?" ibinulong ni Alfie ang panghuli.

Tiningnan siya ng masama ng research instructor namin. "Tumigil ka! H'wag niyo akong idamay."

"Feeling ko sa final defense celebration sasama si Ma'am," wika ko.

Nag-angat siya ng kilay sa akin. "Hindi pa rin."

"Ma'am naman..."

"Well, puwede naman kung kakain lang sa labas."

Nagsitilian kaming lahat. Ang research instructor naman namin ay natatawa lang bago nagpaalam sa amin dahil hindi pa nakakapag-present ang ibang mga grupo. 

"So... Saan tayo mamaya?" si Fenzy. 

"I think kain lang muna tayo? Let's drink na lang after finals?" suhestiyon ni Leslie.

Pumayag kaming lahat doon. Next week na rin kasi ang final exams namin kaya kailangan na namin magsimulang mag-review.

Alas kwatro na natapos ang lahat sa pagpe-present. I texted Vixen immediately na kakain kami ng groupmates ko. Hindi ako nakatanggap ng reply dahil siguro abala siya sa trabaho.

Sa isang Korean restaurant namin napiling kumain. Tatlong malaking mesa ang inihanda sa amin ng waiter para magkasya kaming lahat. Pinuno nila ang mga mesa ng mga side dishes at iba't-ibang klase ng meat. 

"Pero mabuti na lang at hindi tayo nagisa kanina. Ang harsh nila sir sa ibang groups, eh," si Carli.

Tumango ako bilang pagsang-ayon. Totoo ngang nahirapan ang ibang mga grupo sa title defense. May mga napahiya pa nga. I'm glad that our group is not one of those. 

"Magaling leader natin, eh. She made sure that everything was fine sa presentation and manuscript natin," wika ni Carli. 

Leslie made a face. "Hindi ako, nag-lead lang ako. Our title defense turned out great because of everyone's effort. It's group work after all."

"Pa-humble o..." panunudyo ni Alfie.

"Fuck you." Inirapan niya si Alfie.

Naagaw ng cellphone ko ang atensiyon ko noong umilaw ito. May mensahe mula kay Vixen.

From: Love

Text me if you're about to finish, I'll fetch you.

Nag-reply lang ako na 'okay' at bumalik na sa pagkain at pakikipagkwentuhan sa mga kagrupo.

"Bye! Good luck sa review!" paalam ko sa kanila.

I watched them get inside their cars before turning to Lawrence.

Dazzled by Flames  (Flames Series #3)Where stories live. Discover now