CHAPTER 19

26.1K 1.1K 891
                                    



"Beh, saan na naman ba tayo pupunta?" reklamong tanong ko kay Vaughn habang hila ako papunta sa kinaroroonan ng mga nakaparadang golf carts.

"Last destination before we go home." aniya.

"Alam mo bang absent nako sa klase ko ng dahil sayo? If this is another physical sports thingy then I quit it. Pagod na ako, hindi pa ba sapat sayo 'tong whole day activity natin?"

"Baby, trust me. Magugustohan mo 'to. You would even thank me later for this."

"Fine." di nako nangulit pa. I know it's something interesting because I could see the excitement written all over her face. Ganito pala lifestyle ng mga mayayaman noh? Kung ano-ano na lang ang ginagawa. Parang normal lang sa kanila yung horseback riding, yacht sailing, poker gaming, golfing ect. I have experienced so many new things with her today. Ang expensive niya masyadong kasama, ramdam ko tuloy ang pagiging hampas lupa.

Sumakay kami ni Vaughn sa golf cart at nagtungo sa isang private property. It was only a 10-minute drive kaya narating namin agad. Puno ng pagtataka kong tinignan ang buong paligid, if i'm not mistaken nasa isang private airport kami ngayon. I was kind of confused kaya siniko ko siya.

"Where are we exactly going?" I asked again.

"Somewhere that I know you would love." nauna na siyang bumaba at umikot sa side ko para alalayan akong makababa dahil medyo may kataasan yung golf cart.

Holding hands naming tinungo ang malaking shed o Hangar kung tawagin. It is a large shelter that was designed to hold aircrafts. Puno ng hanga kong pinasadahan ng tingin ang mga nag gagandahang private airplanes pagpasok namin. Naka aligned ang mga ito sa gilid at halatang mamahalin. Hmmm parang alam ko na kung bakit kami nandito.

"Let me guess, isasakay mo ako dyan noh?" baling ko kay Vaughn.

"You guessed it right." nakangiting sagot niya.

Bigla akong na-excite. It's going to be my first time riding a plane. "Saan mo 'ko balak dalhin? Ikaw ba mag dadrive?"

"Nope. Hindi ako marunong."

"Kung ganon sino?"

"I am." sagot ng isang boses mula sa aming likoran. Paglingon ko, nakita ko ang pinsang pulis niyang si Billie Beaumanoir.

"Ikaw?" nagsalubong pareho ang kilay ko.

"Hello, miss ma'am." ginanap nito isang kamay ko para sana halikan pero hindi yun natuloy dahil binakuran ako ni Vaughn.

"Fuck off or die?" tanong niya rito sa galit na tono.

Billie grinned. Lumipat ito sa kabilang side ko at mabilis nagnakaw ng halik sa aking pisngi.

Vaughn over reacts, kwenulyahan niya ang pinsan niya at sinakal ito gamit ang braso.

"V, ano ba hindi ako makahinga!" reklamo ni Billie. "Miss ma'am tulong!"

Natawa ako dahil ang cute nila parehong tignan. "Beh, tama na yan. Para kayong mga bata e pareho naman kayong gurang."

Sabay napalingon sakin ang dalawa.

"Hey, I'm just 29. I'm not that old yet." simangot na reklamo ni Billie.

"And I'm 30. I'm not that old yet either." segunda naman ni Vaughn.

"Kahit na, matanda pa rin kayo. Umayos nga kayo."

Binitawan ni Vaughn si Billie at pomormal, ako naman ay lihim humagikhik kasi parang labag sa loob nila ang ma-real talk. Ang saya lang sa feeling ipamukha sa kanila yung edad nila. I learned it from my friends.

A Chef's Kiss (ɢxɢ) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon