Prologue

7.1K 108 2
                                    

Nakahiga ako sa kama at nakatingin sa bintana kung saan nakikita ang mga kumikislap na bituin sa langit. Napapikit ako ng aking mapagtanto na ilang araw na...ilang araw na akong ganito!

Paulit-ulit nalang yung ginagawa ko sa araw-araw. Gigising, kakain, watch and play with my phone then repeat. I sighed in disbelief.

Nakakapagod din pala kapag walang ginagawa.

Ito na ata ang pinaka-mahabang bakasyon sa buhay ko dahil transition from SHS to College. Halos dalawang buwan na simula noong maka-graduate ako sa Senior High at aaminin ko na noong pasukan namin ay yung bakasyon talaga yung naging motivation ko para tapusin lahat ng exams, projects, research at immersion ko.

And take note, I graduated as top of my strand pa. Pero bakit kaya ganun, kapag ang daming ginagawa gusto kong magpahinga, kapag wala namang ginagawa naghahanap ako ng gagawin!

Kasabay ng pagbukas ng pinto ay ang pagdilat ng aking mga mata.

"Ate!" biglang talon ni Gale sa aking kama.

"Don't you know how to knock?" tinatamad kong sabi while covering myself with blanket

"Tayo lang naman dito! Malamang ako lang yung papasok sa kwarto mo!"

"Asan sila Mommy?"

"Ginagawa yung bunso natin" Nakangising sagot ni Gale.

Napabangon ako sa kama at tinignan siya ng masama.

"Ikaw, kung ano-ano yang lumalabas sa bibig mo!" Tinawanan niya lang ako sabay inirapan.

"Nagpaalam kanina diba? Anniversary nila ni Dad, so overnight daw sila sa Tagaytay"

"Di man lang tayo sinama!"

"Gagawin nga si brother!" Hahampasin ko sana siya ng unan ng bigla niyang itinaas yung card ni Dad.

"Labas rin tayo ate" Sabi nya habang hinahatak ako patayo sa kama.

"Nakakapagod."

"Ilang araw ka na sa bahay!"

"So?"

"Lumabas ka naman!"

"Wala naman siya rito!"

"Para sa kanya ka lang ba nabubuhay?"

"Dapat pala sumama nalang ako nung inaya ako ni Katherine."

"Family outing yun!"

"Magiging family din naman nila ako!"

"Asa...ni hindi ka nga nun tinitignan."

"Gale." Nagbabanta kong sabi habang humihiga ulit sa kama.

Para sa kanya na nga lang ba ako nabubuhay? Grabe naman yung epekto ng lalaking yun sakin!

"Ate, sige na!"

Nanlaki ang aking mga mata nang biglang umilaw ang aking cellphone sa side table.

RAP: Teee, si cutiee guy nasa cafe sa mall. ALONE :) Yess oo na, welcome!

I thought he's on vacation with his family...Kaya nga wala akong magawa these past few days! Bakit di man lang sinabi ni Katherine sa akin na nandun yung pinsan niya.

God knows kung gaano ko gustong magbakasyon pero at the back of my mind, medyo ayaw ko dahil minsan ko nalang siya makikita. Di pa naman siya social media person.

Mabilis ako na tumayo papuntang cabinet para mamili ng damit

"Aalis na tayo?" Excited na sabi ni Gale.

"Anong tayo? Ako lang." Sagot ko habang papasok ng banyo.

"Where to?" Nakapamewang niyang sabi.

"Kay Loize..."

"What? Ate, di pa ba tapos yang High School crush mo!"







"Di pa, hanggang di pa nagiging kami!" Kinikilig kong sabi at mabilis na isinara ang pinto ng banyo.


Back In His Arms Where stories live. Discover now