Chapter 34

2.1K 47 0
                                    

"Ma'am doon po muna kaya kayo sa loob?" Sabi ni kuya guard habang itinuturo ang upuan.

"Okay lang po kuya." Nginitian ko siya.

Nakasandal ako sa salamin sa harap ng building habang hinihintay na dumating si loize.

Buti nalang talaga ay nagpalit ako ng damit dahil kung naghintay ako ng naka-heels ay may paltos na ang aking paa.

I've been waiting here for almost 30 mins because loize had an emergency meeting. I insisted on moving our movie date but knowing loize, he didn't agree.

Kinuha ko nalamang ang cellphone sa aking bag upang libangin ang aking sarili. I went to instgram at nakita kong nagsend ng video si loize.

This was hours ago.

"Hmmm..." Sabi niya habang ninanamnam ang sandwich na kinagatan niya. "The best sandwich ever, love!" Ani niya habang naka-thumbs up pa ang isang kamay.

Hindi ko maiwasang mamangha sa aking nakikita.

How can he be this handsome? I'm not being bias...it's not just because he's my boyfriend. He really is attractive!

Yung tipong magulo pa yung buhok niya, may muta pa sa mata and he is wearing nothing on top but that raw image of him is enough for your heart to be captured.

Kumagat pa siya ng isang beses sa tinapay na ginawa ko at saka kumaway sa camera. "See you later, mwah!"

Cute.

Nabaling ang tingin ko sa daan ng may bumusina ng tatlong beses.

Di kalaauna'y bumaba rito si loize habang niluluwagan ang suot niyang neck tie.

Damn attractive! Paano ako magagalit nito? Though I don't have plans to be angry because I understand him.

"Love!" Sigaw niya habang patakbong lumalapit sa akin na may takot at pag-aalala sa mukha.

"Did you wait for too long?" Kinuha niya ang hawak kong paper bag na naglalaman ng aking damit. "Sorry, si Mr. Santos kasi eh. Aalis raw kasi siya bukas so pinalipat yung meeting---"

"Bakit ang gwapo mo?" I said after giving him a quick peck on the lips.

Napakurap-kurap siya habang gulat na nakatingin sa akin.

"Love?" Sagot niya habang tinitignan ang paligid. "We're in a public place."

"Ano naman?" Sagot ko at naglakad papuntang sasakyan.

"Di ka ba galit?"

Pinagbuksan niya ko ng pinto at hinwakan ang tuktok ng aking ulo.

"Nope, that's childish." Kibit-balikat kong sagot.

He just smiled at me and went to the driver's seat.

"May sasabihin ka ba?" Saglit akong nilingon ni loize habang nagmamaneho.

"Can I ask something..." Nagaalangan kong tanong.

He just nodded as he place his right hand to mine.

"W-wala ka bang planong..." Naitikom ko ang aking bibig dahil para bang masisira ang kanyang mood sa aking itatanong.

"Planong what?"

"Planong makipag-ayos kay T-tito at James?"

Kahit sa daan siya nakatingin ay nakita ko ang pagbabago ng eksprasyon ng kanyang mukha.

I shouldn't have asked it!

"S-sorry, wag mo ng sagutin." Kunwaring masiglang sagot ko habang pinipisil ang kanyang kanang kamay. "Ano palang genre ng movie yung gusto mo---"

Back In His Arms Where stories live. Discover now