Chapter 8

2.1K 59 2
                                    

"Drink this."

Minulat ko ang aking mata at tumingin sa labas ng bintana. Nasaan na kami? Nakatulog nanaman ako. Great!

"Bakit si Agatha alam yung number mo...Ako, a-ko pinaghirapan ko yun malaman sa i-iba! Tapos tatawag y-yun mamaya, sasagutin m-mo. Mag-uusap kayo! Eh ako nga 1 y-year bago mo inaccept yung follow request ko. Yung ngiti mo kanina sa babae, k-kahit kailan di mo pa ako nginitian ng ganun."

"Inumin mo na, para mawala yang hangover mo." He said while handing me a hot coffee.

Tinignan ko lang yun at walang sabing lumabas sa sasakyan.

Nakakahiya. Bakit ko sinabi yun? Bakit ba ko uminom? Bakit di ako inawat nila Rap?

Nasaan ba kasi kami? Gusto ko nang umuwi please lang. Too much embarassment for today.

"Talliah." Napatalon ako sa aking kinatatayuan at tumingin sa kanya.

"A-ano? B-bakit?"

Kinuha niya ang isa kong kamay at inilagay ang hawak niyang kape.

"Drink." He said. So I did.

"Did you mean it?"

Napatingin ako sa kanyang mga mata na diretsong nakatingin sa akin.

Did I mean it?

Nagselos lang ba ako? Galit lang ba ako? Dahil lang ba sa alak?

Totoo ba? Titigil na ba ako?

Umiwas ako ng tingin sa kanya at bumuntong-hininga.

I'll be starting my first day in college on Monday. I want to clear my head and make sure that this feeling of mine will not get in my way in achieving my goals in life.

Gusto ko siya? Oo, pero hindi ko hahayaang ito yung maging dahilan para di ako makapag-focus sa mga dapat kong unahin at gawin.

Tama nga si Mom, I should know my priorities.

"Oo, titigil na ako sa pangliligaw sayo." Matapang kong sabi habang nakatingin sa kanya.

Ewan ko kung dahil may natitira pang alak sa sistema ko, pero nakita ko ang pag lungkot ng kanyang mga mata. Pero binalewala ko lang iyon.

"One toxic trait of panliligaw ay yung hindi mo susukuan yung taong gusto mo hanggat mapasagot mo siya ng 'oo'. Pag ni-reject ka, tumigil ka na dapat because in courtship, you're just pursuing the person and you should respect his opinion pag sinabi nyang hindi." Dire-diretsong sabi ko.

He was about to utter something but I cut him off.

"You didn't reject me, but I got this feeling na wala ka namang interest sa akin. You know naman na ayokong nagsasayang ng oras."

"Talliah---"

"Don't worry, I'll deal with my feelings . Di na kita guguluhin." Sabi ko at pilit na ngumiti.

Kasabay nang pagtalikod ko sa kanya ay ang pagtulo ng luha sa aking mata ngunit hindi pa ako nakakahakbang ng maramdaman ko ang kanyang kamay sa aking braso.

"Let's talk." Wika niya na halos pabulong lang.

Agad naman akong humarap sa kanya at sinalubong ang kanyang tingin.

"Ano pa bang kailangan mong sabihin, oo na nga diba? Titigilan na nga kita. Magpakasaya kayo ng Agatha mo. Alam mo, umuwi na tayo kasi tatawagan ka pa nun diba?"

"Do you like me?" Nakakunot noo niyang tanong.

Matalino ba talaga to?

"Oo, I like you, gusto kita! Kaya kita niligawan diba? Tanga ka ba?"

Back In His Arms Where stories live. Discover now