Chapter 40

2.5K 45 0
                                    

After 2 years ~
__________________

"Uwi na ako ate." Sabi ni Gale habang bumababa ng hagdan.

Tumayo ako mula sa harap ng laptop at saka pumunta sa kanya para magpaalam.

"Thank you Gale." Nakangiti kong sabi at hinawakan siya sa braso. "But, you don't have to do this."

Pabalang niyang tinggal ang kamay ko sa kanya at saka ako binatukan.

Nanlaki ang mata ko sa kanyang ginawa.

"Ate mo ko ah!" Sigaw ko.

"Exactly! Ate kita, magkapatid tayo. So it's normal for me to do this."

"Thank you." I pouted.

"Lagi ka nalang bang magt-thank you?"

Sagot niya at nagsimulang kuhanin ang kanyang bag sa sofa.

"Umuwi ka nalang kasi sa atin. Ang laki-laki ng bahay. Ang daming extra rooms. Miss na kayo nila Mommy at Daddy."

Napasinghap ako at bumaling sa kanya.

"Not now."

"Whenever you're ready." She hugged me. "Text me nalang kung may kailangan ka."

Tumango lang ako at saka tinanaw siya mula sa pinto habang papaalis ang sasakyan niya.

Umuwi? I really wanna go back...

Pero paano kung makita ko siya? Anong mukha yung ihaharap ko sa kanya?

I don't want to see him looking at me like that again...

It makes me feel so little.

Nakakatawa lang isipin na galit na galit ako noon kasi iniwan niya nalang ako ng hindi nagpapaalam tapos ito ako...ganoon ang ginawa sa kanya.

Instead of saying sorry and pleading for his forgiveness, I choose to ran away.

I don't deserve his love. Paano ko nagawa sa kanya iyon? Walang sisisihing iba, kung hindi ako!

Napakatanga ko kasi mismong mga  kaibigan ko na yung nagsasabi na wag pagkatiwalaan yung taong yun pero naniwala ako.

I deserve all this pain and I will never be worthy again of his love.

Kapatid niya yun! I slept with his b-brother?!

Imbis na magkaayos sila ay ako pa yung naging dahilan para mas magkalayo sila.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mawari kung paano yun nangyari. I didn't even dare to confront James because I don't wanna see him or even hear his voice.

How could he do that to me? He's my friend! I gave him another chance but, look what he have done.

Pinahid ko ang mga luhang nasa aking pisngi nang mapagtanto na wala ng mababago ang aking pag-iyak.

Matamlay kong niligpit ang lamesa na pinagkainan namin ni Gale ngunit nabitawan ko ang tinidor at mabilis na pumanik sa taas nang marinig ko ang pag-iyak.

Nagtungo ako sa isang silid at dahan-dahan ko itong binuksan.

Napangiti ako sa aking nadatnan.

Kinatok ko ang pinto kaya napatingin sila sa akin.

"M-ma!" Hirap na sabi ni Alonzo.

Nakangiti akong tumakbo palapit sa kanya at saka kinarga si Liana na may luha pa sa mukha.

"M-ma!" Tawag ulit ni Alonzo habang pumapalakpak kaya umupo ako sa kanyang tabi.

"Bakit mo pinaiyak si ate, hmmm?" Kinurot ko ang kanyang matabang pisngi na naging sanhi ng kanyang paghalakhak.

Back In His Arms Where stories live. Discover now