Chapter 43

3.1K 62 0
                                    

Tahimik kong pinagmamasdan ang dalampasigan habang nakaupo sa huling baitang ng pinto ng cottage.

Sa hindi kalayuan ay natanaw ko ang mag-asawang may kasamang bata na tila limang taong gulang na. Masaya nilang nilalaro ang buhangin habang nagtatawanan.

Napasinghap nalang ako sa aking nakita. Will we ever be like that?

"A wine for your thoughts?" Sabi ni loize habang umuupo sa aking tabi.

"I stopped drinking, since Liana and Zo came." Sagot ko habang hindi inaalis ang aking tingin sa pamilya.

Inilapag niya lang ang baso at bote ng wine sa aming likuran at nanatili sa aking tabi.

It was silent but a comfortable one.

Ang tanging naririnig ko lang ay ang paghampas ng alon at ang paghalakhak ng bata sa di kalayuan.

They look so happy...

"Ang hirap patulugin ni Zo. Liana slept first but Zo woke him up so we eneded up playing again." Tila nagsusumbong niyang sabi. "The funny thing is, while we're playing, bigla nalang nahiga si Zo tapos---"

"Tulog na bigla?" I cutted him off while smiling.

"Yeah, he was hugging Liana when I left them."

"Makulit si Zo pero sobrang sweet din niya. Lagi niyang inaagaw yung laruan ni Liana pero pag umiyak na yung ate niya, ibabalik niya rin agad." Umiiling kong sabi.

Silence enveloped us again.

"loize." Tawag ko na naging dahilan nang pagtingin niya sa akin. "Why are we acting like this? Why are you acting this way?" Seryosong tanong ko.

"Acting like what?" Tanong niya at saka kinuha ang baso sa aming likod at sinalinan iyon ng wine.

"Like everything's okay." I whispered.

"Hindi ba tayo okay?" Tanong niya.

"Hindi."

Iniwas niya ang mata niya sa akin at saka ininom ang wine mula sa baso.

"If you want to see the kids, hindi naman kita pagbabawalan. You can see them anytime that you want. Hindi mo na ako kailangan isama...I know that seeing me burdens you."

Nagpatuloy lang siya sa pag-inom habang nakikinig sa aking mga sinasabi.

"We can set time or days if you want. I will consult you regarding the decisions that I will make for them like school stuff...you can act as a father to them."

"Paano ka? Ano ako sa buhay mo?" Tanong niya sa akin ng may malamlam na mata.

"A-anong sinasabi mo?"

"Let's stop talking about the kids. Paano tayo Talliah?"

Umusog ako palikod dahil parang hindi ako makahinga sa kanyang mga tinatanong.

"W-we are---"

"Don't give me an answer that we're already done. Wala akong naalala na tinapos natin yung namamagitan sa ating dalawa. You just chose to leave me."

"Ano bang sinasabi mo? Dapat galit ka sakin! Hindi mo ba natatandaan? I..I slept with your brother, loize! Kaya magalit ka sakin. I didn't chose to leave you. I have to...kasi ang kapal naman ng mukha kong manatili sa tabi mo pagkatapos ng ginawa ko diba."

"Talliah."

"Alam mo, dahil sa pagtrato mo sa akin, mas lalo akong nagagalit sa sarili ko! How could you...act like nothing happened? Magalit ka please...saktan mo ko kung gusto mo. Para naman hindi ako nakokonsensya ng ganito."

Back In His Arms Where stories live. Discover now