Chapter 7

9.1K 366 49
                                    

A/N: Light lang siguro ang story na 'to. 'Yong tipong predictable(?) Ewan kung mahilig kang magpredict HAHAHHA. May mga nagtatanong kung fantasy ba daw. Edi, pagsumagot ako, either oo o hindi, baka ma-spoil na😕 Char HAHAHAHAH. Pero secret lang, alam niyo naman si me :> Trust is the process

-----



"It's midnight. Matulog ka na." Sabi niya rito.

Masyado silang nawili sa panonood...or more like talking and sometimes kissing kaya hindi nila namalayan ang oras.

"Hindi pa ako inaantok. May gusto akong kainin."

Napakamot siya ng batok.

Hindi pa nga buntis, may cravings na.

"What is it?"

"Strawberry." Kumislap ang mata nito ng sabihin nito ang paboritong pagkain.

Napatingin siya sa relo niya. It's close to 12, tulog na siguro ang mga tao. Paano na 'to ngayon?

"Okay. I'll look for it---"

"Sama ako!"

"It's bettter for you to sleep,"

"Mas mabuti kung sasama ako sa 'yo. I'm your guardian angel, I should guard you." Pagtapang-tapangan nito.

But why it's the opposite, angel baby? Why am I guarding you instead?

"Fine." He sighed in defeat.

Mas lalong lumawak ang ngiti nito saka lumapit sa kanya. Tumikwas ang isang kilay niya ng ipagsiklop nito ang kamay nilang dalawa.

"Tayo na!" She excitedly exclaimed.

"You're so fast, angel. Anong tayo na? Hindi pa nga ako nanliligaw---"

"Ha? Ang ibig kong sabihin ay aalis na tayo."

Napailing na lang siya at hinigpitan ang kamay nito. Sabay silang lumabas ng condo niya.

"Saan tayo pupunta?" Usisa ng papalabas sila ng building.

"Sa gilid ng kalsada, manglilimos tayo ng strawberry." He said in sarcasm.

"Ang pangit talaga ng ugali mo." Nakasimangot na saad nito.

"Gwapo naman ang mukha ko." He smirked.

"Tinanggalan ako ng pakpak dahil sa ugali mo!" Paninisi pa nito.

"Weh? 'Yon ba talaga ang rason? Or is it because you're just a naughty Guardian Angel?" Pang-aasar niya dito.

"Sinundot mo pa talaga ang Lumpia ko!" Dagdag pa niya.

Her cheeks blushed. Kulang na lang ay uusok iyon sa galit. Pinigil niyang matawa, ang sarap talagang mang-inis. Ngayong nakahanap na siya ng maiinis ay nakakatuwa 'to. Mapang-asar talaga siya, and maybe his mapang-asar attitude will make her said the truth in frustration.

"Gustong-gusto mo naman. Bastos ka po." She frowned.

"Anong bastos? At po? Geez, sorry, baby girl, but I'm not my cousin, Hover." He said and open the door of his car to let her in.

Pagpasok niya ay inabot niya kay Angel ang phone niya.

"Speaking of. Call Hover. Tanungin mo kung saan ako makakahanap ng strawberry." Sabi niya saka binuhay ang kotse.

Tumango naman ito. She still looks like discovering how to use his phone but she manage to call Hover.

"Hello?" That's Chen's voice.

"Hello, Hover." His angel greeted.

"Uh, si Chen 'to. Bakit? Nasaan si Heazen?" Nagtatakang tanong ni Chen.

GGA (4th Gen #18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon