Chapter 42

9.2K 346 46
                                    

Rated Eshpije

Mag-dadalawang linggo na, ah?

Masama ang tingin niya sa kalendaryo ma para bang may kasalanan iyon sa hindi pagpapakita ng dalaga.

Napakamot ng batok si Homer ng pumasok ito sa silid niya kasama si Czekiah.

"Oh, Heazen. Ikaw pa rin." Czekiah smiled and walk closer to him para tingnan ang sugat niya.

"Oo siya pa rin. Pre, mag-dadalawang linggo ka ng tambay dito. Dapat last week pa ang discharge mo pero hiyang ka ata dito sa hospital, ah?" Pang-aasar ni Homer.

Sinamaan niya ito ng tingin.

"Hindi pa ako magaling." Giit niya.

"Doctor ako, pre. Huwag ako." Ingos ni Homer.

"Healed na nga ang sugat, laking tulong ang mga gamot ni Tito Spade. Tsaka ipapa-laser na 'yan dapat. Ano, may natipuhan ka bang Nurse dito kaya hindi ka makaalis-alis?"

Sinamaan niya ng tingin ang pinsan. Panirang 'to. Hindi ba pwedeng nagpapahinga lang talaga siya?

"Masakit pa nga!---"

"Pagkatapos ng opera mo diyan sa sugat mo baka nakalimutan mong tumakas ka na para bang hindi masakit 'yang likod mo tapos ngayon ka pa nag-iinarte?"

"Late reaction 'yong katawan ko, bakit?" Supalpal niya sa pinsan.

Czekiah giggled and hit playfully her husband's chest.

"Homer, si Heazen gumagalawang Benjamin 'yan. May hinihintay 'yang bisita kaya ayaw umalis nang hospital." Czekiah smirked.

Nag-init ang pisngi niya sa tukso nito. Pinalobo niya ang pisngi at ngumuso para hindi mahalata. Ganoon ba siya kahalata?

Tila may bombilya naman sa ibabaw ni Homer kaya malawak itong napangisi sa kanya.

"Tss. Hindi na bibisita 'yon." Pananakot nito.

"Sinabi ko bang may hinihintay ako? Kaya ako nandito para makapagpahinga. Nakakalungkot rin na mag-isa sa bahay tapos uuwi ako doon?" Pagsusungit niya. "Nasaan na ba 'yon?" He whispered pouting.

Mas lalong lumaki ang ngisi ng mag-asawa. Inirapan niya lang ang dalawa.

Natigilan sila dahil sa katok ng pinto. The door slowly opened and finally, finally, finally, she came!

"Oh, you're finally here." Homer smirked at Czaven.

"H-hello..."

"Hi, Cza! Aalis na kami." Masayang bati ni Cze saka hinila na si Homer paalis.

Panic crossed Czaven's face pero wala na itong nagawa nang umalis na ang mag-asawa.

Masungit siyang umiwas ng tingin dito. Bakit mas lalo itong gumanda? Siya nga nangingitim na ang eye bags, eh! Nabawasan rin ang timbang dahil wala siyang gana kumain. Ang pangit-pangit na niya!

Tumikhim ang dalaga saka malawak na ngumiti sa kanya. He just return her sweet smile with a cold look.

"H-hi! I didn't expect na narito ka pa rin." Nakangiting sabi nito.

"Bakit mukha ka pang tuwang-tuwa na nasa hospital pa rin ako?" He asked coldly yet the sarcasm is evident.

Agad na nawala ang ngiti ng dalaga. Nagpanic sa sinabi niya.

"H-hindi naman sa ganoon. I'm just happy that I see you." Paliwanag nito.

Masungit lang siyang nag-iwas ng tingin ulit.

"Nakita mo na ako. Makakaalis ka na." Malamig na pagtataboy niya sa dalaga.

Everytime he look on her face, naalala niya pa rin ang pangloloko nito. Ang hirap kalimutan, ang hirap magpatawad agad. Pero mas mahirap atang hindi niya ito nakikita.

GGA (4th Gen #18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon