Chapter 21

8.1K 314 38
                                    

"What's up, mga gago?" Nakangising bungad niya ng biglaan siyang pumasok sa hide out.

Mabilis na sinipa ni Tres ang whiteboard kung saan isinulat ang plano kaya natumba iyon. Agad namang tumalon ang iba niyang pinsan para takpan ang board.

"H-hi, Heazen! Gumawa si Tres ng swimming pool gamit ang whiteboard kaya nagdive kami." Paliwanag ni Quatro saka nagkunwaring lumalangoy habang nakadapa sa whiteboard.

"O-oo, oo! Plano kasi namin na magswimming. Surprise namin sa 'yo. Hehe." Agad na sagip ni Heixon.

Naku, mga ganyang galawan alam na alam na niya 'yan. He has been there done that. Masyadong ng makaluma ang mga galawan ng mga Benjamin.

"Outing na naman? Nagtatampo na ang girlfriend ko." Pagdadrama niya para maitago na alam na niya ang totoo.

"Talaga?" Hindi matago ang tuwa sa boses ni Harvie pero napatikhim ito at sumeryoso. "Talaga? Hindi ka ba nagsawa?"

"Hmm... Should I hate her for being clingy then?" Pagmaang-maangan niya.

Natahimik naman ang mga ito. Iniisip kung oo ba o hindi. Of course para ma-uto siya ay dapat tatango ang mga ito at bibigyan siya ng rason para layuan si Angel, but they knew that it's a red flag if they'll say.

"Speaking of my girlfriend, I should go home---"

"Sandali!"

"Mag-s-swimming pa tayo, eh." Reklamo ng mga pinsan niya.

Lihim siyang napangisi.

"Paano ba 'yan? Tapos na akong maligo, eh."

"Mukbang na lang tayo? Lumpia?" Hendrix suggest.

Biglang nagtubig ang bagang niya. Thinking about so many Lumpia is such a nice therapy on his mind.

"S-sa tingin niyo. Madadala lang ako sa palumpia-lumpia niyo?" Pagtataray niya.

"Togue ang palaman ng Lumpia." Agad na sagip ni Helix.

Damn.

And they just found themselves in a karenderya that serves Lumpia Togue. At ang daming Lumpia! Hindi sila mabibitin.

Pasimple siyang nagtext kay Angel. Nagpaalam naman na siya dito na sasama siya sa mga pinsan niya. Sinabi niya rin dito na nagdududa ang mga pinsan niya sa katauhan nito.

And he's actually bothered that she smiled and said, totoo naman ang sinabi nila. I'm just a guardian angel, Heazen. Alam mo 'yan. At ikaw lang ang nakakakita sa 'kin.

He just scoffed and kissed her earlier. She's blabbering nonsense. Ikakasal na nga sila't lahat ayaw pa rin nitong maamin-amin ang totoo? Well, they still have married life to know each other deeply.

"Heazen, ikaw na maglilibre nito, ha?" Sabi ni Cinco sabay subo ng Lumpia na mainit-init pa.

Nanlaki ang mata nito at napatakip sa bibig. Biglang namula ang mukha ng pinsan at naiiyak.

"Ang init!" Naiiyak na sumbong ni Cinco habang nasa bibig pa rin ang Lumpia, hindi alam kung idudura o lulunukin.

Agad namang inabutan ito ni Quatro ng malamig na tubig. Agad na uminom si Cinco. Unti-unti ng humupa ang pula sa mukha nito.

"Grabe, parang nilagyan ng uling ang bibig ko."

Tumayo si Sais at nanghingi ng asukal para sa kapatid.

"Ayan. Patay-gutom kasi, kita mong kakahain lang sa kawali." Pang-aasar ni Hellion.

"Kuya, I'm hungry." Heilan said to Hellion.

GGA (4th Gen #18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon