Chapter 2

18 4 0
                                    

>Pasensya na kung may typo man mga bb aayusin ko na lang kapag nagkatime ulit<

"Ms. dela Vega! What are you daydreaming about in there when you should be paying attention to my class!" Galit na sabi sa akin ni Ma'am Alcantara. Patay nahuli nanaman akong nangingiti dito sa likod. ayan, mag-imagine ka pa Chase.

"Ay sorry ma'am." Sabi ko sabay tayo at bahagyang iniyuko ang aking ulo. "Kasalanan ko bang boring ang subject mo?" Pabulong ko pang dugtong.

"May sinasabi ka Ms. dela Vega?" Wika nito. Aba ang lakas naman ng pandinig nito.

"Ahh... wala po ma'am hehe." Sagot ko naman sa kanya at ngumiti ng pagkalapad-lapad. Umupo na rin ako para hindi na humaba pa ang sermon niya sa akin.

Pagkaupo ko naman ay agad akong pinalo ni Stacey.

"Aray! Bakit?!" Tanong ko dito ng pabulong. Mahirap na baka mapalabas na talaga ako ng room sa susunod na sita sa akin ni ma'am.

"Siraulo ka talaga. Paano kung narinig ng malinaw ni ma'am 'yong sinabi mo?" Sabi nito sa akin.

"Eh totoo naman kasi! Boring naman talaga 'yong subject niya." Pagpupumilit ko naman dito.

"Kahit na. Ito talaga." Wika naman nito at bahagyang natawa.

"Kita mo na? Tumawa ka rin. Aminin mo, totoo 'yong sinabi ko ano?" Sabi ko naman sabay tudyok sa kanya.

"Manahimik ka nga dyan at makinig kana kay ma'am." Suway naman nito sa akin. Napakaseryoso.

Kasalukuyan pa rin kaming nasa klase at ito na ang pinakahuli naming subject ng hapon at finally! Makakauwi na rin kami. Ang subject nga pala ni Mrs. Alcantara ay history at pinaka-ayaw ko talagang subject ito. Tsaka nga lng ko nakikinig sa klase niya kapag nakuha ng topic na dinidiscuss niya ang atensyon ko.

I may look like I'm not serious about my studies but I really am serious. Oo, sana nagets niyo. Hindi lang talaga ako nakikinig sa subject ni ma'am pero hindi ko rin naman hinahayaan na bumagsak ako dahil ayaw ko rin talagang madisappoint sa akin sila tita. I don't want to waste their efforts kaya naman pinagbubuti ko rin ang pag-aaral ko.

At dahil nga rin wal akong choice kundi manahimik sa upuan ko ay kalaunan rin ay nakinig na rin ako kay ma'am. Dahil rin doon ay hindi ko namalayan ang oras at uwian na rin pala.

"Okay class we will continue our discussion tomorrow. Class dismissed." Sabi ni ma'am at agad naman akong napangiti.

"Wag kang ngingiti-ngiti dyan Chase dahil isa ka sa mga maglilinis ngayong araw dito sa classroom. Bawal tumakas." Biglang sabi sa akin ni Stacey kaya naman sumimangot ako.

"Ano ba yan Stace. Kahit ngayon lang oh? Please?" Pagmamakaawa ko sa kanya. With matching puppy eyes pa yan ha!

"No. Now go get the broom and start to clean." Masungit na sabi nito sa akin kaya naman mas lalo akong sumimangot.  Parang hindi kaibigan eh.

"Tsk! Ang killjoy mo naman Ms. President." Tanging nasabi ko na lang at kinuha na ang walis

Yes, Stacey Rivera is our class president. Lupit nga niyan eh, kahit ako mismo na kaibigan niya napapagalitan niya pa minsan. Pero ayos lang trabaho nga naman kasi ng president na panatilihing tahimik ang buong klase. Eh kasi rin naman minsan madaldal rin ako kaya napapagalitan rin niya.

"Ang tagal naman Chase. Nakakangawit na tumayo dito." Biglang sabi ni Keith kaya naman napalingon ako agad sa pintuan ng classroom namin. Nang makita ko siyang nakatayo doon agad akong nataranta kaya naman binilisan ko na ang paglilinis.

"Saglit lang naman Keith! Ang excited mo naman umuwi." Wika ko naman habang patuloy pa ring nagwawalis.

"Bilisan mo kundi iiwan kita. Umuwi kang mag-isa." Sabi naman nito at umalis na sa pintuan ng classroom namin. Nataranta naman ako lalo dahil doon kaya naman mas binilisan ko ang pagwawalis.

"Aba Chase ayusin mo rin ang paglilinis kung ayaw mong ihampas ko sayo 'yang walis." Pagbabanta naman sa akin ng kaibigan ko.

"Ito na aayusin na po." Agad ko namang sabi dito at inayos na ang paghahakot ng mga kalat na nawalis namin.

"Wag ka ngang masyadong magpakatanga kay Keith. Alam mo namang ikaw rin ang masasaktan sa dulo dyan sa ginagawa mo." Bigalng sabi ni Stace sa akin.

"Hay nako Stace. Kapag pinigilan ko rin naman ito mas lalala lang kaya hayaan mo na lang muna ako." Wika ko naman.

"Wag kang iiyak-iyak sa akin sa huli ha. Makakatikim ka talaga sa akin." Pagbabanta naman sa akin ni Stace. Ngumiti naman ako ng malapad dito tsaka tumango.

Hindi rin naman nagtagal ay natapos na rin kami sa paglilinis. Nang maisara na namin ang room ay pumunta kami saglit ni Stacey sa faculty para ibigay ang susi sa adviser namin at pagkatapos ay umuwi na rin.

"Mauna na ako Stace. Ingat ka sa pag-uwi ha?"

"Ingat ka rin Chase, lalo na sa kasama mo." Sabi naman nito na ikinatawa ko. Muli ay niyakap ko ito bago kami tuluyang maghiwalay ng landas.

Pagkatapos kong magpaalam kay Stace at agad ko namang hinanap si Keith. Hindi rin naman ako nahirapang hanapin siya dahil nakita ko siyang nakatayo sa may waiting shed. Tatawagin ko na sana ito pero nakita kong kasama niya si Cassandra, ang girlfriend niya.

Agad naman akong nakaramdam ng kirotsa aking dibdib dahil doon at napahinto na lang sa gilid ng kalsada. Ang sakit pala na makitang siyang kasama ang taong mahal niya. Dahil doon ay nagdesisyon na rin akong wag na silang gambalain pa at umuwi na lang mag-isa.

Nang makarating sa bahay, dumiretso ako agad sa kwarto ko at isinubsob ang mukha sa unan ko. Itutulog ko na lang sana agad pero pumasok si tita sa kwarto ko.

"Chase anak, ayos ka lang ba?" Agad na tanong nito sa akin. Agad naman akong tumayo sa pagkakahiga at ngumiti.

"Oo naman po tita. Aba, ang bango po ng niluluto mo ah? Ano po 'yan? Nakakagutom naman." Sabi ko naman dito kaya napangiti ito. Phew! Buti naman naiba ko ang usapan.

"Oh siya halika na't tulungan mo na akong mag-ayos sa hapag at tayo'y maghahapunan na rin." Wika ni tita. Kaya naman agad na akong sumunod sa kanya palabas ng kwarto ko.

Nilibang ko na lang ang sarili ko sa pagtulong kay tita sa kusina. Ikinuwento ko na rin sa kanila ang mga nangyari sa araw ko. Tuwang-tuwa naman sila tita at tito dahil raw nage-enjoy ako sa paaralan. Syempre naman nage-enjoy ako sa school kahit na medyo masakit 'yong nakita ko kanina. Pero hayaan na natin 'yon magiging maayos rin ako bukas. Tulog lang talaga kulang sa akin.


Can I court you?Where stories live. Discover now