Chapter 9

2 4 0
                                    

>Pasensya na kung may typo man mga bb aayusin ko na lang kapag nagkatime ulit<

"Chase! Kamusta ka? Magaling ka na ba? Wala na bang masakit sayo?" Sunod-sunod na tanong sa akin ni Stace pagkarating na pagkarating niya pa lang dito sa bahay. Dinaig pa ang nanay ko kung makapag-react eh.

"Staysh okay na ako." Ang tangi ko lang nasabi dahil hawak-hawak pa rin ni Stacey ang mukha ko. Naiipit 'yong pisngi ko eh huhu.

"Sure ka na ha?" Paniniguro pa nito na ikinatango ko. Doon niya lang binitawan ng tuluyan ang mukha ko.

"Stacey anak, dito k na maghapunan." Maya-maya ay sambit ni tita. Madilim na rin kasi nang dumating si Stace dito sa bahay. Hindi ko na rin siya papayagang umuwi dito ko na lang siya patutulugin.

"Nakakahiya naman po." Sabi ni Stace kay tita. Agad naman akong napalingon sa kanya.

"Talaga Stace? May hiya ka?" Tanong ko naman dito.

"Shut up. Wag mo akong binubuking." Sambit niya naman. Tumawa naman kami dahil dito. "Magaling ka na nga."

Tumawa naman si tita dahil sa naging lokohan naming dalawa ni Stace. Maya-maya rin ay dumating na rin si tito galing sa trabaho kaya naman naghanda na rin kami sa hapag. And after eating Stace and I washed the dishes. Kumain at maghugas ng pinggan lang naman kasi ambag ko dito eh.

"I should get going too Chase. Baka hanapin na ako sa bahay." Pagpapaalam ni Stace nang nasa sala na kaming dalawa.

"Dito ka na matulog. Ang dilim na sa labas oh." Sabi ko naman.

"Hindi ako nakapag-paalam and besides I don't have extra clothes."

"So anong tingin mo sa akin lalaki?" Tanong ko naman sa kanya with matching acting pa. "Dito ka na kasi matulog. Pahihiraman kita ng damit."

She stared at me for a moment because of that and sighed. Defeated.

"Fine, you win Chase." Wika nito kaya naman napangiti ako.

"Tita dito po matutuog si Stace ngyon." Agad kong pagpapaalam kila tita.

"Sige anak. Pero matulog kayo ng maaga ha? Kagagaling mo lang sa lagnat." Pagbibilin ni tita.

"Opo." Sabay na sagot namin ni Stace.

"Tawagan ko lang sila mama." Sabi naman ni Stace na ikinatango ko.

She then dialed her mom's number and put it on loud speaker. After three rings her mom finally picked up the phone.

"Stacey! Nasaan ka at gabi na." Agad na bungad sa kanya ni tita.

"Please mom stop over reacting." Sabi naman ni Stace. "Dito muna po ako matutulog kila Chase ngayong gabi." Pagpapaalam nito agad.

"Okay sige. Magaling na ba si Chase? Baka nakakaistorbo ka lang naman dyan?"

"Good evening po tita. Magaling na po ako. Ako rin po ang nagsabi kay Stace na dito muna siya matutulog sa bahay dahil gabi na rin po. Ayaw ko naman po siyang pauwiin ng mag-isa lalo na't magco-commute pa siya pauwi po dyan sa inyo." Pagsingit ko sa usapan nila. Nagthumbs-up naman si Stace sa akin.

"Hello Chase! Buti at magaling ka na anak. Siya sige na at magpahinga na rin kayo. Ikaw muna ang bahala ka Stacey ha?"

"Opo tita. Thank you po."

"Stacey anak, may naghahanap pala sayo kanina na binata." Sabi ni tita. Naguluhan naman si Stace dahil doon.

"Sino ma?" Agad na tanong ni Stace kay tita.

Can I court you?حيث تعيش القصص. اكتشف الآن