Chapter 11

6 4 0
                                    

>Pasensya na kung may typo man mga bb aayusin ko na lang kapag nagkatime ulit<

"Gusto kita Chase matagal na."

What he said echoed to my head. Hindi rin ito nakatulong sa sitwasyon namin ngayon. Mas lalo akong nataranta at hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.

"S-sorry Lance." Ang tangi ko lang nasabi at isinukbit na ang bag ko sa balikat ko.

Pagkatapos noon ay hindi ko na alam ang nangyari. Basta ang alam ko ay tinawag pa ako ni Lance ng ilang beses pero hindi ko na siya nilingon pa at nagdire-diretso na ako sa paglalakad hanggang sa makauwi ako. Nakita ko pa si Keith na naghihintay sa gate kanina pero hindi ko na rin siya nagawang pansinin pa sa sobrang gulo ng isip ko at sa gulat na rin dahil sa sinabi ni Lance.

Alam naman siguro nitong may gusto akong iba hindi ba? I mean, I'm pretty obvious pagdating doon dahil araw-araw kong binibigyan si Keith ng meryenda niya at alam rin ng mga classmate ko na nililigawan ko si Keith. Stace even called me 'martyr' kasi bakir daw nililigawan ko pa si Keith eh may girlfriend na nga ito. Paulit-ulit lang rin ang sagot ko sa kaibigan ko na hayaan niya na lang ako at isang araw ay ako na ang magkukusang hihinto sa ginagawa ko. Alam ko rin namang masasaktan rin ako sa ginagawa kong ito eh.

"Chase, ayos ka lang ba hija?" Tanong sa akin ni tito habang nasa hapag kami. Doon lang ako bumalik sa katinuan ko. Nag-angat ako ng tingin at doon ko lang napansin na nag-aalala na sa akin sila tita.

"Hindi ka ba gutom 'nak? Hindi mo pa nababawasan ang pagkain mo oh." Sabi sa akin ni tita.

"Ayos lang po ako tito, tita. May iniisip lang po ako." Wika ko naman at nagsimula ng kumain. Hindi naman na umimik ang mga ito.

Pagkatapos naming maghapunan ay tinulungan ko na si tita sa pagliligpit sa hapag at paghuhugas ng pinggan. Buti na lang at hindi na nagtanong sa akin si tita kaya naman nakahinga ako ng maluwag.

"Maghahanda na rin po ako sa pagtulog tita." Pagpapaalam ko kay tita nang matapos kami sa paghuhugas ng pinggan.

"Sige 'nak magpahinga ka na at mukhang napagod ka sa pagpasok ngayon sa eskwelahan."

"Good night po tita." Sabi ko at tuluyan nang pumanhik sa kwarto ko.

Pagpasok ko sa kwarto ko ay agad na akong kumuha ng pagpapalitan ko at nagpalit na. Pagkatapos kong magpalit ay ibinagsak ko na ang katawan ko sa kama ko. Saglit akong nakipagtitigan sa kisame ng kwarto ko hanggang sa bumuntong hininga ako.

"Baka naman prank lang 'yon ni Lance?" Tanong ko sa sarili ko.

"Anong prank?" Biglang tanong sa akin ni Keith. Teka Keith?

I then turned my head to my side only to see Keith there. Napasigaw naman ako dahil doon at binato siya ng unan. Tuluyan na akong bumangon at pumunta sa isang sulok.

"Aray ko naman Chase!"

"B-bakit ka ba nandito sa loob ng kwarto ko?!" Tanong ko sa kanya habang nakahawak sa isang unan at anytime ay ready itong ibato sa kanya ulit.

"May naiwan ka kasi sa classroom niyo. Ibinigay sa akin ni Stacey kanina ang sabi niya ibigay ko daw sayo. Tinatawag kasi kita kanina pero mukhang hindi mo ako napansin." Wika niya habang kumakamot sa kanyang ulo.

"Bakit hindi ka kumatok?" Sabi ko naman sa kanya.

"Kumatok ako ng ilang beses pero mukhang hindi mo napansin dahil mukhang malalim ang iniisip mo." Pangangatwiran niya naman.

Dahil naman doon ay dahan-dahan akong lumapit sa kanya at hinawakan ang mukha niyang tinamaan ng unan kanina. Naguilty tuloy ako.

"Sorry. Masakit ba?" Tanong ko sa kanya at sinuri ang mukha nito.

Tila naestatwa naman ito sa kinatatayuan niya at napatitig na lang sa akin. I then realized what I just did kaya agad akong lumayo sa kanya.

"W-wala namang galos eh. Gwapo ka pa rin wag kang mag-alala." Pagbibiro ko na lang para mabawasan ang ilang sa pagitan namin.

"Ito pala 'yong naiwan mo." Sa wakas ay pag-imik ni Keith. Akala ko hindi na siya magsasalita jusko.

"Ahh... salamat." Sabi ko naman ay inabot na sa kanya ang kuwaderno ko. Nahulog ko siguro kanina.

"Mauuna na rin ako para makapagpahinga ka na rin." Wika niya at lumabas na sa kwarto ko. Sinundan ko naman siya.

"Oh nakong, naibigay mo ba kay Chase 'yong naiwan niya sa school niyo?" Tanong ni tita kay Keith nang dumaan ito sa sala.

"Opo. Mauna na rin po ako salamat po." Magalang na sabi naman ni Keith at nauna na sa paglalakad sa akin. Mukha ngang hindi pa nila ako napansin eh huhu.

"Tita ihatid ko lang po sa labas si Keith." Pagkuha ko sa atensyon nito. Doon lang ako napansin ni tita. Ay taksil, mas mahal na yata si Keith kaysa sa akin. Charot lang tita labyu.

"Nandyan ka pala Chase hindi kita napansin ang akala ko kasi ay tulog ka na." Wika naman ni tita ngumiti naman ako dahil dito. "Sige anak samahan mo na si Keith sa labas."

Dali-dali naman akong sumunod kay Keith palabas ng bahay at sinamahan na ito hanggang sa harap ng gate. Pinagbuksan ko pa nga ng gate eh. Diba ang sosyal.

"Sige na pasok ka na sa loob baka mahamugan ka pa." Sabi sa akin ni Keith at hinawakan ang ulo ko. Nag-init naman ang pisngi ko dahil doon. Bakit ba ganyan ang ikinikilos niya lately?

"Sige sirin. Salamat sa paghahatid ng notebook ko kahit gabing-gabi na."

"Wala 'yon." Pagtugon naman ni Keith sa akin at napatingin sa suot kong kwintas. Napatingin rin tuloy ako doon.

"Bumagay sayo." Sambit nito at hinawakan ang kwintas. "Hindi ako nagkamali na ibinigay ito sayo." Sabi niya pa at ngumiti.

Napaka-gwapo talaga jusmiyo. Lord kahit siya na lang po ang ibigay niyo sa akin sa susunod na pasko ang sarap angkinin eh. Heto nanaman nga po siya oh nagbibigay ng mixed signals kahit may girlfriend na. Gusto ko na ngang sakalin pero ayaw ko rin kasi bakit ko sasakalin eh ang gwapo niya? Ano rin namang konek niyan diba Chase?

"Sige na Chase pasok ka na sa loob. Uuwi na rin ako."

"S-sige. Good night Keith see you bukas." Sabi ko ay isinara na ang gate.

"Good night Chase." Wika naman nito at tuluyan ng umalis. Ako naman bumalik na sa loob ng bahay.

Pagpasok ko ay agad rin naman akong nagpaalam kila tita na matutulog na ako na ikinasang-ayon naman nila. I kissed them both good night and finally headed to my room. Ngunit pagdating ko sa kwarto ko ay hindi naman pagtulog ang ginawa ko kundi ay ang gumulong-gulong sa higaan ko dahil sa sobrang saya. Pero agad ring nawala nang maalala ko 'yong kay Lance. Paano ko naman siya haharapin bukas? Ay bahala na. Matulog ka na lang Chase bukas mo na lang alalahanin 'yan.

Can I court you?Where stories live. Discover now