Chapter 8

5 4 0
                                    

>Pasensya na kung may typo man mga bb aayusin ko na lang kapag nagkatime ulit<

Nagising ako dahil may naramdaman akong mabigat na bagay na nakapatong sa kamay ko. I groaned and slowly opened my eyes. At doon ko nakita si Keith na mahimbing ang tulog habang nakasalampak sa sahig.

"Keith?!" Gulat na gulat kong sambit. Pero agad ring napatakip sa aking bibig nang mapagtanto ko ang ginawa ko.

Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at dahan-dahan ring umalis mula sa higaan ko. I tiptoed until I reached my room's door. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at isinara rin ito ng tahimik. Nang tuluyan na akong makalabas ay agad akong nataranta.

Anong ginawa niya dito? Bakit niya hawak ang kamay ko? Sobrang dami ng tanong sa isip ko ngunit ni isa doon ay hindi ko rin alam ang sagot. Patuloy lang akong naglakad pabalik-balik sa harap ng pintuan ng kwarto ko hanggang sa marinig kong bumukas ang pintuan namin sa harap ng bahay kaya naman agad akong pumanhik papunta doon. Pagdating sa harap ay doon ko nakita si tita na nahihirapan dahil sa dami ng bitbit nito. Mukhang kagagaling niya lang mula sa palengke.

"Tita ako na po sa iba." Sabi ko kay tita at nilapitan ito.

"Gising ka na pala 'nak. Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong agad sa akin ni tita nang makalapit ako sa kanya.

"Ayos naman na po tita. Salamat po sa pag-aalaga sa akin."

"Nakita mo na si Keith? Pumunta siya dito at binisita ka eh." Wika nito. Bigla naman akong napatigil sa pagkuha ng mga pinamili niya mula sa kanya dahil doon.

"A-ahh... opo. N-nasa kwarto ko po si Keith. Tulog po hehe." Sabi ko naman.

"Mukhang napagod dahil bago rin yata pumunta para bumisita dito ay pumunta pa siya ng bayan para bumili ng prutas para sayo." Makahulugang wika naman ni tita. Hindi ko na lang ito pinansin at tinulungan na siyang bitbitin ang mga pinamili niya.

Nang maayos ni tita ang mga pinamili niya ay agad na rin itong naghanda ng meryenda. Tinulungan ko naman siya ulit dito para mas mapadali ang trabaho niya. Tsaka ito na lang rin ang magagawa ko, ang pagtulong sa kanya sa mga gawain dito dahil kapag nagkakasakit ako kagaya ngayon ay siya ang nag-aalaga sa akin.

"Sige na 'nak at ao na dito. Gisingin mo na si Keith para makapag-meryenda na rin siya." Wika ni tita. Ayaw ko pa sanang umalis sa kusina ngunit wala rin akong magawa kundi sundin ito.

Agad akong pumanhik sa aking silid ngunit ng tuluyan na akong makarating sa harap ng pintuan ng kwarto ko ay hindi ko na alam ang dapat kong gawin. Bakit nga ba kasi ako kinakabahan eh samantalang kwarto ko naman ang papasukin ko. Si Keith nga kasi! Hindi ko alam kung paano ko siya gigisingin. Napabuntong hininga na lang ako at dahan-dahang binuksan ang pintuan ng kwarto ko. Doon ay nakita ko si Keith sa ganon pa ring posisyon. Dahan-dahan ko naman itong nilapitan para gisingin.

"Keith?" I said while poking his cheeks. Nang hindi man lang ito nagreact sa ginawa ko ay pinisil ko na ang pisngi niya. Ang cute eh. And then he groaned and slightly snuggled his head into my bed. Nagulat naman ako dahil doon dahil akala ko ay magigising na ito.

"Keith?" Pagtawag ko ulit dito at bahagya na siyang niyugyog.

"Hmm..." Ang tanging naging sagot niya sa ginawa kong paggising sa kanya.

Dahil sa ginawa niya ay napatitig ako sa kanya. Napaka-gwapo talaga. Gusto ko pa sanang haplusin ang buhok niya ngunit napailing rin ako. No Chase, bawal. Kaya naman agad akong tumayo at lumayo muna sa kanya saglit. Doon ko naman nakita ang prutas na nasa ibabaw ng bed side table ko. Agad ko itong nilapitan at kumuha ng isang piraso ng mansanas. Nang matapos ko itong kainin ay lumapit ako kay Keith at kinagat na ito.

Can I court you?Where stories live. Discover now