Chapter 13

2 3 0
                                    

>Pasensya na kung may typo man mga bb aayusin ko na lang kapag nagkatime ulit<

Nanatili akong tahimik sa pagitan nilang dalawa. Naguguluhan pa rin ako sa lahat at masakit pa rin ang ulo at pisngi ko dahil sa pagsabunot at pagsampal sa akin ni Cassandra kanina.

"Pwede bang itigil niyo 'yan at unahin munang ipuntan si Chase sa clinic?" Maya-maya ay sambit ni Stace na ikinatigil ng dalawa.

"Ako na lang ang magpupunta kay Chase sa clinic." Agad na presinta ni Lance na ikinasama ng tingin ni Keith dito. Agad namang umiling si Stace dahil dito.

"Gonzales ikaw na ang bahala kay Chase. Lance dito ka lang." Matigas na sabi ni Stace na ikinatango na lang ni Lance. Agad namang sinunod ni Keith ang sinabi nito.

Pagpasok namin sa clinic ay agad na nagulat ang nurse na nandoon. Sino ba namang hindi? Pulang-pula ang mukha ko at ang buhok kong hanggang balikat lang ay magulo rin.

Iginaya naman ako ni Keith papunta sa isa sa mga kama sa clinic at pinaupo ako doon. Muli ay maingat niyang hinawakan ang mukha ko at tinitigan ako. I heard him sigh bago niya binitawan ng tuluyan ang mukha ko.

"Stay here. I'll go get you some ice." Sabi nito at tuluyan ng umalis sa harapan ko.

"Good afternoon ma'am. Saan po pwedeng kumuha ng yelo?" Rinig kong tanong ni Keith sa nurse.

"Meron dyan sa fridge anak. Kuha ka na lang ng paglalagyan mo para sa yelo." Wika naman ng nurse.

"Salamat po."

Hindi ko man nakikita ay batid kong kumilos na agad si Keith para kumuha ng yelo. Nanatili pa rin naman akong naguguluhan dahil sa mga salitang binitiwan nito kanina sa harap ng maraming tao. Anong ibig nitong sabihin?

Hindi rin naman nagtagal ay bumalik na si Keith sa kinaroroonan ko. May dala itong first aid kit, gamot, at ice pack. Probably some pain killers to lessen up the pain from being slapped and pulled by the hair earlier.

"Cold compress para mabawasan ang pamamaga ng pisngi mo Chase. Ayaw mo naman sigurong umuwing ganyan ang pisngi mo diba?" Sabi nito sa akin na agad kong ikinailing. Ayaw kong mag-alala pa sa akin sila tita.

Dahan-dahan naman nitong idinampi sa pisngi ko ang ice pack. Napangiwi naman ako dahil doon dahil masakit pa rin ang pisngi ko. Ikaw ba naman sampalin ng pagkalakas-lakas kanina.

"S-sorry. Masakit ba?" Said Keith wearing a troubled expression on is face.

"N-no I'm f-fine." Agad ko namang sabi at kinuha sa kanya ang ice pack na hawak nito.

"A-ako na lang." Wika ko pa na ikinatango nito.

"May masakit pa ba sayo? Sinugatan ka ba ni Cassandra? Tell me."

"Wala ng masakit sa akin Keith maliban sa pisngi at anit ko. Ayos lang ako so quit wearing that expression. You're acting like you really meant what you said earlier." Hindi ko na napigilang sambit dito.

I need an explanation pero hindi niya pa ipinapaintindi sa akin ng lubusan ang mga nangyari kanina. Pinagmu-mukha na akong tanga nito.

"But I meant every singke word that I said earlier." Pangangatwiran naman nito.

"I love you Chase, so much that it hurts seeing you like this." Wika nito at akmang hahawakan sana ang aking mukha ngunit iniwas ko ito.

"Then give me a damn explanation! Hindi ko maintindihan Keith gulong-gulo na ako." Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko. Saglit naman itong tumitig sa akin bago nagsalita.

"I- I was about to confess to you that day when Cassandra asked for my help. Ang sabi niya ay magpanggap raw akong boyfriend niya sa loob nh tatlong buwan to get rid of her ex na hinahabol pa rin siya noon." Sabi nito at pinutol ang sasabihin niya. Hinintay ko naman ang susunod na sasabihin nito.

"I declined her offer because I don't want to do it. But then she threatened me that if I don't do what she says she'll make you suffer inside the campus like she did to you earlier. Ayaw ko namang mangyari 'yon kaya naman kahit labag sa loob ko ay pumayag na lang ako para maiiwas ka sa kanya." Wika nito.

Ngayon ay naiintindihan ko na. Lahat ng 'yon pala ay palabas lang pero imbis na matuwa ako ay galit ang naramdaman ko. Ngunit mas pinili ko munang manahimik.

"That's when we formed the contract. Tiniis kong hindi ipakita sayo ang tunay kong nararamdaman ngunit hindi ko na kaya ngayon. I'll break the contract and fix this mess. I want to be with you." Sinsero nitong sabi ngunit hindi pa rin nabawasan ang pag-iinit ng ulo ko.

"You could've explained it to me from the start! You made a fool out of me! I hate you!" Sabi ko na ikinalungkot nito.

"Okay, I understand. But please drink this medicine. It's a pain killer." Wika naman nito at iniabot sa akin ang gamot at tubig.

Hindi ko na sama ito kukunin ngunit para sa akin rin naman ito dahil nanatili pa ring masakit ang anit at mukha ko kaya naman inabot ko mula sa kanya ang gamot at ininom ito. Pagkatapos kong inumin ang gamot ay agad na akong humiga sa kama at tinalikuran ito.

"Mauuna na ako Chase." Rinig kong magpapaalam ni Keith sa akin ngunit hindi ko ito pinansin. Naramdaman ko namang bahagya itong lumapit sa kama at hinalikan ako sa ulo. Napapikit ako dahil dito.

I'm sorry Keith but I need some time to cool down. Hindi pa kita agad mapapatawad ngayon.

Narinig ko namang nagpaalam na ito sa nurse at sinabing hayaan na muna ako dito sa clinic. Nagdesisyon naman akong matulog muna. Nagbabakasakaling paggising ko ay hindi na magulo ang lahat.







Can I court you?Where stories live. Discover now