Chapter 12

2 3 0
                                    

>Pasensya na kung may typo man mga bb aayusin ko na lang kapag nagkatime ulit<

"Chase anak, gising ka na at mahuhuli ka na sa pagpasok sa eskwelahan." Rinig kong sabi ni tita mula sa labas ng kwarto ko habang kumakatok. "Naghihintay si Keith sa sala." Wika pa ni tita na ikinamulat ng mata ko.

Keith?! Naghihintay? Agad akong bumangon at dumiretso sa banyo bitbit ang tuwalya ko. Dali-dali na akong naligo at nagbihis. Hindi na nga ako nakapag-suklay ng buhok sa kakamadali ko eh.

"Oh, anak. Kain ka muna." Sabi sa akin ni tita nang pumunta ako sa kusina.

"Hindi na po tita mala-late na rin po kasi ako." Wika ko naman at kumuha na lang ng tinapay at pinalamanan ito. Ginawan ko na rin si Keith para may recess siya mamaya.

Pagkatapos kong ihanda ang pagkain ko at ang meryenda ni Keith ay agad na akong nagpaalam kay tita.

"Tita pasok na po kami ni Keith. Ba-bye po." Pagpapaalam ko dito at hinalikan na ito sa pisngi. Agad naman na akong pumanhik sa sala.

"Good morning Keith." Pagbati ko dito. "Tara?" Tanong ko sa kanya. Napatitig naman ito sa akin at bahagyang natawa.

"Bakit ang gulo ng buhok mo?" Tanong niya naman sa akin. Sinamaan ko naman ito ng tingin at iniabot na sa kanya 'yong meryenda niya para mamaya.

"Ganyan na buhok lang naman 'yan. Tara na nga at mahuhuli na tayo sa pagpasok." Sabi ko na lang dito at nauna na sa paglabas sa kanya sa bahay.

"Mauna na po kami tita." Rinig ko namang pagpapaalam nito kay tita bago lumabas ng bahay.

Hindi ko naman na ito pinansin at nauna ng lumabas ng gate. Ang tagal eh mala-late na nga kami jusko naman. Ano sasayangin niya lang ang effort ko na magmadali? Naku hindi ako papayag.

"Chase teka lang naman." Pagre-reklamo sa akin ni Keith na hindi ko naman pinansin. Mas binilisan ko pa nga ang paglalakad dahil ayaw kong mahuli sa klase.

"I said wait Chase. Bakit ka ba nagmamadali?" Muli ay sabi ni Keith ngunit ngayon ay nasa harap ko na siya at nakaharang sa daraanan ko. Medyo hinahabol pa nga nito ang hininga niya dahil tumakbo yata ito para maabutan lang ako.

"Eh mala-late na tayo eh. Sayang naman 'yong effort kong magmadali kung ganon." Sabi ko naman.

"Saglit nga lang kasi ang kulit mo naman." Wika naman nito.

"Bakit ba kasi?" Tanong ko naman sa kanya.

"Let me just-" He sighed and suddenly combed my hair for me. Hindi naman ako nakapag-react agad dahil doon.

He then casually combed my hair. I stayed still because I don't know what to do kaya hinayaan ko na lang siyanh ayusin ang buhok ko. And when he's finally done combing my hair he patted my head.

"Okay it's done. Let's go." Sabi nito at nauna ng maglakad sa akin.

Hindi naman ako nakakilos agad doon. Sino ba namang hindi magugulat diba? Grabe ng mixed signals 'to hindi ko na siya magets talaga huhu. Nag-iba kasi 'yong mga kilos niya, hindi naman ganyan sa akin 'yan dati eh. Kapag ito talaga pinagtri-tripan lang ako ipapasapak ko talaga siya kay Stace. Syempre si Stace na lang kasi alam ko namang hindi ko kayang gawin 'yon kay Keith hehe.

"Ay halla! Teka lang jusko. Maghintay ka naman Keith!" Sabi ko nang sa wakas ay bumalik na ako sa sarili ko.

"Ang bagal mo Chase mala-late na tayo." Wika naman nito habang tumatawa. Nanibago tuloy ako sa pinag-kikilos nitong si Keith. Pero owemji siya ha ang gwapo niya lalo kapag ganyan siya.

Can I court you?Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz