Chapter 7

4 4 0
                                    

>Pasensya na kung may typo man mga bb aayusin ko na lang kapag nagkatime ulit<

•Keith's P.O.V• (part two)

"Idiot." Ang tangi kong nabanggit dahil sa sitwasyon ni Chase ngayon.

"Bakit mo ba kasi ginawa 'yon Chase? Alam mo namang mabilis ka lang magkasakit. Napaka-tigas talaga ng ulo mo." Sabi ko dito kahit alam ko namang hindi niya ako maririnig. I then sighed.

"Sillyhead." I said and light tapped her forehead.

Nagreklamo lang ako ng nagreklamo sa kanya ng ilang minuto hanggang sa tumigil rin ako ng kusa at napatitig na lang dito. Chase is beautiful, really. Her shoulder length hair that really suits her, her fair skin, her long eye lashes, and the way she smiles at me. Everything about her is why I fell in love with her. Like damn! I'd do anything for her to make her happy.

"Magpagaling ka na Chase." Sabi ko at hinaplos ang pisngi nito.

At gaya nga ng sinabi kanina ni tita ay binantayan ko nga ito. Binabasa ko lang ang bimpo sa kanyang noo kapag patuyo na ito. Mukha namang nakatulong rin ito kay Chase dahil mas maaliwalas na siyang tignan ngayon kumpara kanina. Naging ganon lang ang gawain ko hanggang sa makaramdam ako ng antok kaya naman nagdesisyon muna akong lumabas ng silid ni Chase.

Pumanhik muna ako sa terrace nila upang magpahangin. Pero habang nagma-masid ako sa kanilang bakuran naagaw ng isang puno ang atensyon ko. It makes me reminisce our childhood days. It was back when we're in our elementary days.

"Keith! Halika maglaro tayo." Sabi ni Chase sa akin ay hinila na ako palabas.

"Chase anak, wag kang masyadong magpapawis at baka hikain ka." Wika naman ng mama ni Chase na nasa loob ng bahay ni tita Tala. Chase's aunt.

"Opo mama. Dito lang naman po kami sa bakuran ni tita." Magalang na sagot naman ni Chase.

"Ano bang gagawin natin Chase? Kanina pa tayo naglalaro eh." Reklamo ko dito. Humarap naman ito sa akin at sumimangot.

"Hindi naman na tayo maglalaro eh." Sabi niya naman sa akin. Nalito naman ako.

"Eh anong gagawin natin dito sa bakuran ni tita?" Tanong ko naman sa kanya.

"Punta tayo doon oh." Wika nito sabay turo sa ilalim ng puno. "Mukhang mahangin kasi doon." Dagdag pa nito. Napatingin rin ako doon at napabuntong hininga na lang.

"Fine. Tara na doon." I said defeated and she beamed because of that.

Patuloy niya lang akong hinila papunta sa punong 'yon hanggang sa tuluyan na kaming makarating sa silong ng puno. Agad na naupo doon si Chase kaya naman ginaya ko na lang ito.

Akala ko ay mangungulit pa ulit ito gaya ng madalas niyang ginawa kapag magkasama kami ngunit hindi. Nanahimik lang ito at tila may iniisip. Tatanungin ko sana ito pero mas pinili ko na lang rin manahimik. Ano kaya ang iniisip nito? At dahil nga curious ako hindi ko napigilang mapatitig dito.

"B-bakit? May dumi ba sa mukha ko?" Tanong ni Chase sa akin nang mahuli niya akong nakatingin sa kanya. Agad naman akong nag-iwas ng tingin dito dahil nahiya ako bigla.

"W-wala." Sabi ko. "Ang tahimik mo kasi." Ang tanging naging sagot ko.

This time si Chase naman ang tumitig sa akin. Hindi ko mapigilan mailang kaya naman iniwas ko ang mga mata ko sa kanya. Dahil naman sa ginawa ko ay hinawakan ni Chase ang mukha ko gamit ang kanyang dalawang palad at ngumiti ng malapad. Pagkatapos niya itong gawin at tumayo na ito at pinagpag na ang suot niyang bistida.

"Halika na Keith balik na tayo doon sa loob." Pagyaya nito sa akin. Ngunit bago pa man ako makatayo ng tuluyan mula sa pagkakaupo ko ay may sinabi pa ito ulit.

"Sa tingin ko Keith, gusto kita." Wika niya at ngumiti sa akin. Napatingin naman ako sa kanya dahil doon at biglang nag-init ang mukha.

Now that I think about it. That was the first time that she confessed to me. Hindi ko naman sineryoso 'yon dahil mga bata pa naman kami noon at baka nasabi niya lang 'yon dahil gusto niya lang. Hindi ko naman inaasahan na mauulit pa ito ngayon at talagang niligawan pa ako. Seriously Chase? Only you can do that. Napangiti naman ako dahil doon.

"You really are something Chase." Sabi ko at nagdesisyon ng bumalik ulit sa kwarto ni Chase.

Pagbalik ko doon ay tulog pa rin ito. Dahil naman doon ay mas pinili ko na lang na sumalampak sa sahig sa tabi ng kama niya at ipinatong ang ulo ko sa kama niya. Tinitigan ko lang ulit ito at pinaglaruan ang kamay niya. Somehow I felt really tired. And that's when I blacked out.




Can I court you?Where stories live. Discover now