Chapter 14

1 3 0
                                    

>Pasensya na kung may typo man mga bb aayusin ko na lang kapag nagkatime ulit<

"Chase gising na. Magsasara na ang school." Rinig kong sabi sa akin ni Stace. Agad naman akong nagmulat ng mata at nakita siyang nakaupo sa tabi ko.

Agad naman akong naluha at yumakap sa kanya. Pakiramdam mo si Stace na lang ang kakampi ko.

"Ayos ka lang ba? May masakit pa rin ba sayo?" Tanong nito sa akin. Umilig naman ako habang nakayakap pa rin sa kanya.

"I- I told Keith that I hate him." Wika ko habang umiiyak.

"Hindi k-ko naman siya h-hate. N-nagalit lang talaga ako kanina k-kasi hindi niya sinabi agad 'yong s-sa kanila ni C-Cassandra." Umiiyak ko pa ring sambit habang nakayakap pa rin kay Stace.

Agad naman itong napabuntong hininga at hiniwalay ako mula sa pagkakayap sa kanya. Agad nitong pinusan ang mga luha kong patuloy pa rin sa pagtulo mula sa mata ko hanggang sa pisngi ko.

"Gonzales told me everything. Of course nagalit rin ako becauss he made a fool out of you. But I can see that he's sincere about you." Sabi naman ni Stace habang pinapatahan ako.

Alam ko namang totoo si Keith sa mga sinabi niya sa akin kanina sadyang nadala lang ako ng galit kaya naman nasabi ko sa kanya ang mga salitang 'yon.

"For the mean time halika na muna at umuwi na tayo. Doon ka muna sa bahay dahil sigurado akong mag-aalala lang sayo sila tita kapag nakita ka nilang ganyan ang itsura." Wika ni Stace na ikinatangi ko.

Agad na akong tumayo sa kama at inayos na ito bago kami tuluyang nagpaalam sa nurse. Nang tuluyan na kaming nakalabas mula sa inic ay agad kong nakita si Lance na nag-aabang sa amin. Dala nito ang bag ko.

"Kamusta ka Chase?" Agad na tanong nito sa akin at nilapitan kami ni Stace.

"O-okay na ako." Pagsagot ko naman dito at bahagya pang suminghot dahil kagagaling ko lang sa pag-iyak ulit.

Agad ko namang kinuha sa kanya ang bag ko.

"Salamat sa pagdadala ng bag ko." Pagpapasalamat ko kay Lance na ikinangiti nito.

"Walang anuman Chase. O siya at mauna na rin ako." Pagpapaalam naman nito sa amin. But after he left he gently patted my head.

Afterwards, Stace and I headed out of the campus and made our way to their house.

"Mom? I'm home. Kasama ko si Chase." Agad na sabi ni Stace nang makapasok kami ng tuluyan sa loob ng bahay nila.

Hindi rin naman nagtagal ay sinalubong na rin kami ni tita at agad na niyakap.

"Buti naman at nakapunta ka ulit dito hija. Kamusta ka na?" Tanong sa akin ni tita.

"A-ayos lang naman po tita." Sabi ko naman.

"Are you going to stay for the night?" Muli ay tanong sa akin ni tita.

"Yes mom Chase will sleep here tonight." Si Stace na ang sumagot para sa akin.

"Nakapagpaalam na ba si Chase sa kanila?"

"We will call them later mommy. For the mean time magpapalit muna kami ni Chase." Wika naman ni Stace na ikinatango ni tita.

"Okay. I'll prepare our dinner." Sabi naman nito at pumanhik na sa kanilang kusina.

Tinunton naman namin ni Stace ang pasilyo patungo sa kwarto niya.

"Tawagan natin sila tita mamaya pero ikaw na lang ang kumausap. Ipaalam mo na lang ako." Sabi ko kay Stace pagpasok namin sa kwarto niya.

"Okay pero bago 'yon magpalit muna tayo ng mas komportableng damit." Wika naman nito at inabutan na ako ng damit na pagpapalitan ko at isang towel.

Can I court you?Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ