Chapter 4

83 6 0
                                    

Chapter 4

Abala si Mina sa pagbabasa nang biglang dumating ang kapatid niyang si Sana na akala mo'y mapupunit na ang bibig sa lawak ng ngiti ng labi niya. Napansin ito ni Mina at sandaling itinabi ang binabasang libro para lapitan ang kakambal.

"Anong meron? Ang saya mo ah?" Usisa niya.

"Wala. Masaya lang ako sa pamamasyal ko ngayong araw." Sagot naman ni Sana sa kanya habang paupo sa kama nito.

"Namasyal ka lang naman pala. Pero bakit sa napapansin ko, kaunti na lang magiging si Joker ka na?" Makahulugang tanong ni Mina sa kapatid.

"Anong ibig mong sabihin? Joker ka diyan. Hindi nga ako mahilig magbiro."

"Hindi ka nga mahilig magbiro, ang daldal mo naman." Saad ni Mina at hinarap na niya nang tuluyan ang kapatid.

"Oo na. Pero ano ba ang gusto mong sabihin?" Pagbabalik muli ni Sana sa tanong.

"Para lang si Joker kasi, kaunti na lang mapupunit na ang bibig mo kakangiti. Ano ba ang nangyari sa pamamasyal mo at sobrang saya mo?"

"Yun ba? Sinamahan lang naman ako ni Jeongyeon-oppa."

"Si Mr. Yoo? Yung driver natin? Grabe ka na ah. May pa-oppa oppa ka pang nalalaman. Eh ano namang ginawa ni Mr. Yoo at sobrang saya mo?" Isa niyang muli.

"Sinamahan niya akong mag-enjoy syempre. Napag-usapan namin ang tungkol sa pamilya. Naikwento ko rin ang tungkol sa atin. Dinala niya ako sa Mt. Insangwan kasi malapit lang naman at.... makalayo sandali."

"Close na agad kayo ah? Baka mamaya niyan, manloloko pala yang si Mr. Yoo, umiyak ka na naman pagkatapos. Ikaw ang pinakamaselan sa ating tatlo pagdating sa emosyon kaya kung pwede lang, bantayan mo naman ang puso mo."

"Mabait naman siya ah. Niligtas niya rin ako kay Mark kanina."

"Ano? Ginulo ka na naman ng Mark na yun? Bakit kasi hindi mo na isumbong yan kay Dad nang tumigil na rin yan. Tingnan mo nga yung dalawang imbyerna sa buhay namin ni Momo, hindi na kami ginugulo. Takot lang nila kay Dad."

"Hindi na rin siguro ako guguluhin nun. Tinakot ni Jeongyeon-oppa eh. Para ngang bata. Ang angas-angas wala naman palang binatbat."

~~

"Hey, twinnies!! Anong ganap?" Usisa naman ni Momo pagpasok sa kwarto.

"Wala lang naman. Ikaw nga magsabi diyan. Inaabuso na naman ang feelings niya. Para may magawa ka naman ngayon kaysa kain ka nang kain." Sagot naman ni Mina na bumalik sa kaninang pwesto niya at nagbasa ulit.

"Eh, ikaw? Kailan ka ba mag-iisip nang para sa sarili mo? Kung hindi saamin, yan namang mga libro mo." Tanong ni Momo kay Mina.

"Makakatulong naman ito sa atin. Tandaan mo, may pinapatakbo tayong negosyo. Ayoko namang dun lang umikot ang buhay ko. Pagbabasa lang ang nakakapag-relax sa akin." Sagot naman ni Mina.

"Negosyo na naman? Nagagaya ka na kay Nayeon-eonni. Nagiging workaholic ka na rin." Aniya naman ni Sana.

"Para sa atin naman ito. Pasalamat nga tayo at suportado tayo ni Dad. At.... Malakas rin ang business. Kung sakali man na umalis na tayo sa puder ni Daddy, kaya na rin nating maging independent." Paliwanag naman ni Mina sa mga kapatid.

"Pero ayaw kong iwan si Dad." Saad naman ni Momo.

"Ako rin. Siya ang nagpalaki sa atin mula nang maging ulila tayo. Malaki ang utang na loob natin sa kanya. Ginawa ang responsibilidad ng dapat si Papa ang gumagawa pero hindi. Iniwan niya tayo." Ani Sana.

"Paano kaya kong nakilala natin si Papa? Ano kaya ang naging buhay natin?" Tanong naman ni Momo sa kanila.

-Time Skipped-

Fix Our Future (2yeon Fanfic) Completed Where stories live. Discover now