Chapter 27

74 4 0
                                    

Fix Our Future
(2yeon Fanfic)

Chapter 27

Nayeon's POV

Sobrang nainis talaga ako kanina nang mag-usap kami ni Jeongyeon. Pero inis lang naman. Hindi naman ako galit or something, slight lang. Slight lang na kaunti na lang ay gusto ko siyang kurut-kurutin hanggang sa magmakaawa siya sa akin na tumigil na.

Kringggg!!!!

Natigil ako sa pag-iisip ko nag biglang tumunog ang phone ko sa side table. Nandito ako sa kwarto ko. Dito ako dumiretso matapos kong iwan si Jeongyeon dahil naiinis nga ako.

"Hello?" Bungad niya sa tumawag.

"May nandito po si Mr. Kim. May importanteng bagay raw po siyang gustong i-discuss sa inyo." Balita naman ng boses babae sa kabilang linya na walang iba kundi ang kanyang sekretarya.

"Ngayon na? Bakit hindi man lang siya nagsabi na ngayon pala siya bibisita? Ano toh? Surprise visit?"

"Hindi niya po sinabi kung tungkol saan po almost minutes na rin po siyang nandito."

"Okay, pupunta na ako. Pakiasikaso na muna sila."

"Sige po, Ma'am."

-Call Ended-

Hays ano ba yan? Akala ko pa naman makakapag-break ako ngayon sa work. Ano naman kaya ang sadya saakin ni Mr. Kim?

Aarrggg bahala na. Pupunta na lang ako.

Sandali, pwede naman siguro si Dad? From the start naman, sila na ang palaging nag-uusap.

Ngayon ay pababa na ako sa hagdan at pupuntahan ko si Dad sa office niya. Pero nakita ko naman sila ni Jeongyeon na palabas na ng bahay at mukhang nagmamadali. Ano naman kaya ang problema.

"Jeongyeon?! Bakit parang nagmamadali kayo? May problema ba?" Tanong ko.

"May pupuntahan lang kami ni Mr. Park? Bakit? May pupuntahan ka? Sorry muna ah, hindi muna kita mapagmaaneho sa ngayon. Kailangan lang kasi. Sasabihan na lang kita pagbalik namin."

"Okay lang. Sa office lang naman ako. Pagkatapos, uuwi naman ako agad."

"Okay." Tanging sagot niya lang saka na siya sumunod kay Dad sa labas.

-Time Skipped-

Narito na ako sa building. Sumakay na lang ako ng Taxi. Mukhang busy ang lahat ngayong araw. Si Dahyun, bumalik na rin sa trabaho niya kaya hindi ko siya pwedeng abalahin.

By the way, narito na rin naman ako. Agad na akong sumakay ng elevator at tinungo ang opisina ko kung saan naghihintay si Mr. Kim ngayon. Sana naman hindi siya mainip. Almost 30 minutes na rin ang lumipas.

"Good Morning, Mr. Kim!" Bati ko sa kanya nang makita ko na siya. Yumuko rin ako sa kanya bilang paggalang.

Tumayo naman siya at yumuko rin sa akin.

"Have a sit now, Sir." Saad ko na agad niya rin namang ginawa.

"Sana hindi po kayo nainip sa paghihintay. Si Dad sana ang papupuntahin ko para makausap po kayo pero May iba rin po silang pupuntahan. Like what my Secretary said, May something important daw po kayong sasabihin sa akin? Ano po ba yun, Sir?" Panimula ko.

"Don't worry, Miss Nayeon. This is not about business kaya kahit Tito na lang ang tawagin mo sa akin. Kaibigan ko naman ang Dad mo. At.... nabalitaan ko nga na may family problem kayo ngayon. Kaya kahit gusto kong siya na lang ang kausapin ko, ikaw na lang ang pinuntahan ko. Makakarating rin naman ito sa kanya panigurado. At isa pa..... ang pag-uusapan natin ito.... ay hindi rin naman lingid sa kaalaman ni JinYoung." Sagot naman niya sa akin.

"Kung ganun, ano po ba yun, Tito?"

"This is about my son." Saad niya habang nakayuko.

"Son? May anak po kayo?"

"Oo. Naisip ko kasi.... Ito na ang oras para magpakilala naman ako sa kanya. Siya na lang ang meron ako matapos mamatay ng asawa ko. Kung hindi dahil sa Dad mo ay hindi ako mapupunta sa kung anong meron ako ngayon."

"B-bakit niyo po sinasabi ito sa akin?"

"Dahil ang anak ko ay malapit rin sayo. Gusto kong tulungan mo akong makipagkita sa kanya." Pakiusap nito sa akin at ngayon ay magkatitigan na kaming dalawa. Kita ko sa mata niya ang pagmamakaawa dahilan para sumang-ayon na rin ako sa gusto niyang mangyari.

"Sige po, Tito. Pero sino po ba ang tinutukoy niyo?"

~~

Jeongyeon's POV

Nakarating na kami ni Mr. Park dito sa presinto na sinabi ng tauhan niya. Pagpasok namin sa May lobby, nadatnan namin sina Mama at Ryujin. Nilapitan namin ito at tinanong.

"Nasaan na siya?" Tanong ni Mr. Park kay Mama.

"Nasa loob na siya. Galit na galit siya at sinisisi ko niya ngayon." Sagot naman ni Mama.

"Pupuntahan ko siya. Kailangan ko siyang makausap. At balak ko ring iatras ang kaso."

Dahil sa sinabi ni Mr. Park ay napataas ng tingin si Mama sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?" -Mama

"Kakalimutan ko na lang ang lahat pero ibibigay ko pa rin naman sa kanya ang lahat ng hinihingi niya. Kung dun siya matatahimik, eh di ibibigay ko na lang sa kanya. Wag lang madamay dito ang mga anak ko." -Mr. Park

~~

"Anong ginagawa mo dito? Ano?! Masaya ka na ba ah!! Nakakulong na ako ngayon. Makukuha mo na lahat. Nasayo na nga yung mga naiwan ng mga magulang ko, pati mga anak ko, pati asawa ko nasayo na rin. ANO PA BA ANG GUSTO MO!!"

Kitang-kita ko na gamit talaga si Papa ngayon. Pero.... Siguro, tama lang na nangyari ito. Sana magbago ang isip ni Mr. Park at hindi na niya bawiin pa ang mga sinampa niya. Marami nang naagrabyado si Papa. Matagal na panahon na rin ang nagdaan matapos ang ginawa niya noon sa Mama ng triplets. Kailangan na niyang pagbayaran ang lahat ng yun.

Dahil sa pagsigaw niya, naalarma ang mga warden na nagbabantay sa kanya. Si Mr. Park naman ay parang wala lang sa kanya kung sigaw-sigawan siya ni Papa. Parang hindi siya naaapektuhan sa mga sinasabi sa kanya ni Papa ngayon. Ganito ba siya katatag?

Pero ilang sandali matapos magsisisigaw ni Papa at natahimik ang kwarto. At kinuha naman ni Mr. Park ang pagkakataon na yun para siya naman ang magsalita.

"Ganyan ba talaga ang iniisip mo sa akin, Dennis? Alam mo.... balak ko pa namang iatras ang lahat ng kasong isinampa ko sayo at kalilimutan ko na lang ang lahat. Pero mukhang wala namang silbi yun. Siguro nga.... Tama lang na nangyari ito. Sa wakas at mabibigyan na rin ng hustisya ang pagkamatay ng pinsan ko mula sa kamay mo. Oo, aaminin kong hindi kita gusto noon pa man na nag-aaral pa lang tayo pero dahil yun sa pag-uugali mo. Sabihin natin na nagmamahalan nga kayo ni Linda, pero hindi yun pwedeng maging rason para kitilin mo ang buhay ng pinsan ko na walang ibang ginawa kundi ang mahalin ka kahit hindi mo naman iyon naibabalik. Ngayon, wala na akong magagawa. Ang tadhana na rin ang nagdesisyon ng buhay mo at yun ay ang makulong ka na nang tuluyan. Sana pagsisisihan mo ang lahat ng kasalanan mo. Hindi pa huli ang lahat." Litanya ni Mr. Park saka umalis.

Si Papa naman ay natahimik lang sa pwesto niya. Tiningnan ko muna siya bago sumunod kay Mr. Park.  Para siyang napipi at hindi na makatingin ng maayos sa akin. Siguro ay tinamaan siya sa mga sinabi ni Mr. Park sa kanya. Sana nga. Sana nga magsisisi na siya nang tuluyan.

Fix Our Future (2yeon Fanfic) Completed Where stories live. Discover now