Chapter 22

48 1 0
                                    

Fix Our Future
(2yeon Fanfic)

Chapter 22

"Totoo? Ikaw na ba talaga yan, Tajo-ah?" Naiiyak na sambit ni Nayeon sa kausap na hindi niya man lang maharap.

Tumango naman si Jeongyeon bilang sagot na parang kaharap niya lang ang dalaga.

"I'm sorry kung ngayon lang ako bumalik. Tapos nakalimutan pa kita." Ani Jeongyeon.

"It's okay. Maging nga ako nakalimot rin. Almost 20 years na rin yun at busy naman tayo ngayon sa trabaho natin. Sino pa ba nakakaalala nun? Dagdag mo pa itong sitwasyon natin ngayon." -Nayeon

"Tungkol dito sa sitwasyon natin, gagawa ako ng paraan.  Pangako, makakaalis tayo dito. Kung anuman ang balak ni Papa sa inyo, at kay Mr. Park, hindi ko hahayaan yun. Aayusin ko ang lahat para sa future natin." Ani Jeongyeon.

Napatawa naman ng mahina si Nayeon dahil sa sinabi ng binata. Sandali niyang nakalimutan na nasa ganun silang sitwasyon.

"Anong tinatawa-tawa mo diyan? Seryoso ako dito, Tokki-ya. At nasa seryoso tayong sitwasyon. Nagawa mo pa talagang tumawa ah?" Medyo naiinis na saad ni Jeongyeon dahil sa inasta ng babae.

"Pasensya na. Ikaw naman kasi. Kung makapagsalita ka diyan akala mo superhero ka? Sigurado ka bang kaya mong baguhin at ayusin ang lahat ng ito nang mag-isa? Anong tingin mo sa akin, Multo?" -Nayeon

"Oo na. Tama ka na. So?" -Jeongyeon

"Tandaan mo na kasama ang pamilya ko sa gulong ito. Kaya dapat lang na kasama rin ako sa pag-ayos ng mga bagay na may kinalaman sa kung anumang pinag-aawayan o gustong makuha ng Papa mo. Magkasama nating aayusin ito, Okay." -Nayeon

~~

"JinYoung, JinYoung, JinYoung. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Alam mo naman na lagi akong straight to the point. Pero bago natin pag-usapan ang main agenda, gusto mo bang makita ang anak mo at ang loyal mong driver na walang iba kundi ang butihin kong anak na panganay?"

"Wag na wag mong sasaktan ang anak ko. Subukan mong iwanan siya nang may pasa sa katawan o kahit galos lang, sisiguraduhin ko sayo, Dennis. Hindi ka na sisikatan pa ng araw."

"Sa tingin mo natatakot pa ako? Wala na rin namang pipigil sa akin. Wala na ang mga magulang natin na dating umaawat saatin. Alam mo? Masyado ka kasing epal, alam mo yun?"

"Ano bang kailangan mo?"

"Yan! Mukhang magkakasundo tayo sa parteng yan. Simple lang naman ang gusto ko. Ibigay mo ang lahat ng properties na iniwan ng mga magulang ko na dapat saakin naman talaga. At kung hindi..... buhay ng nag-iisa mong anak ang kailangan na maging kapalit." 

"Yun lang? Akala ko ba, ginagawa mo ang lahat ng ito para sa pinakamamahal mong asawa't mga anak? Para kina Jeongyeon, Ryujin at sa triplets?"

"Oo, kasama sila sa pangarap ko. Pero sa tingin mo, hindi ako bulag para hindi ko mapansin na unti-unti mo nang kinukuha ang simpatiya nila laban sa akin. Kahit noon pa lang magaling ka na sa bagay na yan hindi ba?"

"Kahit kailan talaga hindi ka pa rin nagbago. Hindi ka nararapat sa kanila."

"At sino? Ikaw? Ibalik mo muna sa akin lahat bago ko sabihin na ikaw nga."

Kasalukuyan namang naglalakad ang lalaki papunta sa dalawa niyang bihag nung mga oras na yun. Pagkarating sa kwartong yun, agad nilang nilapitan ang dalawa na nakatulog na sa pwesto nito.

"Gusto kang makausap ng Dad mo." Aniya ng lalaki kay Nayeon at inilapit ang cellphone sa babae na kagigising lang.

Pero dahil nakagapos ito, hinawakan na lang ng lalaki ang cellphone habang magkausap ang dalawa.

Fix Our Future (2yeon Fanfic) Completed Where stories live. Discover now