Chapter 26

53 2 0
                                    

Fix Our Future
(2yeon Fanfic)

Chapter 26

"Aray naman! Bakit ba?" Reklamo ni Jeongyeon nang kurutin siya ni Nayeon sa tagiliran.

"Pinahiya mo ako kanina sa mga kapatid natin eh. Hindi ba pwedeng kahit minsan man lang hayaan mo ako." Saad naman ng babae.

"Ano? Pinahiya ba kita? Eh ikaw lang naman ang nagpakita sa sarili mo eh. Pa-cute ka ng pa-cute sa harapan ko na para bang walang nanonood sayo."

"Pake ko ba? Nakikinood lang naman sila. At ikaw naman!"

"Oh! Ano na naman ba?"

"Porket nalaman mo na ikaw ang kababata ko noon, ganyan ka na umasta."

"Eh ano naman? Ganito naman talaga ako sa mga kaibigan ko eh. Kaya masanay ka na."

"Pwes! Hindi ako natutuwa."

"Ang sabihin mo, ayaw mo lang na kinokontra ka sa mga gusto mo."

"Tse! Wag mo akong kausapin." Naiinis na aniya ni Nayeon saka tinalikuran ang lalaki at umalis. Nandito sila sa labas ng bahay sa May hardin.

Ilang minuto ang nakalipas, may narinig siyang bumubusina sa labas ng gate. Nakita niya namang nilapitan ito ng guwardiya at siya naman ay lumapit din.

Isang puting SUV na may sakay na dalawang lalaki ang nakita niya.

"Nariyan po ba si Mr. Park?" Tanong nung driver sa guwardiya.

"Yes, Sir. Nasa office niya po. Ano pong sadya niyo sa kanya?" Tanong naman ng guwardiya.

Bumaba naman ang driver at sumunod rin ang kasama niya.

Hindi gaanong katangkaran yung lalaki pero may hitsura naman. May fashion sense rin siya. Habang yung isa naman ay matangkad sa kanya. Mukhang Intsik at suplado.

"May pinapaabot lang po yung parents ko sa kanya."

Nang makalapit na si Jeongyeon ay siya na ang kumausap dito.

"Manong, ako na ang bahala sa kanila." Saad niya guwardiya.

Nang makabalik na sa pwesto niya si Manong guard ay si Jeongyeon naman ngayon ang hinarap ng lalaki.

"Uhm, Sir? Ikaw ba ang anak niya? By the way, I'm Chaeyoung. Son Chaeyoung. At ito naman ang bestfriend ko, si Tzuyu." Tanong nung kaninang nagmamaneho.

"Nice to meet you pero hindi  ako anak ni Mr. Park. Pero isa ako sa mga pinagkakatiwalaan niya rito."

"Ahhh~ okay. Kailangan ko lang kasing ibigay ito sa kanya. Pwede ba siyang makita?"

"Sumunod na lang kayo sa akin sa loob." Sagot niya saka ay pinagbuksan sila ng gate.

Inihatid niya ang mga diretso sa opisina ng sadya nitong tao. Bago pumasok ay kumatok muna siya.

"Sir, May bisita po kayo."

"Papasukin mo!" Sagot naman ni Mr. Park.

Pinagbuksan niya naman ulit  itong pinto at pumasok naman si Chaeyoung.

Sandaling itinigil ni Mr. Park ang ginagawa niya at nilingon sila.

"Oh! Mr. Son!" Saad nito nang makilala ang lalaki.

"Good Morning, Sir."

"Jeongyeon, iwan niyo muna kami." Baling nito kay Jeongyeon na agad namang sinunod ng binata.

Nang makalayo sa lugar, sinamahan niya naman ang kasama nitong lalaki papunta sa sala para dun na lang maghintay.

"Dito ka na lang maghintay. Paghahandaan kita ng maiinom kay Manang." Saad niya sa lalaki saka ay tinawag ang binanggit na babae.

Fix Our Future (2yeon Fanfic) Completed Where stories live. Discover now