Chapter 5

71 5 0
                                    

Chapter 5

"Sa Philippines." Agaran niyang sagot.

Napatigil pa si Jeongyeon sa pagmamaneho dahil sa pagkabigla.

"Oo, sa Pilipinas nga. Ano bang problema dun?" Tanong niya.

"Wala naman po. Kung hindi niyo po naitatanong, kaarawan po kasi ng kapatid ko sa Linggo. Kaya naisip ko nga rin po sanang magpaalam sa Daddy niyo para sa day-off."

"Alam ko. Kaya nga sa Pilipinas ko piniling makipagkita sa possible business partner ko. Habang nandun tayo, mabibisita mo pa sila. Masaya ka ba?"

"Oo naman po, Ma'am. Salamat po. Sigurado pong magiging masaya ang araw na yun."

"Syempre naman."

~~

Nayeon's POV

Habang lumilipas ang araw, nagiging mas interesado ako sa kanya. Hindi ko alam kong bakit.

Nalaman ko rin mula sa source ko na malapit na ang birthday ng kapatid niya na nasa Pilipinas.

Sakto! Makikipagkita ako ngayong linggo kay Mr. Suarez. Isasama ko si Jeongyeon syempre. Magdadagdag na lang siguro ako ng mga bodyguards para hindi siya gaanong mahirapan sa mga kapatid ko.

~~

"Eonni, saan tayo?" Tanong ni Mina sa akin.

"We're going to the Philippines. May possible business partner kasi akong kikitain dun. At naisip kong, dun na lang kaya natin gawin ang shooting ng commercial natin. Tutal naman, marami tourist spots doon na pwede nating puntahan. Bagay pa sa theme  at concept ng produkto natin." Sagot ko.

"Okayyy. Can we call it a vacation? Ngayon pa lang, excited na ako." Maganang tanong naman ni Sana.

"Pwede rin, Sana. Well naisip ko lang naman, kailangan natin ng bagong environment, and to refresh na rin. Sayang nga lang at hindi pwede sina Dad at Dahyun sa araw na yun. Pero kasama naman natin si Mr. Yoo. May alam siya sa lugar na yun dahil dun siya nakatira. Pwede rin natin siyang maging tour guide slush driver and bodyguard."  Sagot ko.

~~

"Hays sayang naman. Bakit kasi ngayon pa? Hindi ba pwedeng sa susunod na lang ito. Para naman makasama ako sainyo." Reklamo ni Dahyun habang nagpapaalam kami sa kanya dito sa labas ng airport.

"Sumunod ka na lang kaya. We're staying there for 5 days, baka makahabol ka pa." Sagot ko naman sa kanya.

"Oo nga, Oppa. Day-off ka muna para magkakasama tayo dun." Saad naman ni Sana.

"Wag na. May next pa naman. Ingat na lang kayo dun. Hihintayin ko na lang ang pagbabalik niyo pati na rin ang mga kwento niyo."

"Ikaw na bahala sa mga kapatid ko, Bro." Baling niya naman kay Jeongyeon.

"Yes, Sir. Gagawin ko po ang trabaho ko nang maayos." Sagot naman ni Jeongyeon na akala mo ay nasa military training siya at si Dahyun ang commander niya habang nakasaludo pa.

"Ang saya mo ah. Sige. Aasahan ko yan. Mauuna na ako. Ingat kayo." Paalam niya.

Nang makalayo na siya ay siya namang pagpasok namin sa terminal.

-Fast Forward-

Nakalabas na kami ng airport at hinihintay na ang magiging service namin.

Ang tungkol naman sa dagdag na security, nagawan ko na rin ng paraan. Pero hindi gaanong madami, baka makatawag na ako ng pansin kapag ganun.

Dumiretso kami sa isang hotel and resort na kung saan ako nagpa-reserve para sa limang araw namin dito sa Pilipinas.

At saka... dito na rin kasi kami magkikita ni Mr. Suarez. Pati na rin ang shoot sa gagawin naming commercial ay dito na rin. May dagat sa malapit at maganda pa ang tanawin. Perfect na perfect sa concept namin.

Fix Our Future (2yeon Fanfic) Completed حيث تعيش القصص. اكتشف الآن