Chapter 19

51 4 0
                                    

Chapter 19

"Jeongyeon, gusto na kita."

"W-what?"

Dahil sa biglang confession ng babae ay hindi niya na naituloy pang paandarin ang sasakyan. Nilingon niya naman ito pero umiwas rin makalipas ang ilang segunda dahil sa pagka-ilang.

"What with the sudden confession, Nayeonie?" Saad ni Jeongyeon habang nakatuon sa ibang direksyon ang atensyon niya.

Pero may parte rin sa kanya na parang..... masaya rin dahil sa sinabi nito.

"I like.... I mean..... I love you already, Jeongie. May pag-asa ba ako?" Lakas-loob nang tanong ni Nayeon sa kanya.

"Sinasabi mo lang ba yan dahil sa pagiging komportable mo saakin? Dahil sa mga ginagawa ko sa bawat araw na ginagawa ko?"

"Yah!! Is that a rejection?"

"Hindi."

"So, may pag-asa nga ako?"

"Yes? Pero.... hindi pa ito ang panahon para pumasok ako sa ganyang relasyon. Marami pa akong problemang iniisip ngayon, Nayeonie. Sana maintindihan mo. Kahit pa.... sabihing may gusto rin ako sayo. Ayokong idamay ka sa problema ko."

Naglabas naman ng mabigat na hininga ang babae bago muling nagsalita.

"Alam ko namang hindi ka pa handa. Ilang beses mo nang sinabi yan sa akin. Gusto ko lang namang sabihin sayo ang nararamdaman ko. Honestly, I dont want to feel rejected again like what happened before pero sinubukan ko pa rin. But hearing you tellinh that I have a chance, okay na sakin. Pero please, wag mong isipin na parang dagdag problema lang ako sayo. Kaibigan mo pa rin ako dito. Magsabi ka, magkwento ka, makikinig naman ako." Parang naiinis na saad ng babae sa kanya.

"Hindi naman ikaw ang problema, Nayeonie. Ako yun."

"Ano bang pinagsasabi mo diyan? May dapat ba akong malaman?" Tanong ni Nayeon sa kanya.

In an instant parang nawala ang awkwardness sa kanilang dalawa dahil sa panibagong topic.

"Hindi pa siguro ito ang oras. Gabi na. Umuwi na tayo." Sagot naman ng lalaki saka pinaandar ang makina ng sasakyan at umalis sa lugar na yun.

~~

Jeongyeon's POV

Hindi ako makapaniwala sa nangyari kahapon. May gusto siya saakin.

Aaminin ko namang nagkagusto rin ako sa kanya pero.... nitong mga nagdaan, nakalimutan ko ang bagay na yun dahil sa mga nalaman ko.

Sa tingin ko, hindi pa ito oras para isipin ko ang sarili ko. Kailangan ko muna sigurong malaman ang totoo. At kung sino ang nagsasabi ng totoo.

Pero kahit paano naman alam ko na ngayon ang nararamdaman niya. Kung wala lang sana akong ibang iniisip, baka ako pa ang unang nag-confess sa kanya.

Pagkatapos kong maihatid si Nayeon ngayong umaga, nagpaalam ako sa kanya na sandali kong dadalawin sina Mama. May gusto lang akong asikasuhin.

Mayroon namang dagdag na security si Mr. Park kaya hindi na ako mahihirapan na bantayan siya sa lahat ng oras. Bale, isa na lamang akong driver ngayon.

~~

Third Person's POV

Hapon na naman, kasalukuyan ngayong nagtatrabaho si Nayeon sa opisina niya nang biglang may kumatok sa pinto. Inisip niya na baka si Jeongyeon lang ito kaya hinayaan niya na itong pumasok.

Isang lalaking naka-itim mula ulo hanggang paa ang bumungad sa kanya. May mga letrang nakasulat sa damit nito na nagsasabing isa itong security personnel.

"Anong problema?" Tanong niya rito dahil alam niya namang may pinadala na ang Dad niya regarding their security. At isa ang lalaki doon.

"Kailangan na po nating umuwi, Ms. Nayeon."

"Bakit hindi na lang si Jeongyeon ang nagsabi sa akin niyan? Nakabalik na ba siya?" Tanong niya rito habang patuloy sa ginagawa.

"Naroon na po siya sa parking lot naghihintay, Miss."

Hays... Hindi ko alam kay Dad kung bakit kailangan pang maghigpit ng security? Wala na rin namang paramdam ang kung sinumang puno't dulo ng lahat ng ito.

"Ma'am?" Muling pagtawag ng lalaki sa kanya.

"Bakit raw ba kailangan kong umuwi? Ang aga pa." Tanong niya sa lalaki habang inaayos ang mga gamit.

Ang lalaki naman ay tahimik lang. Literal na tahimik na hindi alam ni Nayeon na palapit na ito sa kanya at may masamang balak pala.

Saktong tapos na siya sa pag-aayos nang makaramdam naman siya na may kung anong tumama sa batok niya dahilan para mawalan siya ng malay.

"Anong....." Yun na lamang ang nasabi niya at wala na siyang nagawa.

Matagumpay naman siyang nailabas ng lalaki na wala man lang nakahalata.

Nang mga oras namang yun ay dumating naman si Jeongyeon at nadaanan niya pa ang mga security na nakakalat sa buong building. Pero nakapagtataka lang, wala ni isa sa mga ito ang pamilyar sa kanya. May kakaiba.

Palapit na siya sa opisina ng babae nang madatnan niya ang sekretarya nitong walang malay. Maging ang isang bantay na nakatoka dun ay ganun din. Doon na siya nakaramdam ng kaba at dali-daling pumasok sa opisina.

Nadatnan niya ang isang lalaki na hawak ang walang malay na si Nayeon.

"Anong balak mo sa kanya?!" Tanong niya sa lalaki na hindi rin pamilyar sa kanya.

Lalapit na sana siya sa lalaki nang bigla namang dumating ang mga kasama nito.

"Kung ako sayo, wag ka na lang lumaban. Hayaan mo kaming makaalis." Saad ng isang lalaki na ngayon ay tinututukan siya ng baril mula sa likod niya.

"Ano bang balak niyo sa kanya?" Tanong niya habang nagpupumiglas sa pagkakahawak ng mga ito sa kanya.

"Kailangan siya ng Boss namin. Isa siya sa pwedeng makatulong para makuha na ni Boss ang kailangan niya." Sagot ng isa sa mga lalaking may hawak sa kanya.

Si Nayeon naman ngayon ay wala pa ring malay at kasalukuyang dala nung isang lalaki palabas ng kwartong yun.

"Isama niyo ako."

"At bakit naman namin gagawin yun?"

"Kilala ko ang Boss niyo. Gusto ko siyang makausap."

Humingi naman ng senyales ang isang lalaki sa isa pa niyang kasama na siyang lider ng grupo.

"Sige! Isama na yan!"

Walang kahirap-hirap na nakalabas sila sa building ngayon. Ang mga bodyguards naman na pinadala para sa seguridad ng dalaga ay nakakalat sa buong palapag na yun at walang malay.

Nang maipasok na si Jeongyeon sa sasakyan, piniringan at binusalan siya ng mga ito. Habang si Nayeon naman ay nasa parehong sasakyan rin kung saan wala pa rin siyang malay.

~~

"Daniel, samahan mo muna ang asawa't anak ko sa labas. Ipasyal mo sila." Utos naman ng Ama ni Jeongyeon sa binata.

"Yes, Sir. Pero.... Malapit na pong magdilim--"

"Take your time."

"Okay, Sir."

~~

"Ms. Reyes! Handa na po ba kayo?"

"Oo, sandali lang."

Ilang minuto pa ay lumabas ang isang di-katandaang babae sa kwarto niya at sakto namang pagbukas ng pinto sa kabilang kwarto kung nasaan ang anak nito.

"Saan ba tayo pupunta ngayon? Gabi na." Tanong naman ng babae sa lalaking nagmamaneho para sa kanila.

"Gusto niyo po bang puntahan natin si Jeongyeon? Para makasama niyo sa paglilibot. Malamang sa nakauwi na rin yun ngayon."

"Sige ba. Kung pwede siya."

"Sige po. Dadalhin ko po kayo ngayon doon."

Fix Our Future (2yeon Fanfic) Completed Where stories live. Discover now