Unang Kaso: Misteryosong Babae

271 17 61
                                    

Isang araw, gumawi si Taling sa palengke kasama si Ka Nonay. Habang masugid na sinusuri ang mga isda sa pamilihan. Inagaw ang kanyang paningin ng imahen na hawig kay Ka Emilio. Hindi naman nagkamali ang dalaga, ang binatilyong iyon nga ay walang iba kundi si Ka Emilio. Dala ng pananabik na makasamang muli ang binata. Naisipan niyang gulatin ito mula sa likuran. Ngunit bago pa niya magawang lapitan ang binatilyo, sumambulat sa kanya ang tagpong halos ika-durog ng kanyang puso. Kaya nagdesisyon na lamang itong hindi na ipagpatuloy pa ang planong paglapit sa binata.

Paguwi sa bahay ay naisipan idaan ni Taling ang hinanakit sa pagbibigay ng sulat kay Ka Emilio. Mungkahi na rin ng mga kasama sa kapatid sa hanay ng mga kababaihan.

Heto ang Laman ng sulat:

Ika 10 ng Agosto taong 1895

Ka Ilyong,

Hindi mo man lamang tinignan ang bitbit kong buslo, kay bigat, kung alam mo lamang. Ang pinamili lang naman namin ay mga putaheng ipinalaman tyan mo sa oras na binabasa mo ang liham na ito. Nawa'y naghatid kabusugan sa iyo ang mga putaheng inihanda namin ngayong hapunan.

Nawa'y masaya ka.

Nga pala ginoo. Kanina sa palengke'y nadatnan ko. Ikaw at ang iyong kerida. Pusta ko ay maganda siya. Ang haba at ganda ng kanyang buhok. Mukhang alagang-alaga sa gogoo. Linta kong maihahalintulad ang pagkapit niya sa iyo. Huwag ka mag-alala, hanggad ko ang kaligayahan para sa inyong dalawa.

Sa marahil ay tama sila. Ito nga marahil na klase ng pag-ibig na aking nadarama'y hindi kasing tibay ng kung anong meron kayo. Hayaan mo at huli na ito, hindi na ako mangugulo pa.

Namamaalam,
Taling



ANG KASO: MISTERYOSONG BABAE

NAGREREKLAMO:

Binibining Catalina De Jesus y Dela Cruz

NASASANGKOT:

Ginoong Emilio Jacinto y Dizon

SAKSI:

Ginoong MACARIO SAKAY, TEODORO PLATA

IMBESTIGADOR NG BAYAN: TANDANG SORA

KASALUKUYANG PETSA: Ika 11 ng Agosto Taong 1895

LUGAR NG PINANGYARIHAN: PALENGKE NG PACO MANILA

Balot naman ng pagtataka si Ka Emilio at walang-malay sa ipinuputok ng buchi ng kanyang nobya. Para sa binata, wala siyang kasamang dalaga nang siya ay nagawi sa palengke. Kung meron man ay dapat alam niya. Alam rin ng mga kasama niyang sila Ka Karyo at Ka Teodoro. Kaya't napagdesisyunan niya, kahit na gabi at alanganing oras ay tunguhin ito roon sa bahay nila Andres.

Isinanguni na rin niya sa nakakatandang kasama na si Andres ang naging gawi ng nobya. Na kahit si Andres, hirap paniwalaan. Kilala nitong husto ang binatang si Emilio. Halos kasabayan na rin ng kanyang mga kapatid lumaki sa ilalim ng kanyang-poder itong si Emilio. Lumaki si Emilio na may takot at respeto sa kababihan. Kaya ang lokohin ang damdamin ni Taling ay wala sa bokabularyo nito. Sino ang babaeng tinutukoy nitong anak-anakan niyang si Taling?

Pala-isipan ang pagkatao ng babaeng nakita ni Taling at lubos itong ikina-bahala ng mga nakakatanda. Dala ng pag-aalala kaya ipinakonsulta nila ang dalaga sa mangagamot na si Tandang-sora. Baka raw nabati. Baka naengkanto. Baka nakakita ng nilalang na sila ay hindi nakikita. Kung ano-ano kuro-kuro at pasubali ang sinasabi ng mga nakakatanda.

Multo? Engkanto ba ang nakita? Walang makapag-sabi kaya't heto si Tandang Sora.

"Ano ba ang iyong Nakita?" Tanong ng matanda sa dalaga na naroon sa papag at nilagyan na ng mga halamang gamot ang noo. Sa paanan ng dalaga ay isang batya na may mainit na tubig.

Si SolamenteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon