VIII. TandangSora

111 12 24
                                    

MATAPOS ang sagutan nila kahapon. Kaibahan sa nagdaang araw ay naging tahimik ang dalaga. Roon sa hawla ay nanatili na lamang itong nakahiga. Napansin ito ni Emilio kaya't hindi magawang makapagpokus sa gawain.

Gusto man niya itong lapitan ay nahihiya siya. Hindi naman niya alam kung paano sisimulang baliin ang nakaka-asiwang sitwasyon nilang dalawa. Dalangin na lamang niyang dumating itong si Macario, baka bumalik ang sigla.

"Narito na ang para sa tanghalian niyo Senyor Emilio at Binibining Annatalia." Pasok naman ni Aurelio doon sa silid.

Iginawi naman ni Emilio ang tingin sa Senyor at tinulungan ito sa mga bitbit na llanera. "Maraming salamat ginoong Aurelio. Si Macario?"

"Ay naroon sa barberya niya. Abala sa mga parokyano." Tugon ni Aurelio, mga mata ay nakagawi sa dalaga na naroon sa hawla. "Tila tahimik siya." Bulong ni Aurelio kay Emilio.

"Nagkasagutan kami kagabi. Iyon ang nakikita kong dahilan. Kung si Macario'y makaluwang-luwang, pakisabihan naman na pumalit muna sa akin rito." Pakiusap ni Emilio.

"Sige. Makakarating." Tugon ni Aurelio at tawag sa munting aso upang pakainin na rin.

"Binibini. Heto na ang sa tanghalian mo." Lapit ni Emilio sa hawla at bukas rito. Doon tumambad sa kanya ang dalaga na nakahiga pa rin at balot ng kumot. "Tanghali na. Kumain kana pakiusap."

"Wala akong gana Ilyong." Tugon nito at baluktot muli nito sa kumot.

"Dali na. Pakiusap kahit kaonti." Alis naman ni Ilyong ng kumot rito at bigla niya ng mapagtanto ang isang bagay. "Binibini. Bakit pawisan ka-" at sapo niya sa noo ng dalaga na noo'y mainit. "Panginoon." Bulong niya at tingin kay Aurelio na abala naman doon sa tuta. "Senyor Aurelio! Senyor Aurelio!"

"Bakit?" Tanong ng ginoo at lapit sa kanya na noo'y buhat na ang dalaga. "ano nangyari?"

"Siya ay, inaapoy ng lagnat senyor. Dalhin natin sa mangagamot." Mungkahi niya at tango ni Aurelio.

"Ayoko. Ayoko sa Doktor. Ayoko sa Ospital." Iyak ni Annatalia. "ayoko! Huwag."

"Inaapoy ka ng lagnat!"

"Hindi. Ayoko huwag." Iyak nito at nagtinginan lamang ang dalawang ginoo sa naging gawi ng dalaga. "Huwag.. ayoko."

"Ang mabuti pa, kay TandangSora na lamang. Tatawagin ko si Macario na ihanda ang karwahe. Maiwan ka muna rito Senyor Emilio." Takbo ni Aurelio palabas at iniwan itong si Emilio buhat ang noo'y nanginginig na dalaga.

"Saan ang masakit?" Tanong niya sa dalaga na dahan-dahan iminumulat ang mata.

"Da-daddy.." tawag nito sa ama at yakap kay Emilio. "Malamig daddy."

"Teka heto, babalutin kita ng kumot. Gusto mo ba ipatawag ko si Senyor Andres? Si Binibining Oriang?" Tanong ni Emilio at yakap niya sa dalaga. "Jusko inaapoy ka ng lagnat. Tatawagin ko sila ah." Lapag niya sa dalaga sa papag at akmang iiwan na sana niya ito.

"I-ilyong.. huwag. Ayoko. Wag mo ko iwan." Naiiyak na sabi nito't kapiit na mariin sa camisa ni Emilio. "huwag mo ko iwan."

"Sige. Dito lang ako." Hawak ni Emilio sa kamay nito at yumakap rito. "Noon pagnagkakasakit ako. Niyayakap ako ni Ina upang maibsan ang lamig." Aniya't yakap sa dalaga. "Patawarin mo ko. Hindi kita maalagaan ng maayos." Paumanhin niya at hagod sa mukha ng dalaga na noo'y pinapawisan ng malamig.

Doon niya napag-tanto ang isang bagay, nilalagnat ito at animo'y naglalaho paonti-onti. Sa pangyayaring ito'y kinilabutan siya ng husto. Paanong ang isang simpleng lagnat ay nagagawang paglahoin ang katawan ng tao.

"Ang dalangin ko lang, ay hindi niya tayo iwan. Alam mo naman, biglang dumating siya sa ating buhay at nagbigay kulay. Baka kung anong bilis ng dating niya, iyon ang bilis ng pagkawala." - Alala niya sa sinabi ni Macario sa kanya.

Si SolamenteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon