Clara at Eloy

157 17 16
                                    

Nobyembre 30, 1896
San Rafael Bulacan.

"Vicente!" tawag ni Anacleto sa kapatid nito na, abala sa pakikipagusap sa ilang katipunerong naghahanda sa pagdepensa laban sa mga kastila. "Nais kong pamunuan mo ang mga kasamahan natin roon sa may Bigaa." annuncio nito na ikinagulat ng kanyang nakakabatang kapatid.

"Akala ko ba'y lalaban tayo ng magkasama?" tanong ni Vicente at tango ni Anacleto. "Ano't pinapupunta mo ako sa Bigaa?"

"Kailangan nila ng isang tulad mo roon mahal kong kapatid.. Sandali lang naman ang ating paghihiwalay.. pagtapos nito'y magkakaroon tayo ng masayang salo-salo, iuuwe natin ang tagumpay." masayang wika ni Anacleto at hawak na riin sa kwintas niyang naglalaman ng buhok ni Clara. "Alam kong naghihintay siya sa aking paguwe."

"Si Clara.." ngiti ni Vicente at tayo para ihanda ang sarili sa pag alis. "Sige.. kung iyan ang iyong nais.."

"Eloy!!" tawag ni Clara na noo'y kasama ang ilang kababaihang naghanda ng para sa tanghalian. "Inihatid na namin ang para sa mamayang tanghali.. ng sa gayon ay, kahit pano nakatulong kami sa inyong pakikibaka.. kumain na rin kayo ng para sa almusal.." ngiti nito kasunod ang paghalik ni Anacleto sa pisngi nito.

"Nag abala pa kayo." Saad nito't yapos sa mukha ng nobya. "Sumabay na kayo kila Vicente sa Biyahe." Annuncio nito't ikina-iling ni Clara. "Bakit?"

"Sino pa ang makakasama mo ngayong inihabilin mo si Vicente sa Bigaa? Hayaan mong samahan kita." at matinding di pagsang-ayon ni Anacleto't yakap sa dalaga. "Eloy?"

"Kasama ko naman si Jose. Hindi ba'y nangako ako?" Paalala ni Eloy at harap sa dalaga.

"At ikaw ay kilala kong taong may isang salita." Dagdag ni Clara at kuha sa kamay ng binata upang idampi ito sa pisngi niya. "Naniniwala ako sayo." at ngiti ni Anacleto rito kasunod ang pag-bigay ng senyas kay Vicente na pumunta na ng Bigaa.

Habang paalis ay nilingon ni Clara ang binata. May bigat sa kanyang dibdib ang paglayo niyang iyon. Na para bang, ayaw niya itong iwan. Ang mga paa niya'y tila hinihila ng kung ano para manatili sa tabi ng nobyo. Pinagmasdan niya ito ng mabuti, nakangiti ito sa kanya habang kumakaway, bagamat nakangiti'y tila ang mga mata'y matatamlay.

Ang isip ng dalaga'y puno ng agam-agam.

'Ano ang gagawin mo Clara? Susundin mo ba ang puso mo na gustong manatili sa tabi niya. O susundin ang nais nitong ikaw ay malayo upang makaligtas sa kung anong gulong pwedeng maganap. Hindi biro ang labang kakaharapin niya. Alam mo sa sarili mong maaring ito na ang huli.'

Papatalikod na noon si Anacleto, paharap sa mga katipunerong kasama. Paonti-onti itong natatabunan ng mga katipunerong naglalakad palabas ng simbahan upang samahan si Vicente.

Nauubusan kana ng oras Clara!

"Eloy.." maluha-luhang sabi ni Clara ng makitang mula sa pwesto niya ay paonti onting nawawala si Anacleto. "ELOY!!!!" hiyaw niya at palag sa hawak ni Vicente't takbo papasalubong sa mga naglalabasang katipunero.

"Clara!" hiyaw ni Vicente ng mabitawan ang pagkakahawak sa dalaga't, maaninagang tumatakbo ito papasalubong sa dagsa na meron ang mga katipunero. "Clara.." bulong niya at awang-awa sa dalaga habang pinapanood ito pasulong sa papalayong si Anacleto.

"ELOY!! Paraanin niyo ko pakiusap." iyak ni Clara. "ELOY!! ELOY!!" ng magkaroon ng puwang papunta sa minamahal ay tinakbo niya ito. "Eloy!!!" ngunit muli siyang natabunan ng mga nagsisipaglabas. "Eloy!!"

"Clara.." nang lingonin ay nakita ni Anacleto ang nobyang patungo sa kanya't sumasalubong sa mga katipunero. Nahahagip, natutumba pero di tumitigil sa paglapit sa kanya. "CLARA!!" takbo niyang pabalik rito para salubongin. "Ano ang iyong ginagawa!?"

Si SolamenteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon