X. Mga Itinatagong Damdamin

124 12 14
                                    

"Heto ang kape. Maraming salamat sa tulong na ginawa niyo para sa aking anak." Abot ni Andres ng mainit na kape rito kay Flaviano't mga kasama nito.

"Salamat senyor." Tugon ng tatlong binatilyo.

"Aray!" Hiyaw ni Emilio habang inaasikaso nitong si Nonay at Oriang. "Malayo iyan sa bituka binibini."

"Anong malayo. Heto nga't malalim din ang pagkakadaplis ng bala sa braso mo." Matigas ni Oriang at iginawi ang tingin doon kay Annatalia na tulala. "Nonay, ikaw na muna ang bahala rito kay Ilyong. Tutunguhin ko lamang itong si Taling." Aniya at lapit nito sa anak-anakan. "Anak?"

"Mama.." naiiyak na sabi ni Annatalia at hagulgol. "Mamaaa."

"Ssh.. Tahana. Narito na kayo. Huwag ka ng mangamba." Hagod niya sa anak-anakan at patahan rito. "Ang mabuti pa. Magpalit ka ng baro. Maligo ka ng malinisan ang katawan." Mungkahi ni Oriang ngunit tila hindi makagalaw ang dalaga. "Taling?"

"Si Ilyong, marami dugo. Kaya kapag nagka malaria siya.. kukulangin sa dugo." Iyak ni Annatalia. "mabubyuda ako!" At hagulgol nito ng sobra.

"Ha? Ano?" Pagtataka ni Oriang at yakap sa anak.

Nagtinginan naman ang mga ginoong nakapaligid sa kanila. Hindi makuha kung anong ibig-sabihin ng dalaga. Sa gitna ng pahagulgol nito'y tumayo itong si Emilio't lumapit sa dalaga.

"Malakas ako. Daplis ng bala lamang ang tumama. Anong sinasabi mo diyan patungkol sa malaria!?" Tanong niya at lalong humagulgol itong si Annatalia. "Ang malaria ay nakukuha sa lamok hindi sa bala."

"Sa marahil ay natrauma siya." Ani Luis at tayo nitong si Flaviano upang lapitan ang dalawa. "Kaya kung ano-ano na nasasabi."

"Binibini. Tahana." Pakiusap ni Emilio at hawak sa kamay ni Annatalia. Malamig ito. Nanginginig. "Hindi ka mabibiyuda. Kung iyon ang inaalala mo." Namumula niyang sabi.

Dito nagulat si Nonay, Oriang at Andres. Balot sila ng pagtataka. Ano't mabibyuda gayong, ni hindi naman magkasintahan ang dalawa. Iginawi ni Andres ang tingin roon kay Macario na nakangiti sa gawi ng dalawang nakakabata. Heto namang walang kaalam-alam na si Andres pinandilatan ito.

"May hindi ba ako alam Ka Karyo? Heto ang sitwasyon ikaw riyan abot langit ang ngiti." Bulong niya kay Macario.

"Mamaya ko ikukwento senyor kapag wala na ang ibang paslit." Bulong na tugon ni Macario.

"Tahana na binibini. Narito na tayo sa bahay niyo. Huwag ka ng matakot." Patahan ni Flaviano at tingin kay Emilio na noo'y balisa sa kalagayan ng dalaga. "Emilio. Magisip ka ng pwedeng ipakalma sa iyong nobya." Mungkahi nito't tingin ni Emilio sa mga gamit nito.

Hindi niya maaring ilabas ng satchel. Baka magtaka itong mga kaibigan niya sa kagamitan ng dalaga. Kaya't nagawi ang tingin niya sa mga libro. Doon kumuha siya ng isa. Ngunit ang mga ito, hindi napaalis ang panginginig at pagiyak ng dalaga.

"Mahilig siya sa libro?" tanong ni Flaviano at alala sa librong iniabot ni Eleonor sa kanya. "heto iabot mo." Alok ni Flaviano rito.

"Binibini. Heto, mga kwento ng alamat. Mula kay Flaviano." Alok ni Emilio rito sa dalaga. "Tahana. Pakiusap." At buklat nito ng libro at basa sa dalaga. "Teka. Saang alamat ko ba sisimulan?" Isip ni Emilio at namumulang basa nito ng kung anong naibuklat.

Mga kasamahan ay nakaabang sa kaniyang gagawin. Nahihiya man, ginawa niyang basahan ang dalaga ng isa sa mga kwento. Sinimulan niya sa Alamat ng Ilog Pasig. Sa mga nanonood, itong si Andres ang tila naintriga, hindi nakatiis dahil ito ang kauna-unahang pagkakataong makita si Emilio na ganito.

"Macario. Halika sa labas at maari bang ikwento mo sa akin itong nakikita kong ito?" Aya niya kay Macario at tango naman ni Macariong sama sa kanya. "Maari mo bang ipaliwanag ang lahat ng ito?"

Si SolamenteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon