XIV. Tanbunting

42 3 0
                                    


[One Month after the encounter at Tandang Sora Residence]

Mabilis na lumipas ang mga buwan ng panatili ni Annatalia sa poder ng mga katipunero. At sa tulong ng kanyang mga kaalaman mula sa hinaharap ay, nariyan nga at bawat bayan ay may nakaatas na Sanggunian na itinatatag ng bawat pinunong itinalaga sa bawat lugar. Lubos niyang ikinatuwa ang mga tagumpay na naisagawa nila Andres at mga kasama nito. Tila lahat ay umaayon sa kaniyang nais para sa katipunan, wala na siyang mahihiling pa.

"Kapag nakakuha tayo ng angkop na bilang maari na nating doon sa Pamintinan ay pasimulan ang lahat." Saad ni Annatalia habang binabasa ang ginawang drafto ni Emilio patungkol sa paraan ng pagpaparami ng mga miembro. "Networking.. kayo rin pala nag pasimula ng networking."

"Ano ang sabi mo? Networking??" Tugon ni Emilio. 

"Wala, huwag mo ko masyado pag-iintindihin," ngisi ni Annatalia sa kanya.

"Tungkol sa sinabi mo patungkol sa Pamintinan. Tansa ko sa nalalapit na pagtatapos ng taon ay, magagawa nating makalikom ng libong miembro. Mula sa dating bilang na tatlong daan." saad ni Emilio habang tinitignan ang dalaga na noo'y bakas ang pagkagalak sa kinalabasan ng lahat.

"Tama ka. Libo sa pagtatapos ng taon ngayon."

"O siya. Bumalik kana roon sa pagaaral mo kasama sila Binibining Josefa at Rosario. Gawaing panglalaki ito." Aniya at pabusangot na tinignan lamang siya ni Annatalia. "Huwag na matigas ang ulo. Alam ba nilang narito ka?"

"OO, katunayan. Pinagtatakahan ko nga ang gawi kanina pa roon sa bahay. Sila Papa, Mama, Tiyo Teodoro at Tiya Nonay, ayaw ako patulungin sa gawaing bahay. Binilin pa nga na gawin ko raw kahit na anong ikakasaya ko. Tapos, kanina gumawi naman ako kila binibining Rosario. Ipagpaliban daw muna ang pag-aaral ko ngayong araw. At heto dito na muna ako nakigulo." Ngisi niya. "Sarado kasi ang theatro, sabi ng naandon kanina'y may pinuntahan si Ginoong Aurelio at Bestie. Mukhang tayo lamang ang naiwang libre ang oras sa araw na ito."

Lingid sa kaalaman ni Annatalia. Alam ni Emilio ang kakaibang gawi ng mga kasama. Ang araw kasi ngayon ay ang araw na sinabi ng dalaga noon na kaarawan nito. Ang ika dalawamput-dalwa ng Setyembre. Pinakiusapan sa pamumuno ni Oriang si Emilio na ilihim ang gawi nilang pagsurpresa sa dalaga. Bagamat hindi buo ang tiwala ni Emilio na totoo ang patungkol sa tunay na araw ng kapanganakan nito. Hinayaan na lamang niya ang mga kasama. Masaya naman ang lahat gawin ang mga gawi para sa kaharap niyang dalaga.

"Gusto mo sumama roon muna kila Flaviano?" Tanong niya na biglang ikinasaya ng mukha ni Annatalia. "Isang buwan na rin. Kaya naisipan kong dalawin."

"Sige! Isasaoli ko na rin iyong libro. Teka kukunin ko lang at isasama ko si Troadio at Flavio." Tayo ng dalaga at masayang lundag nito palabas ng himpilan ni Emilio.

Sa paglabas ni Annatalia ay naiwan si Emilio na nililigpit ang mga dokumento. Sumagi din sa isip niya ang usapan nila ni Tandang Sora nung isang buwan na dinala niya ang dalaga rito.

"Isang propeta? Ang mga ito Tandang Sora, totoo ba ito?" Tanong niya kay Tandang Sora habang binabasa ang mga sulatin.

"Hindi ko siguro. Ngunit,  may ilan diyan na mga pangyayaring malapit ng maganap. Iyon ang inaalala ko. May ilan tapos na, hindi ko alam kung nangyari talaga."

Lingid sa kaalaman ng matanda ay iyong patungkol sa pagkakahula nito ng pagkapanalo nila Candido at Francisco sa Loterya. Naroon sa tala ito, nangyari ito. Hindi lamang iyon, pati na rin ang patungkol sa pasimula nila sa Printing Press. Sa isip niya, hindi kaya ay sinulat ito ng dalaga noong nangyari na ito. Ngunit paano kung hindi, paano kung katulad ng mga sumunod na pangyayari narito ang naging gawi ng mga nauna. Kaya lubos na nabahala si Emilio sa mga sumunod na pangyayaring nakasulat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 29 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Si SolamenteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon