~•✹☽•~
Tondo Manila, Agosto 1894
Ang pangatlong linggong pananatili ni Annatalia sa panahong 1894."Ito na ang pera pambili ng Printing Press kapatid." abot ni Andres kay Isabelo Delos Reyes ng pera mula sa Australya na ipinadala nila Candido at Francisco.
"Nakakagulat naman na mukhang ngayon ay sinuwerte ang dalawa. Kung mag Australya rin kaya tayo para makakalap ng salapi.." pabirong hirit ni Isabelo at tawanan nila. "nakakagulat lang kasi talaga. Doon sa Australya sinuwerte ang dalawa. Sana ay magtuloy tuloy na ang swerte." anya nito at tango ni Andres na alala sa mahiwagang binibini na ikinukubli nila ngayon sa kanilang poder.
"Kapatid.. Naniniwala ka ba sa mga Babaylan?" tanong niya at ikibit ni Isabelo.
"Bakit mo naman naitanong supremo?" tanong ni Isabelo at iling na lamang ni Andres.
"hindi na bale.. Salamat sa pagdala ng printing press dito sa bahay ko.." ngiti nito at nakipagkamay sa kanya. "tutunguhin ko na sila Kapatid Emilio para ibalita ito.."
"malaking tulong ito para sa pagpaparami ng mga katipon." Dagdag commento ni Isabelo at tango ni Andres.
"sinabi mo pa kapatid." sangayon ni supremo. "lalo ang batang iyon." Bulong nitong alala sa binibini.
BALOT ng pag-asa at kagalakan sa kanyang puso itong si Andres ng gumawi siya ngayong araw ng linggo sa poder ng dalaga. Hawak niya sa kamay ang telegramang mula kay Candido kung saan ikinuwento nitong totoong nangyari ang haka-haka ng dalaga patungkol sa pagsali nila sa loterya.
Ngayon sa isip niya, kaonti ay may ideya siya patungkol sa katauhan ng dalaga. Ika nga niya, isa itong babaylan. Iyong mga tampok sa alamat na dinudula nila ni Macario at Aurelio sa Teatro. Mga nilalang na may kakayanan na mahulaan ang hinaharap. Upang kumprontahin ang dalaga, minabuti niyang dalawin ito.
"Nasaan siya?" Tanong niyang bungad sa mga binatilyong naroon. "hindi ko makita ang binibini?" Bungad niya ng makita ang kasalukuyang sitwasyon ng dating bodega.
Ito na ngayon ay maayos, nakahilera ang mga gamit at libro sa dapat kalagyan. Ngunit malaking katanungan, nasaan ang dalaga?
"Ano.. Ka Andres. Teka paano ba?" Nahihiyang lapit rito ni Aurelio na noo'y may buhat pang tuta.
"Saan nanggaling ang tuta na iyan?"
"Sa binibini po ito." Tugon ni Aurelio at ayos ng antipara. "Ito'y inaalagaan niya."
"Eh nasaan siya?" Tanong ni Andres.
Nang walang ano-ano'y may hinilang lubid itong si Macario. At mula sa itaas doon sa may liwanag na mula sa maliit na bintana ng himpilan, dahan-dahan bumaba itong nakatabig na kung ano. Hindi niya mawari kung ano ito. Malaki ito.
"Ano ang isang iyan mga kapatid?" Tanong ni Andres sa mga binatilyo.
"Mula sa handog na presentasyon ng pinilakang tabing ang Teatro Porvenir. Aking ipinakikilala ang pinaka magandang tanawin na aming ipagkakaloob sa araw na ito." Annuncio ni Macario na animo'y nasa pagtatanghal sila sa Teatro. "Ihanda ang inyong-" at hampas sa kanya ni Andres. "Aray!"
"Ano iyang pag aanuncio mo, animo'y nag tatanghal ka. Ano iyang nakatabig?"
"Akala ko hanap mo ang dalaga Ka Andres." Bulong ni Macario at lapit ni Andres sa kung anong bagay ang nakatakid.
BINABASA MO ANG
Si Solamente
Historical FictionI am SEARCHING for a FLAVIANO YENGKO who will shows that it really takes COURAGE to grow up and become who you really are. I am HOPING for a ANACLETO ENRIQUEZ of TRUTHFULNESS who keeps promises. I am DREAMING an INTELLIGENT as MANUEL TINIO that...