18

30 2 0
                                    

CHAPTER 18: DREAM

Celine's POV:

Again the feeling of being confused..

These past few weeks may napansin akong kakaiba sa mga ikinikilos ni Mom. Tulad ng palagi siyang may kausap sa phone and ang pag alis niya.

I know naman na may trabaho siya pero parang may na-fefeel ako na mali eh.

Something's wrong.

Aalamin ko iyon ng patago..

Calling.. #09778312482

Hindi ko kilala kung sino ang tumatawag dahil kay Mom itong phone.

Sagutin ko ba? o tawagin ko na lang siya?

Baka kasi magalit siya kung pakealaman ko.

Pero mas nanaig ang kuryosidad ko kaya sinagot ko ang tawag.

on the phone*

(someone's voice)

"Alice? i have something to tell you."

Dapat ba kong sumagot?..pero kasi nacu-curious ako agh.

"Are you there?..you see-"

Biglang hinablot sa akin ni mommy ang phone niya.

"Celine bakit nasa iyo ang cell phone ko?" gulat na tanong niya.

"Ah may t-tumatawag po kasi sa'yo kaya sinagot ko na." sagot ko at ibinaling na ni mommy ang tingin sa kanyang phone.

Iniwan niya akong tulala at umakyat na siya.

Sino kaya 'yon? hindi familiar ang boses na 'yon sa'kin. Malalim ang boses niya kaya hindi ko matiyak kung babae ba siya o lalaki.

~*~

Nag-libang na lang ako sa kwarto ko at nag sketch ng mga reference ko sa photos from pinterest.

Napag-desisyonan ko nang itigil ang pag uusisa kay mommy. Hindi na lang ako mangingialam baka maging sanhi pa 'ko ng gulo.

*door knocks*

"Celine, pinapatawag ka na ni mommy mo. Kakain na raw kayo." rinig kong tawag sa'kin ni yaya.

"Susunod na po ako." sagot ko.

After kong maligpit ang mga art materials ko ay bumaba na rin ako.

Hinihintay na nga ako ni mom sa dining table. Pork steak ang ulam, yay my favorite!

"Let's eat my sunshine, i cooked your favorite dish." nakangiting sambit ni mommy.

"Sure mom! kahit hindi ko pa natitikman sure na akong masarap 'to hehe." nakangiti ko ring sambit.

Totoo naman talagang masarap mag-luto si mom lalo na kapag paborito ko iyon.

Nag-kwentuhan kami ni mom about sa mga ganap sa life namin today.

Parang walang nangyari kanina, kaya medyo nakakapanibago na binibigyan na ulit niya ako ng atensyon.

Masaya pa rin naman ako kahit hindi na kami kumpleto. Basta kasama ko si mommy okay na 'ko.

Nang matapos na kaming kumain tumulong na ako sa pagliligpit. Pinilit ko rin si yaya na ako na lang ang maghuhugas ngayon.

Nanlaki naman ang mga mata niya na ikinatawa ko.

Oo inaamin ko tamad ako sa ganito pero masipag naman ako, lalo na pag gumu-good mood.

Speaking of good mood, nag-text kasi kanina si Vinn sa akin habang kumakain kami.

Wish We Never MetWhere stories live. Discover now