19

18 2 0
                                    

CHAPTER 19: HOPE NOT

Hannah's POV:

"Thank you, Hannah." nakangiting sambit ni Ace.

Tinulungan ko kasi siya sa pag-sagot ng math problem dahil nahihirapan daw siya.

"Wala 'yon, ikaw pa ba. Tsaka sabi sa'yo eh, you will get the right answer if you study it well." i proudly said.

Deep inside it makes me proud because I made him smile.

And also I have a crush on him, na hindi ko magawang aminin kasi takot ako sa rejection.

"Yes Ma'am, you're right." he said sabay kindat sa'kin.

"Only if you knew." i whispered.

"Huh?"

"Wala, sabi ko gutom nako." pag-sisinungaling ko.

"Eh? bat iba yung pag-kakari-"

"Shhh." putol ko sa sinasabi niya.

"Tara na sa kusina, wag na maraming satsat." seryoso kong sabi.

Pag-karating namin sa kusina ay may naka handa na agad na pagkain. May pancakes na doon at nagtitimpla pa ng juice si Mommy.

"Kain na kayo, tawagin ko lang si Mama." sambit ni Mommy.

Hayyy my favorite, pancakes.

Umupo na kaming dalawi ni Ace at nilagyan ko ang platito niya ng dalawang piraso ng pancake, mukha pa kasing hesitant siyang kumuha kaya ako na ang naglagay.

"Hiya ka pa eh, alam ko namang fav mo rin 'to." pang-aasar ko sakanya.

"Haha hindi ah, hinihintay lang kitang mauna kumuha since bahay nyo 'to." iiling-iling niyang sabi.

"Sus, kumain ka na lang nga." sambit ko.

After ng ilang minutes bumaba na si Mommy kasama si Lola at ang amiga nito.

Nagmano naman si Ace kay Lola at sa amiga niya. Tama 'yan Ace para maging boto sila sa'yo in the future, joke.

Nakipagwentuhan din sina Mommy kay Ace kaya naman natatawa ako sa mukha niya. Para kasing naiihi na siya sa kakatanong sakanya sa iba't-ibang bagay.

"Aba'y baka mamaya may gusto ka sa apo ko ha, iho." sambit ni Lola na ikinagulat naming dalawa.

"Ah-hi wala po Lola." pag dedeny naman niya.

Okay lang hindi naman masakit, naalala ko nga pa lang ang best friend ko ang gusto mo. Kaya walang dahilan para umasa ako, 'di ba?

"Sos, ganyan din ang manliligaw ng apo kong si Jewel. Tignan mo ngayon sila na at kabata-bata pa." dismayadong sabi ng amiga ni Lola.

Nako eto ang hindi ko gusto sa pag-iisip ng mga matatanda eh.

"Ah Lola mag-kaibigan lang po kami ni Ace." right were just..friends.

Tumigil na sila at tumango tango na lang.

Pagkatapos kumain ay tinulunggan ako ni Ace na magligpit.

"Salamat ulit, Hannah ah." this time hindi na siya nakangiti, mukha siyang malungkot.

"Gaya nga ng sabi ko sa'yo kanina wala 'yon, maliit na bagay." tipid na nginitian ko na lang siya.

Hindi ko na tinanong kung bakit ganon ang emosyon niya.

~*~


Wish We Never MetWhere stories live. Discover now