Panimula

963 9 0
                                    

MALAYA KA NA

heto na naman ako
Binabalikan bawat ala-ala mo
Wala namang bago
Lagi nalang akong talo

Sa Araw-araw na bangayan
Simpleng bagay na pinagaawayan
Minsan nauuwi na sa sakitan
Pasensya na sa aking kakulitan

Paumanhin kung nagkulang ako
Nag kulang ako sa tungkulin ko sayo
Sa pinapangarap mong mundo
Dahil kailan man hindi tayo magkasundo

Sabi mo mahal mo ko diba?
Pero paano kung pagod ka na?
Nais kong sumaya ka
Ngunit sa aking pamamaraan mukang malabo na

Hindi ako manhid para hindi makita
Nakikita ko yun sa iyong mga mata
Na ayaw mo na talaga
Ayokong ipag sa walang bahala

Batid mo kung gaano ka kahalaga sa akin
Pero ano ang aking gagawin?
Nasasaktan at nasasakal ka sakin
Masakit man sa damdamin

Ang makitang ipinipilit mo pa
Kahit alam mong na ayaw ko na
Huwag ka nang magpaka hangal
Tama na mahal

Tanggap ko na ang katotohanan
Na hanggang dito nalang ating pag mamahalan
Di ko nais na ika'y masaktan pa
Siguro nararapat na tapusin na

Mahal kita pero MALAYA KA NA!

SPOKEN WORD POETRYWhere stories live. Discover now