Ika-apat

482 2 0
                                    

"TUNAY NA KAIBIGAN"

Par,pre,bhe,besh,sis yan ang tawagan
Ngunit malalim ang kahulugan
Madalas makasama sa kalokohan maging sa kagaguhan
Kapatid na nga ang turingan

Ano man ang anyo
Lagi tayong magkasundo
Sa mapanghusngang mundo
Kung sa kanila'y talo para sa tunay naman ay panalo

Mula ng kayo'y makilala
Sapat na ang timpla
Para sa araw kong mapakla
Sapat na makasama lang sila

Problema nya problema mo din
Pag nag away nga di mo papansinin
At nagsasamaan pa ng tingin
Masakit man isipin

Ano man ang pag daanan
Sa pag ibig ma'y luhaan
Sa panahon na ika'y nasasaktan
Tunay na kaibigan ay nandyan

Nandyan at di ka iiwan
Tunay na mamahalin mo talaga ng lubusan
Walang hihigit pa sa isang tunay na kaibigan
Malalapitan mo pa pag ika'y may kailangan

Sabi nga ng iba
Di lahat ay tunay,at di din lahat peke
Sadyang di ka lang marunong pumile
Yung uba plastik
Sayo sisiksik

Walang masama kung susubukan
Ika nga nila,problema na nila kung ika'y sususkuan
Hindi ka perpekto?pero sa kanila'y sapat na at kuntento
Sa kanila ka sumaya,at nag kakulay ang iyong mundo

SPOKEN WORD POETRYWhere stories live. Discover now