Ika-walo

401 3 0
                                    

"UNCRUSH"

Hindi ko alam kung saan at paano
Kung bakit ang nararamdaman ay ganto
Ang alam ko lang ito'y dahil sayo
Sa dinami rami ng tao sa mundo

Sayo pa!sayo pa ako tinamaan ng husto
Gayong aking batid na ako'y di mo gusto
Umaasa na mabobou ang salitang ikaw at ako
Ang pag tingin ko sayo lamang napako

Bakit kase ang gwapo mo?
Nahulog tuloy ako sayo
Kaso di mo naman ako sasaluin
Wala ka naman saking pagtingin

Ang sakit diba?
Kung alam mo lang ikinukumpara sarili ko sa iba
Ngayon palang ako'y nangangamba na
Si kupido kase ang labo pumana

Nahulog ako sa taong malabong maging sakin
Sabi ko sa kanila,Ang swerte ng iyong taong mamahalin
Handa naman kitang kalimutan
Hindi ko lang alam kung paano at kailan

Kahit alam kong ito'y katangahan
Sana sa isang beses iyong pinahalagahan
Ititingil ko na kahibangan
Dahil batid ko hindi ka magiging akin kailanman

Crush kita!
Oo!Crush kita!kaso di mo makita
Ang manhid mo naman
Di mo man lang maramdaman

Crush!pagod na ako
Tama na!Ipapahinga ko na ang puso ko
Di ko na ipipilt sarili ko sayo
Dahil tanggap ko na,na ako'y talo..

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon