Ikatlo

554 5 0
                                    

"Wala akong karapatan"

Ikaw at ako
Para mabou ang salitang TAYO
Subalit ito'y mukang malabo
Dahil hindi ako ang iyong gusto

Isunulat ko ang tulang ito para sayo
Nais ko lamang na ipadama ang pag mamahal ko
Matagal na kitang gusto
Sayo lang ako tinamaan ng husto

Crush!Hindi ko naman ipipilit sarili ko sayo
Ngunit saliwa ang mararamdaman ko
Nagagalit ako pag may kasama kang iba
Naka ngiti ka kase pag kasama mo sila

Alam kong hindi tama
Ito kase ang aking nadarama
Kailan kaya kita makakasama?
Di naman masama diba?

Umaasa parin ako kahit alam kong walang akong pag asa
Mamahalin kita sa paraan alam kong tama
Nagseselos ako kahit wala akong karapatan
Wala eh,minahal kita kaya ako'y nasasaktan

Ayokong magselos
Kase kaligayahan ko mabilis matapos
Wala na nga ako paki alam kahit na ako'y mapaos
Kung mayroong libo-libong datos

Sakin naman may libo-libong sakit
Na tila ako'y namimilipit
Sa sakit tila ba kulang nalang na ako'y bumitaw sa pag kaka kapit
Selos maari bang muli ika'y huwag ng lumapit

Dahil alam kong wala akong karapatan
Wala akong karapatan na masaktan
Dahil noong una palang ako lang ang nakakaramdam nito
At wala itong kahit anong kinalaman pa sayo

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon